Chapter 26

1.3K 131 38
                                    

"You want to cut my hair? Lagi mo nalang kasi hinahawakan hahahaha" Sabi ko kay My loves. Nandito kami sa office niya at nakahiga sa sofa.

"No, I actually love it long"

"Hmm? Why?"

"I don't know, ang lambot kasi. Gusto ko lang hawakan everyday, nakaka relax" Magseselos ba ako sa buhok?

"Pagod kana naman lately. Anong oras ka natulog kagabi?" Tumayo na muna ako para makahiga siya ng maayos.

"Hmm?" And ayun na nga. Inaantok na. Naupo nalang ako sa sahig at hinawakan ang kamay niya.

"D-don't leave yet" Nakapikit na sabi niya. Muli ko siyang pinagmasdan. Lagi nalang siyang pagod at stress. And it's not always about her works. It's about her family

"When will you realize that you're a prisoner of your own family?" I whispered

Nang mahimbing na ang tulog niya ay kumuha na ako ng kumot para sa kanya. Pinagmasdan ko lang siyang matulog. Minsan kasi para siyang nananaginip kaya kailangan kong hawakan ang kamay niya. Just to calm her down, to assure her that it's just a dream.

Masyado niyang naagaw ang atensyon ko kaya hindi ko namalayan na may pumasok na pala sa office niya.

"Echo?" Hindi ako agad naka react.

"Ah y-yes po Mrs. Alexander" her Mom.

"Is she sleeping? Nagdala ako ng makakain niya. No, it's okay. Just sit down and hold her hands, she loves it" Tatayo na kasi sana ako. Siya nalang ang lumapit samin at naupo din sa isang sofa.

"Ahm pinakain ko po muna siya bago matulog" Sabi ko at tumango lang siya. Fu** ang awkward. Hindi na kasi siya nagsalita pa, ako naman hindi ko alam ang sasabihin. Parehas kaming kay Ruzena lang nakatingin.

"She's lovely isn't she?" Halos mapatalon pa ako sa gulat ng magsalita narin siya sawakas. I smiled.

"Yes. But she's sad" I said.

"Not when she's with you or when she's talking about you" Huh? Sa kanya na ako nakatingin at ganon nadin siya sakin.

"My daughter, she's not like this before. She's free, she's brave and she's happy. It all changed when her brother died"

"Who should we blame then?" I said Straight looking into her eyes.

"Her? The brother? Or her family?" Pagpapatuloy ko ng hindi siya magsalita.

"Me" She finally said.

"Kung sana lumayo na ako noon paman. Hindi mo alam kung gaano kahirap maging parte ng pamilyang ito. Kung sana nilayo ko na silang mga anak ko. Maybe her brother is still alive right now" Pansin kong malapit na siyang umiyak kaya nag iwas na siya ng tingin.

"I'm sorry"

"No, you're right. It's all our fault. We ruined her life." Yes, I wanted to tell her.

"Don't leave her. She needs you." Makahulugang sabi niya. Tinignan ko ang payapang natutulog na si Ruzena.

"No, she doesn't. She needs herself"

"You'll break her" At hindi ko na namalayan. May tumulo na palang luha sa isang mata ko.

"She's already broken."

Hindi na siya nagsalita at ganoon nadin ako. Pinagmasdan lang namin ang isang taong importante sa amin.

After 3 hours ay nagising nadin siya. Nauna ng nagpaalam ang Mom niya.

"Dumating si Mom?" She asked.

"Yeah, nagdala lang ng foods mo. You should eat more" Inayos ko ang buhok niya. How lovely, she deserves the world.

I'm A Secret Where stories live. Discover now