Chapter 2: Second Encounter

0 0 0
                                    

"Ma pasok na po ako." Wika ko kay mama after kong mag breakfast na kasama siya. Si papa kasi kaninang madaling araw pa umalis papunta ng lab niya. Isa kasi siyang tanyag at kilalang scientist hindi lang sa lugar namin kundi sa ibang siyudad.

"Mag-iingat ka, anak." Tugon ni mama at tinanguan ko naman saka siya hinalikan sa noo.

Achievers Senior High School

"Zette!" Malakas na tawag sa akin ni Hacel Uston. Isa sa pinaka kalog at masiyahing taong nakilala ko. Akalain niyong kaibigan ko ang isang 'to. Kumpara kasi sa akin na laging tahimik si Hacel ang pinaka pala kaibigan sa aming dalawa.

"Ang sakit sa tenga, Cel." Tugon ko sa kanya paglapit niya at inirapan siya. Ngumisi naman ito at saka ako inakbayan.

"Sorry na Ms. Omber." Pang-iinis niyang tugon sa akin. Ganito siya palagi sa tuwing papasok kami ng school. Hilig akong bwisitin.

"Wow ha, nag sorry ka pa eh binanggit mo naman ang apelyido ko." Sambit ko sa kanya at kinalas ang pagkaka akbay niya sa akin.

"Bakit? Eh maganda naman ang apelyido mo ah." Sagot niya sabay kibit-balikat at nag pout pa. Pff, napaka drama talaga ng isang 'to.

"Alam mo naman kung bakit di ba?" Mahinang tugon ko sa kanya sabay siko sa kanyang tagiliran.

Alam na alam niyang ayokong mababanggit ang apelyido ko dahil nga sa kilalang scientist si papa ay marami ang mangha sa galing niya pero marami din ang inggit sa kung ano ang narating niya sa buhay.

Kaya hangga't maaari ayokong malaman nila na anak ako ni papa. Hindi dahil sa kinahihiya ko siya kundi dahil ayoko lang may marinig na masakit na salita tungkol kay papa. Kahit na hindi ako non kinakausap magmula ng mawala si ate Ria ay mahal na mahal ko si papa.

"Hoy! Nakatulala ka na naman diyan." Sabay hampas ni Hacel sa braso ko kaya natauhan ako. Natulala na naman pala ako ng hindi ko namamalayan.

Mabilis na tumakbo ang mga oras hanggang sa magtapos na ang huling klase namin, ang science.

"Tomorrow, we will have a quiz. Prepare a one-half crosswise and huwag niyong kalimutan ang mag review, maliwanag?" Tugon ni Ms. Lisa sa buong klase.

"Yes ma'am!" Sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko. Pinagmasdan ko si Cel na nag-aayos na ng mga gamit niya. Gusto kong ikwento sa kanya ang nangyari kahapon kaya walang atubili na lumapit ako sa kanya.

"Uhm.. Cel.. Busy ka?" bungad ko sa kanyang harapan. Pareho kaming nakatayo at kita ko na medyo nagtaka siya sa tanong ko.

"Hi-ndi naman Zette, bakit?" Tugon niya sabay ngiti sa akin kahit na di niya alam kung bakit ko iyon natanong sa kanya.

"Uhm, pwede ba kitang makausap? Kung maaari sana sa walang gaanong tao." Sambit ko sa kanya habang deretso akong nakatingin sa mga mata niya. Ng malaman niya na seryoso ako sa sinasabi ko ay umakbay siya sa balikat ko at naglakad kami palabas ng classroom.

Nasa may malaki kaming soccer field ng school namin. Sakto na walang tao doon kaya mabilis niya akong hinarap.

"Spill it, Zette. Ano bang nangyari?" Bungad niya matapos namin magharap. Huminga ako ng malalim bago magsimula.

"May nangyari kasi kahapon. Hindi ko alam kung kanino ako magkukwento at kung may maniniwala ba sa akin. Baka kasi isipin nila na nababaliw na ako." umpisa ko sa kanya habang seryoso siyang nakikinig parin sa akin kaya pinagpatuloy ko ang pagkuwento.

Matapos kong ikuwento ang buong pangyayari kahapon sa kanya ay hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Mayroon paring part na nagdududa siya.

"Alam kong mahirap paniwalaan, Cel. Pero alam mong hindi ko kayang magbiro kung buhay na ang pinag-uusapan. Alam mo kung ano ang naranasan ko noon." Seryoso kong sambit sa kanya habang nakatitig siya sa akin at nakapamewang.

