Chapter 6

1.5K 124 13
                                    

Argh hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako. Umuwi ako agad sa bahay pagka alis ng eroplano ni Pandora. At mukang si Kuya Zeev naman ang Piloto kaya kampante na ako.

Naupo ako sa sofa. 4 months, apat na buwan din kaming nagtalo sa bahay na ito.

"Hays, I'll miss you Dora" Nasabi ko bigla. Nilabas ko ang bigay niyang box at nilagay sa lamesa na nasa harap lang nitong sofa.

"Dyan kana lang, katamad ka itago eh"

Pero mukang nagutom ata ako. Di pa pala ako kumakain eh gabi na. Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng pagkain. At pagkakita ko sa lamesa napangiti na ako.

Nagluto pa siya bago umalis.

Don't skip your meals. Baka bumalik ka sa pagiging toothpick.

Basa ko sa sulat niya. Actually gumanda nga ang katawan ko ng dahil sa kanya. Dinaig pa kasi ang isang Nanay kung mamilit kumain. 3 meals a day dapat tas may miryenda pa.

Tinikman ko ang sinigang na niluto niya.

"Pwede kana magtayo ng sariling karinderya hahahaha" But it's good. Natuto din sa wakas.

Noong first week kasi siyang nagluluto eh halos maka imbento na ng bagong lason. But now? Pwede na pang 5 star restaurant.

Kainis wala na akong tagalu-- fu** b-bakit ba ako umiiyak? Kainis di manlang kasi nagbabala na aalis na siya. Hindi ako ready.

Wala nadin akong tagalinis ng bahay, ayaw kasi niya sa magulo at maduming paligid. Yung taga laba ng mga damit ko. Wala na akong alarm clock, siya kasi lagi gumigising sakin para kumain ng agahan. Wala na akong kasama mag movie marathon sa gabi. Wala na akong aasaring

Dora, Kawali, NPA, Panaderya, Bread Pan at kung ano pang maasar ko sa pangalan niya.

At Wala nadin akong nurse na mag aalaga sakin pag may sakit ako. Yung laging nagpapa alala saking inomin ko yung gamot ko.

In short, wala na yung ka-

**KRIIINGGGGG

"H-hello?"

"Oh hey, Si Sidney to. May pinapasabi si Pandora pala. And quoted; Wag ka ng mag drama dyan na nawalan ka nang katulong. Matuto kana sa gawaing bahay ikaw na palamuning tamad ka. That's exactly what she said. Good bye" Umurong bigla yung luha ko

-_-

So yeah anyway! Hindi ako naniniwalang hindi na kami magkikita pfft. Kaya ko naman siyang hanapin noh.

And I'm actually proud of her. Kaya naman hindi ko siya pinigilang umalis.

"I'll see you in a few years"

**KRIIINGGGGG

"Yes Hi Hello?"

"Echo? Just want to say, alam ko naman kung saan ka nagpunta kanina. Pero yung photoshoot mo iniwan mo na naman"

"Oh sh**! My loves sorry argh nawala talaga sa isip ko sorry. Babawi ako promise, ahm m-may third chance pa ba?"

"You believe in third chances?"

"Ahm No? But I wish you do"

"Hahahaha so you think I'm stupid?"

"Aren't yo-- I'm kidding. I know the rules." Mukang ibaba na kasi niya yung tawag hahahahaha

I'm A Secret Where stories live. Discover now