Chapter 20

1.4K 118 71
                                    

No

She said No

Bakit parang hindi ako nagulat? Hindi na ako ulit nagsalita pa. Pumikit na ako kahit alam kong hindi na ako makakatulog.

I don't want to think anything right now. I just want to take a rest and forget everything. . . . .

Nakatulog din ako ng hindi ko namamalayan. Pag gising ko ay 3:00 am na. Tinignan ko ang kabilang side ng kama. She's gone, as always.

At dahil mukang malakas naman na ay nagpasya na akong umuwi. I think I'm hungry. Sa bahay nalang ako nila Mom uuwi at I'm sure madaming pagkain don dahil kay Pandora.

Pagpasok ko sa Gate namin ay napansin ko ang isa pang kotse. Sa labas ay nakatayo ang isang lalaki, he looks familiar. Ah yeah, secretary ni Dora.

"Hey" Tawag ko sa kanya.

"Good midnight? My name is Rai" Nakipag kamay siya sakin kaya tinanggap ko ito.

"Echo. What are you--"

"Rai, mahilig ka sa Pizza diba? May nat- Echo, bakit umuwi ka ng ganitong oras? Are you okay?"Agad siyang lumapit sakin at binigay naman kay Rai ang dala.

"I'm okay. And you? It's still early, san punta nyo?" I said smiling

"Korea. Emergency sa isang store namin don. I'll be back tonight." Ahh

"Okay, be careful" Tipid na sabi ko at tumalikod na.

"Echo wait" Pagharap ko ay hinawakan niya bigla ang Noo ko.

"May sinat kapa. Bakit ka nag drive? At kita mo ang nipis ng suot mo oh. Kumain kana ba?" Napakagat ako sa labi ko. Sh** bakit naiiyak na ako?

"Echo. Kumain kana ba?" Umiling lang ako.

"Hays, Rai akin na nga yang Pizz--"

"Iehh Boss naman, hindi padin ako kumaka- sabi ko nga ito na" Tinignan lang siya ni Pan, natakot na.

"No, okay lang. Hindi din naman ako mahilig sa Pizza. Ahm magluluto nalang ako ng Noodles. And sure namang may natira pa sa loob" Tumalikod na ulit ako para pumasok sa loob. Medyo naawa kasi ako sa itsura ni Rai kanina.

Pero pagpunta ko ng kusina eh wala manlang natirang pagkain kahit ano. Kailangan pang magluto. Ayoko namang mang istorbo pa ng maid namin.

Hays. Naupo nalang muna ako sa sahig. What's wrong with my day. Exhausting.

"What do you want to eat?" Huh? Naupo din siya sa harap ko.

"I'll cook, kumain ka ng kanin. Hindi Noodles. So ano?" Why? Bakit bumalik pa siya.

"You should go. Emergency yon diba? Mag prito nalang ako ng itlog at hotdog. G- ouch." Pinitik nalang bigla ang noo ko.

"I know my priorities" Nakangiting sabi niya at tumayo na agad. Priorities. . . Ang sarap pala sa feeling.

"Yah. What the, Echo! Bitaw nga, magluluto ako" Niyakap ko ang binti niya. Bahala siya dyan. She's making me cry eh.

"She said No"

"What?"

"She said No. Alam mo ba kung gaano kasakit ang isang No? Sobrang sakit na hindi ako naiyak. Dahil hindi sapat ang isang luha para mapakita kung gaano ako nasaktan." At hindi ko na napigilan ang luha ko.

"It's just a what if but she still chose to break my heart. How I wish na sana nagsinungaling nalang siya. Hindi ba niya alam yung white lies?"

"Echo" Naupo siya ulit at pilit na ini angat ang muka ko para makita niya. Malamang pagtatawanan niya na naman ako kasi ang pangit ko umiyak. But no, pinunasan niya lang ang mga luha ko.

I'm A Secret Where stories live. Discover now