"Zette, alam kong hindi mo kayang gumawa ng kwento-kwento lang. Ang hindi ko lang maintindihan ay paano? Sabi mo nagkahawak kayo ng kamay pero sabi mo rin nagkahawak naman tayo ng kamay kanina pero wala kang makitang oras sa ibabaw ng ulo ko." Sagot niya sa akin habang napapaisip kung ano ang nangyari. Maski naman ako ay naguguluhan kung paano ko iyon nakita.

"Hindi ko din alam, Cel." Tumayo ako sa kinauupuan namin malapit sa soccer field at nag-unat. Bigla nalang ako nasangga ng kung sino kaya nahulog ang mga gamit na bitbit niya.

"Tulungan na kita?" Wika ko at sabay lumuhod upang ibigay sa kanya ang mga nahulog niyang gamit. Nang naibalik ko na ang huling gamit niya ay nagtama ang mga kamay namin at para bang slow motion na nakita kong nagdikit ang dulo ng mga daliri namin at sa ikalawang pagkakataon ay lumabas ang oras sa ibabaw ng ulo nito.

Bigla na lamang akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko na parang istatwa hanggang sa yugyugin ako ni Hacel.

"Hoy Zette! Ano bang nangyayari sayo?" Tawag niya sa pangalan ko at doon ako natauhan at napatingin sa kanya.

"Huwag ka naman ganyan, Zette. Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tinig ni Cel sa akin at pinupunasan ang mga luhang di ko namalayang bumagsak na pala.

"Ha-cel..." Utal na tawag ko sa pangalan niya at saka ko hinila ang kanyang mga kamay.

"Teka saan tayo pupunta!" Sigaw niya pero di ko iyon pinansin. Hawak-hawak ko pa rin siya sa wrist niya at tumatakbo kami palabas ng gate ng makita kong nakalabas na ng gate yung lalaking nakabanggaan ko kanina.

Nakalabas na rin kami at kita ko sa ibabaw ng ulo niya ang 00:00:05.

At ng nag zero na ulit ang nasa ulo niya ay gulat na gulat ako pati na ang mga tao sa paligid namin ng bigla nalang itong bumulagta sa sahig na naliligo sa sarili niyang dugo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


At ng nag zero na ulit ang nasa ulo niya ay gulat na gulat ako pati na ang mga tao sa paligid namin ng bigla nalang itong bumulagta sa sahig na naliligo sa sarili niyang dugo. Tinamaan siya ng bala sa ulo kaya dead on the spot ang nangyari sa kanya.

Pareho kaming nakatulala pa rin ni Hacel sa may waiting shed sa labas ng school habang nakaupo at pinagmamasdan ang ambulansya na bitbit ang bangkay ng lalaking wala ng buhay.

Pinilit kong alisin muna sa isipan ko ang nangyari kanina lang at hinarap si Hacel.

"Cel... Naalala mo ang sinabi ko sayo kanina sa soccer field?" Tawag ko sa kanya at hawak siya sa magkabilang balikat. Tumango siya bilang tugon.

"Sa ikalawang pagkakataon, nakita ko ang oras sa ibabaw ng ulo ng lalaking iyon." Lumingon kami pareho sa pinangyarihan ng aksidente at sabay na nagkatinginan muli.

"So meaning... Pero paano nangyari?" Utal niyang tugon sa akin. Huminga ako ng malalim at saka muling nagsalita.

"Sa tingin ko hindi sa pag hawak ng kamay makikita ang oras kundi sa pagdampi ng mga daliri ko sa mga tao." Pagpapaliwanag ko sa kanya habang tulala parin si Hacel at di makapaniwala sa mga nakita.

"Cel, pakiusap. Kung maaari ay wala sanang makaalam sa kung anong nangyayari sa akin. At hanggang maaari pipilitin kong hindi magdapo ang mga daliri ko sa daliri ng mga tao. Lalo na sayo." Pagpapaliwanag ko na mukha namang naintindihan ni Hacel dahil tumango-tango pa ito.

"Pangako, Zette."

"Salamat, Cel." At sabay naming niyakap ang isa't-isa kahit na pareho kaming nanginginig sa mga nakita namin.

"Don't worry, Zette. Palagi lang akong nandito. Hindi ko hahayaan na may mangyari sayong masama. Pipilitin natin na hindi mo makita ang weird na oras na iyon." Wika niya habang hinihimas ang likod ko. Di ko alam pero nung sinabi niya yon ay gumaan bigla ang pakiramdam ko.

"Salamat, Cel dahil palagi kang nandyan para sa akin."

The RemnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon