Chapter 22

1.3K 113 79
                                    

"I also think so. If I didn't know them, I'll assume that they're a couple"

Natahimik lang kami sa sinabi niya. Is she serious?

"Really? Oh Echo bagay daw tayo. Ligawan mo na kasi ako" At nakisabay pa itong isa.

"I didn't say that" At muling tumahimik ang paligid.

"Hahahahaha you guys are funny" Basag ni Colin sa katahimikan.

"Excuse me, comfort room lang" Tumayo na si Ruzena at sumunod ako.

"What was that?" Sabi ko pagkapasok na pagkapasok sa CR. Mukang wala naman ng ibang tao bukod samin.

"Nothing" Simpleng sagot niya habang naghuhugas ng kamay.

"Ruzena, at ikaw pa itong nagseselos? Eh kayo ni Colin itong mukang mag jowa dyan. Nahiya pa kayo dapat hindi nyo na ko sinama."

"What? Kaibigan ko si Colin an-"

"Pandora is also my friend"

"Right. I'm sorry" Aalis na sana pero hinawakan ko ang braso niya.

"Do you really think hindi ko napapansin ang closeness nyo kanina? Damn kahit hindi na kayo mag usap eh alam nyo na ang gusto ng isa't isa. You gave your foods to her, she gave you a medicine. You ordered her favorite foods. Bigla kang naging active ng duma--"

"She saved me"

"What?"

"I'm left out okay? Kayong dalawa lang ni Colin ang nagkakaintindihan kanina. It's suffocating! So now kung nagseselos ka Kay Pandora. Sana dumaan man lang sa isip mo na nagseselos din ako" Mabilis na sabi ko at umalis na.

"Ahm Colin? Una na muna ako, gabi nadin kasi. Can you do me a favor? Paki hatid naman si Ruzena sa bahay niya. To continue your lovely conversation, if you know what I mean" Bahala na sila. Hindi ko na tinignan si Ruzena oh hinintay ang sasabihin nila.

"Echo!" Tinawag pa ako ni Pandora pero hindi na ako lumingon.

"Nag groceries ako! Wala akong dalang kotse, madami yon hindi ko kayang bitbitin! Nasa 3A parking lot, paki uwi sa bahay ha!" Ugh! Bahala siya dyan.

Dumiretso ako ng parking lot at sumakay ng kotse. Fu** ang layo na pala ng kinainan namin. Muntik pa akong maligaw. Kasalanan to n- hays, nino nga ba?

Bakit ako nag walk out? Umaasa na susundan niya ako. Na for the first time, hindi ako yung maghahabol para ayusin namin to.

But no. It's been 2 hours, pero wala padin siya.

Is it really my fault? Eh normal lang naman ang actions namin ni Pandora kanina. Hays, speaking of Dora.

Kita ko yung pinamili niya, katapat lang ng kotse ko. Tinawagan ko na siya agad.

"Hoy Dora! Magtatayo kaba ng sari-sari store at ang dami mong binili? Hindi to kasya sa kotse ko!"

"Iwan mo na. Nakausap ko na si Rai, susunduin niya ako mamaya. May dalang Van."

"Where are you? Yung girlfriend ko tyaka kababata niya, umalis naba?"

"I don't know. Ikaw itong nag walk ou-"

"Pan, please? U-umuwi naba siya?" Sumasakit na itong ulo ko. Ayoko munang makipag inisan. Gulong gulo na itong utak ko kung ako ba talaga yung may kasalanan.

"Umalis na." Ohh.

"Echo?" Tawag niya ng matahimik ako.

"Is it my fault?" I asked

I'm A Secret Where stories live. Discover now