Chapter 16: A Truth? or A Lie?

0 0 0
                                    

"Weird talaga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Weird talaga. Bakit may ganoon? Paano ko nakita yung ganoong information? Ang tanging alam ko lang ay nakikita ko mismo ang mga oras na naka display sa ibabaw ng mga ulo nila kapag nadampi ang daliri nila sa daliri ko. Ang kinaiinis ko pa eh ang haba pala ng buhay ng t*r*nt*do na 'yon." Matapos kong bumulong ay inihiga ko ang sarili ko sa kama. Feeling ko ang dami kong pagod ngayong araw na ito.

"Pero teka, ano pala ang nangyari sa kambal?" Bigla akong napatayo sa pagkakahiga ng naisip ko yung classmate ko na bagong salta. Baka may nangyari ng masama sa kanila.

"Tawagan ko kaya? Pero paano? Wala nga pala akong nakuha kahit isa sa number nila. Siguro naman ayos sila di ba? Wala naman akong narinig na pangalan nila na nabanggit nung dinukot ako. Baka nakaalis na sila bago pa sila makita. Tama!" Wika ko sa aking isipan kahit na hindi ko talaga alam kung ano ba ang nangyari sa dalawa. Sana pag pasok ko bukas ay nandun sila.

**tok.. tok... **

"Pasok!"

"Ate Z –" Bungad sa akin ni Sunshine pagbukas niya ng pinto. Halatang nagaalangan na pumasok sa loob.

"Pasok ka Shine, ano iyon?" Sabi ko sa kanya at inanyaya ko siya pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Ayos ka lang po ba Ate Z? May masakit po ba sa inyo? Sinaktan po ba nila kayo?" Tuloy-tuloy na tanong ni Sunshine sa akin. Halata mo sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Natuwa naman ako sa pagiging concern niya.

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala. Paano niyo nga pala ako nahanap?" Tanong ko sa kanya dahil kanina ko pa rin iniisip kung papaano nila ako nahanap. Alam ko naman na may powers sila pero hindi naman iyon related sa ibang powers dahil ayon kay mama puro time ang powers ng family namin pati na ang family nila tita Scarlet.

"Ah... Eh.. May tracker kasing nilagay si kuya Cyle sa'yo dahil ipinag-utos ni mom kay kuya na bantayan ka dahil iyon ang habilin ni tita Tanya kay mom. Sana hindi ka po magalit kay kuya, Ate Z." Tuloy-tuloy na paliwanag niya na may paghingi ng tawad sa huli.

"Bakit naman ako magagalit, Shine?" Tanong ko na may halong ngiti habang nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganoong ideya na magagalit ako agad sa kuya niya.

"Kasi po – sorry Ate Z! Di ko po sinasadya, last time po kasi na nakatulog ako dito sa kwarto mo, nagising ako noon at nakitang wala ka na sa tabi ko kaya naisipan kong bumaba para sana hanapin ka pero – pagkadating ko ng hagdan ay nakita ko kayo ni kuya Cyle na may pinag-uusapan at galit ka po sa kanya. Nagmadali po akong bumalik nun sa kwarto niyo dahil ayoko pong manghimasok sa kung ano man po ang napag-awayan niyo ni kuya. Sorry po talaga Ate Z, ang chismosa ko po." Pagkatapos niyang magpaliwanag ng mahaba ay yumuko siya para humingi ng tawad.

"Nakakatuwa ka talaga, Shine. Hindi ko man hiningi pero pinaliwanag mo sa akin at humingi ka pa ng tawad. Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin dahil umpisa palang ay hindi mo naman kasalanan at sinasadya na nakita mo kami ng kuya mo na nag-away. Kaya salamat." Pagkasabi ko sa kanya non ay niyakap ako ni Sunshine at niyakap ko din siya. Hindi ko man sabihin sa kanya ang dahilan ng pag-aaway namin ng kuya niya ay nararamdaman kong naiintindihan niya ako.

The RemnantWhere stories live. Discover now