Chapter 18: Condition

1 0 0
                                    

Rian' P.O.V.

Pagkatapos namin magyakapan ni Yuri ay gumaan ang pakiramdam ko. Aminado ako noong una ay hirap akong pagkatiwalaan siya dahil hindi ko siya kilala at wala din akong memory. Pero pinatunayan niya sa akin na karapat-dapat siya sa tiwala at pagmamahal ko.

"Sorry love, naging emotional na naman ako. Sabi ko kasi sayo huwag na natin sila hanapin." Wika ko kay Yuri habang hawak-hawak namin ang kamay ng isa't isa.

"Love, alam kong wala ka ng pakialam kung hindi ka nila hinanap pero gusto ko silang makilala at magpasalamat na isa kang biyaya na nabuo nila." Tugon niya at hinalikan ako sa noo.

"Sila ang dapat magpasalamat dahil nagkaroon ako ng lalaking minahal ako kahit na wala akong memory about my past." Tugon ko sa kanya at niyakap siya.

Sana ganito nalang, walang away at walang gulo. Yung tahimik ang buhay.

Zette' P.O.V.

Alagaan mo ang sarili mo pati na sila mama at papa. I love you, bunso.

"Ate!" Sigaw ko at napa balikwas ako sa kinahihigaan ko. Sumalpak na naman ako sa sahig.

"Aray, ang sakit. Pero bakit ko na naman napapanaginipan ang insidente na 'yon. Mas lalo ko lang tuloy na mi-miss si Ate Ria. Kung buhay ka pa sana ate, ano na kaya ang buhay natin?" Pabulong kong wika sa aking sarili.

"Kailangan ko ng tumayo at may session pa ako sa doctor ko." Pagkasabi ko non sa sarili ko ay nahilamos ko ang mukha ko.

Trenta minuto ako nagbiyahe hanggang sa nakarating narin ako sa clinic ng doktor ko.

"Say aaah." Sabi ni Dr. Leu pagkaupo ko sa chair na ginagamit niya sa mga pasyente niya.

"Iniinom mo ba yung gamot na nireseta ko?" Ani ni Dr. Leu habang nagsusulat sa may record file ko. Sasabihin ko ba o hindi?

"Ms. Omber, narinig mo ba ang tinatanong ko?" Tawag muli sa akin ni Dr. Leu. Nakatulala na naman pala ako.

"Ah, sorry doc. Opo iniinom ko ang gamot ko." Tugon ko at nginitian ko siya. Hindi ako umamin na hindi na ako umiinom. Dahil simula ng makakita ako ng oras para akong napa praning kaya inihinto ko. Pero feel ko need ko lang yung high dosage.

"Mabuti naman kung ganoon. Kamusta ang kalagayan mo? Bumubuti na ba? May mga kailangan ka bang sabihin sa akin?" Wika ni Dr. Leu at tumitig sa akin ng deretso. Bigla nalang akong kinilabutan nung tumitig siya.

"Oo doc meron. Madalas ko kasing napapanaginipan yung aksidente, hindi ko alam kung may meaning ba yung mga ganun o lumala lang yung condition ko. Pwede ba akong makahingi ng high dosage doc?" Paliwanag ko kay Dr. Leu at nagbabakasakali na bigyan niya ako ng mataas na dosage baka mas umepekto kapag ganoon.

"Hindi pwede. Masyadong mataas ang dosage na susunod. Hindi kakayanin ng katawan mo. Ang mabuti pa ay bumalik ka sa akin after a week. Kung same parin ang nararamdaman mo ay saka ako mag de-decide kung kailangan mo na ng high dosage." Pagkatapos ni Dr. Leu sabihin iyon ay tumango nalang ako. Wala naman akong magagawa kahit pilitin ko siya, isa pa siya ang doctor kaya mas alam niya kung ano ang dapat sa hindi.

Pagkatapos ng session ko kay Dr. Leu ay lumabas na ako agad ng clinic dahil may usapan kami ni Sunshine na mag sho-shopping sa mall. First time ko lang ito gagawin kaya nakaka excite.

Pagdating ko sa parking lot ay may bigla nalang ako naramdaman na kakaiba.

"Nag ha-halucinate na ba ako? Saan nanggagaling ang kaluskos na 'yon?" Tanong ko sa aking sarili habang humahakbang ng paunti-unti papunta sa kotse ko.

Wala pang isang minuto ay may bumagsak na lalaking naka mask sa likuran ko kaya napatili ako.

"Aaaaaah!!!!!! "

The RemnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon