Chapter 9: Friends?

0 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Galit kong wika ng makita ko kung sino ang kasama nila Mama at tita Scarlet.

"Nagkakilala na kayo ulit, anak?" Sambit ni mama at napatingin ako sa sinabi niya.

"Ulit? Hindi Ma, siya lang naman ang classmate ko na hilig akong bwisitin!" Matigas kong tugon habang naka kibit-balikat at nakatitig ng masama sa kanya.

"Oo anak, ulit." Tugon ni mama at sabay tawa. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko?

"Ma naman eh." Wika ko kay mama at napa pout ako ng nguso sa kanya.

"Anak, meet your Tita Scarlet Persy. Yung naabutan mo kahapon." Pagpapakilala niya kay tita at ngumiti naman ako.

"Hello po tita, nice to meet you po." Tugon ko at ngumiti naman siya sa akin.

"Nice to meet you rin Zette. Ang bilis ng panahon, noon bata ka palang ng huli kong kita sayo pero tignan mo nga naman, ngayon ang ganda mong dalaga. Mana ka sa mama mo." Pagpupuri ni tita sa akin at nginitian siya kahit na nahihiya ako sa papuri niya.

"And meet her children. Sila Cyle Persy at Sunshine Persy." Pakilala naman ni mama sa anak ni tita Scarlet.

"Nice to meet you Sunshine." Bati ko sa kanya at ngumiti naman din siya sa akin.

"I'm glad to finally meet you, Ate Zette." Masaya niyang tugon at ngumiti ng malapad. Pero teka tinawag niya akong ate? Ang... Ang sweet naman niya.

Lumingon ako sa gawi ni Cyle pero imbis na batiin ko siya ay inirapan ko lamang siya.

"Ma, akyat lang po muna ako sa kwarto." Paalam ko kay mama at tumango naman ito. Pero bago ako makaakyat ay sinundan ako ni Sunshine.

"Ate Zette, pwede akong sumama sa kwarto mo?" Tanong niya kaya sumagot ako.

"Oo naman." Nakangiti kong tugon at sabay kaming umakyat sa kwarto.


Cyle' P.O.V.

Di ko alam na ang tinutukoy pala ni mom na friend ay ang mom ni Omber.

"Nalintikan na, baka lalo yon magalit sa akin kapag nakita ako." Wika ko sa aking sarili habang nakaupo kami sa sala nila tita Tanya.

"Ikaw?? Anong ginagawa mo dito?" Bigla akong napa pitlag sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Omber. Kakababa niya lang ng hagdan at nakasuot ito ng simpleng sando at short.

"Ang ganda niya kahit nakapambahay lang." Wika ko sa aking sarili pero bigla akong nakaramdam ng takot. Pag tingin ko sa kanya ay nanlilisik ang tingin niya sa akin. Sinasabi ko na nga ba eh.

Pinakilala kami ni tita Tanya kay Omber. Ngumiti naman siya kayla mom at Shine pero ng magtama ang mga mata namin ay inirapan niya lang ako. Nag paalam siya agad na aakyat ng kwarto ng sundan siya ni Shine. Nagulat ako dahil hindi ito nagalit sa kapatid ko. Nginitian pa nga niya at sabay silang umakyat.

"Aray ah, ako ang classmate pero ako ang OP dito." Sambit ko sa aking isipan at wala nalang ginawa kundi hayaan siya. Ayoko naman na mas lalo siyang magalit sa akin. Papahupain ko muna ang galit niya sa akin.


Zette' P.O.V.

Pagpasok namin ng kwarto ko ay naupo agad siya sa kama upang makipag kwentuhan.

"Okay lang ba na tinawag po kitang Ate?" Sambit niya habang nakaupo ng deretso. Nag-iintay kung ano ba ang isasagot ko.

"Oo naman, walang problema. Nabigla lang ako kanina kasi wala pa sa aking tumatawag na ate." Tugon ko sabay ngumiti at tumabi sa kanya sa kama.

"Salamat po, Ate Zette. Finally, may matatawag na po akong ate." Wika niya sabay ngiti na abot hanggang tenga. Nakakatuwa naman itong batang ito.

"Pwede po akong magtanong Ate Zette?" Sambit niya at tumango ako bilang tugon.

The RemnantWhere stories live. Discover now