Chapter 360

448K 18.4K 25.3K
                                    

A/N: Para po sa mga Kpop Fan and mahilig sa Kpop Merch. I suggest this shop, please follow on Twitter.

 I suggest this shop, please follow on Twitter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Also the tiktok account.

Also the tiktok account

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THANK YOU!! 🥰

Family pain

Jay-Jay's POV

Ang laki kong shunga. Kung may award lang sa pagiging shungabengbeng malamang ko ang dami ko ng trophy. Taon-taon nominated ako.

Binaba ng waiter ang order naming coffee. Malaki-laki ang tasa kaya dalawang kamay ang ginamit ko para mahawakan ng maayos at makainom ako. Hindi ko maitago ang panginginig ng kamay ko kaya tinulungan ako ng Hari ng mga Ulupong na ibaba ang tasa pabalik sa lamesa.

"Please relax," bulong ni Keifer sa'kin.

Bigla akong nagsisi na mainit na kape ang binili ko. Lalo akong kinakabahan habang kaharap ang Tatay ni Aries. Mabuti na lang talaga at hindi ako iniwan ni Keifer.

"Thank you," sabi ni Ares sa waiter bago tuluyang umalis sa table namin.

Uminom muna siya sa sariling tasa. Naiilang ako habang nakikita ang malaking peklat niya sa panga. Walang pinagkaiba sa peklat ni Aries sa ibabang dibdib. Siguro dahil nakuha nila pareho ang peklat dahil sa'kin at sa parehong araw din.

Parehong insidente.

Ilang beses akong napalunok. Hinawakan ni Keifer ang isang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa'kin para sabihing andito siya at magiging okay lang ang lahat.

Pinilit kong suklian ang ngiti niya pero napawi 'yon ng magsalita ang kaharap namin.

"Kumusta ka?" tanong niya sa'kin.

Gusto kong tumawa at pagtaasan siya ng kilay. Ang lakas makatarantado ng tanong niya. Binigyan niya kami ng trauma ni Aries tapos ngayon itatanong niya kung kumusta ako. Para na rin niya kong sinampal at itananong kung masakit ba.

Sabog ka?

"I mean after all this years. Matagal-tagal na din yung... nangyari." dagdag niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon