Chapter 10: What's going on?

1 0 0
                                    

"Ayos ka lang Omber?" Bigla akong natauhan sa pagtawag ni Cyle sa apelyido ko. Pero imbis na mawala ang inis ko ay bigla nalang akong nabwisit.

"Huwag na huwag mo akong tatawagin sa apelyido ko! Oo inis na inis ako sa'yo dahil walang araw na hindi mo ako kinukulit, naiirita ako!" Pabulong ngunit may inis na tugon ko sa kanya. Nakita ko ang dahan-dahang pagluwag ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at umalis na sa harap niya. Pero kitang-kita ko kung paano siya nagulat sa mga sinabi ko.

"Sorry." Bulong ko sa aking sarili habang naglalakad na ako pabalik ng kwarto ko. Hindi ko na siya muling nilingon pa.

Pagbalik ko sa kwarto ko ay mahimbing pa rin na natutulog si Sunshine sa kama ko. Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang mag-isip.

"Anong nangyayari? Sino ka ba talaga Cyle Persy? Or let me say, sino talaga kayo Persy Family?" Wika ko sa aking isipan. Napatingin ako sa gawi ni Sunshine na nakangiting natutulog. Di ko alam kung tama ba na pagdudahan ko sila? o hindi dapat? Dahil kaibigan ni mama si tita Scarlet at anak naman niya ang dalawang ito.

"What's going on po, Ate Z?" Napapitlag ako ng biglang nagsalita si Sunshine at umupo malapit sa akin. Di ko man lang namalayan na nagising na pala siya, marahil dahil ang lalim ng iniisip ko.

"Nothing, Shine. Marami lang talaga akong iniisip. Kamusta naman ang tulog mo?" Tugon ko sa kanya at hinimas ang ulo. Di ko alam pero mukha namang mabait sila. Siguro ay hindi ko dapat sila pagdudahan.

"Ganun po ba ate. Maaayos din po iyan, kung ano man po ang gumugulo sa isipan niyo." Wika niya at nginitian siya. Nakakatuwa talaga siya dahil para siyang matanda kung mag-isip.

"At sorry po pala dahil nakaabala ako, napahaba pa ang tulog ko, di ko namalayan na wala po pala ako sa kwarto ko." Sambit ni Sunshine at napakamot ng batok. Umiling ako dahil hindi naman siya nakaabala sa akin.

"Wala iyon, Shine. Di ka naman nakaabala sa akin." Tugon ko at pinisil ang kamay niya. Nagtagal kami sa kwarto ko na nagkukwentuhan at nagtatawanan na para bang kay tagal na namin magkakilala.


Tanya' P.O.V.

Habang nagkukwentuhan kami ni Scarlet ay may bigla akong naramdaman na malakas na awra.

"Bes, naramdaman mo yon?" Tanong niya sa akin. Akala ko ako lang ang nakaramdam pero pati si Scarlet naramdaman ito. Ibig bang sabihin may taglay pa rin akong kapangyarihan?

"Oo Bes, naramdaman ko. Malapit lang siya kanina pero bigla din nawala agad." Tugon ko sa kanya at sabay kaming nagkatinginan. Aakma na sana siyang tatayo habang ako naman ay igagalaw na ang wheel chair ng biglang sumulpot ang anak niya na nakabusangot kaya imbis na tignan namin ang nangyari ay bumalik kami sa pwesto namin.

"Cyle, what's wrong?" Tanong ni Scarlet sa anak niya na tila wala sa sarili at mababakas ang lungkot sa kanyang mga mukha. Bumuntong-hininga ito at saka nagsalita.

"Nothing mom, can we go home na po?" Matamlay niyang tugon sa ina at nagkatinginan pa kami ni Scarlet at muling ibinalik ang tingin sa anak niya. Mukhang malalim nga ang problema ng batang ito.

"Sige na Bes, uwi na kayo. Mukhang kailangan na magpahinga ni Cyle." Wika ko kay Scarlet at siya namang tango sa akin.

"Where's your sister?" Tanong niya sa anak niya, lumingon ito at nagsalita.

"She's with Omber po, mom." Matamlay pa rin niyang tugon at saka muling nagyuko ng ulo. Mukhang iba ang problema nitong batang ito. Napangiti naman ako dahil tinawag niyang Omber ang anak ko.

Akmang tatawagin na ni Scarlet ang anak niya ng bigla itong bumaba ng hagdan.

"There you are, anak. Where is your ate Zette?" Wika ni Scarlet sa anak at saka nakangiting sumagot sa ina.

The RemnantWhere stories live. Discover now