Chapter 33

1.5K 131 43
                                    

"Ako"

"Ha?"

"Ako ay naiihi. Wait lang" Tumayo agad ako at nagpunta ng CR. The F? Anong sinabi ko?

Naghilamos agad ako ng muka. Fu** ano ba namang nangyayari sakin. Hindi ko nadin maintindihan.

Argh Echo umayos ka nga! Si Dora yon! Wag mong sabihing nagkakagusto ka sa kanya? Ako? Kay Dora? Gust-

"Are you okay?"

"Gusto kita!" Oh fu**

"Dora! Wag ka ngang manggulat dyan. Gusto kitang hampasin tuloy"

"Para kang nakagawa ng kasalanan. Tingin nga" Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang muka ko.

"Hindi ako bata. Akin na nga" Sabi ko at ngumiti lang siya.

"Bilisan mo at tara na. Gabi na masyado" Anong gabi. Ang aga pa kaya.

Bumalik na ako sa lamesa namin at kumain saglit bago umalis.

"Echo san tayo?"

"Ha? Tayo na?"

"May problema ba tenga mo?" Napakamot lang ako ng ulo. Ikaw problema eh.

"Tumayo ka muna sabi ko. Naupuan mo yung basahan oh"

"Tsk. Anyway, i uwi mo nalang ako. Gusto ko magpahinga ng maaga" Iehh ang aga aga pa oh.

"Kain muna tayo sa labas please? Ang aga pa oh" Tinignan niya lang ako. What?

"Anong damo ang sininghot mo kanina? Kakakain lang natin oh" Ay oo nga. Fu** bakit parang nagiging tanga ata ako ngayon.

"Mag mall tayo"

"It's 10 pm. Sarado na pagdating natin don" Kainis kasing traffic yan eh. Nag isip pa ako

"Gym? Gusto ko mag exercise"

"Kung gusto mong mag suka then go" Bored na sabi niya at talagang sa labas lang ng bintana nakatingin.

"Park nalang, star gazing tay-"

"Umulan kanina walang makikitang stars."

"Dora kung ayaw mo kong kasama sabihin mo lang"

"Echo kung gusto mo pa akong makasama sabihin mo lang"

Croo

Crooo

Croooo

Natahimik ang lahat. Hindi na ako nag salita at ganon nadin siya. Hays, naging awkward tuloy bigla. Nag drive nalang ako.

Pero ng mapansin niyang hindi ko pa siya i uuwi ay tinignan niya lang ako.

"I want to go somewhere. And I still want to be with you"

"See? Mahirap ba sabihin yon? Hahahahaha" Pfft natawa nalang din ako. Ayan nahawa na naman ako sa tawa niya.

"Shut up nga. So malapit na birthday mo, saan mo gusto mag celebrate? Anong Gift gusto mo?" Tanong ko

"You"

"Anong ako na naman. Ikaw nga tinatanong ko eh. Ikaw na mag isip eh birthday mo yan" How about me na naman kasi yan tsk.

"Argh the stupidity. Bahala ka na"

"Sabi mo yan ha. Abangan mo regalo ko sayo. Hmm okay let's go, dito na tayo"

"Are you crazy? Anong ginagawa natin sa School?" Nauna na akong bumaba ng kotse at pinag buksan siya ng pinto.

"Trip ko lang bakit ba? Humawak ka sakin at madilim, tapos basa pa yung sahig, alam mo namang lampa ka" Aabutin ko na sana ang kamay niya pero bigla siyang humawak sa damit ko.

I'm A Secret Where stories live. Discover now