START

8.5K 240 98
                                    

Hey,

Gaano ka katagal nagtago sa Closet?

.

.

Huy nagtatanong ako.

Yeah You. Wag kanang lumingon ikaw lang naman bakla dyan hahahaha

Nevermind. Baka nga pala nagtatago kapa din sige keep hinding my friend if you're not yet ready, you're not alone and it's not wrong. You're not being a coward trust me. It's not easy and it will never be easy.

Anyway, natanong ko lang naman kasi never naman akong nagtago. Nung pinanganak daw kasi ako eh hindi ako umiyak agad. Ngumiti lang daw ako tas hinalikan ko yung babaeng nurse na may hawak sakin.

Oh edi confirm!

Kidding aside, just want to ask kung ano ang pakiramdam? Is it really hard?
Yung tipong buong buhay mo yung nakasalalay sa pag amin mo. Yung tingin ng nakapaligid sayo lalo na ng mga magulang mo once na malaman nila ang totoo.

Yeah I know it's hard but how hard is it really?

Hard enough para itago ang taong mahal mo? Yung taong sinasabi mong hindi mo kayang mawala?

Hard enough para itanggi sa lahat na may relasyon kayo. Or just simply close kayo as a friend?

Yeah I know it's hard. But just to remind you.

Ang hirap ding itago ka ng taong mahal mo na parang bagay na ilalabas lang pag wala ng nakakakita.

Not because possesive siya at mahal na mahal ka niya na gusto kalang niyang protektahan.

It's because, she's scared.

Now, ibahin natin ang tanong. Taas kamay ng mga taong naging isang malaking Secreto.

Whooaaaaa wag kana mahiya, damayan mo nalang ako. Coz I am.

I'm a Secret. I'm her Secret.

Teka teka teka ngaaaaa nag drama na agad eh noh. Di nyo pa nga pala ako kilala.

My name is Echo. Secret na muna edad ko at baka malaman nyo pa kung gaano katagal time skip ng story ko.

Basta masaya ak--

*Bogsh!

Outch!

"Yah! Hindi kaba titigil kaka emote mo dyan? Magluluto ka or ikaw lulutuin ko?"

"Aww. Gustong gusto mo talaga akong kain-- Ito na!"

Tsk so ito na nga

Want to read my painful yet so beautiful love story?

Aba eh, libre nyo muna ko. LOL

So Anyway, simulan natin ang istorya noong ako'y patapos na ng pag aaral sa kulehiyo.

. . . . .

Echo's POV

"Hey! Wait lang, tinatawag ng kalikasan. Ipagtabi nyo nalang ako ng upuan!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko.

Kakain kami sa labas matapos ang hirap namin sa Thesis Defense. Pinahirapan kami ng mga professor naming pinag lihi sa sama ng loob.

Halos maihi ako habang nagsasalita sa harapan pfft.

"Pan! Are you even listening? Hinahanap ka ni Lolo at Lola. At least call or text them. And where the hell do you live?" Whoa. Di pa nga ako nakakapasok sa Comfort Room eh may parang nanay na ditong wagas kung tumalak.

"Why do you even care? I'm not a child!" Hindi ako agad pumasok at baka mabigla sila. Nagtago lang muna ako sa gilid para maki chismis.

"But not old enough to live alone! And look at you, galing kaba sa lamay at itim na itim ka dyan?"

I'm A Secret Onde as histórias ganham vida. Descobre agora