Chapter 35

1.5K 135 30
                                    

"Dora"

"Again, what is it?"

I Love You

"Nasusunog na ata niluluto mo"

"Ha? Oh w-wait!" Halatang nagulat siya at agad na tumakbo papuntang kusina hahahaha. Sumunod ako sa kanya para mang asar

"Pandora hindi mo naman sinabi na may recipe ka palang kulay itim na Pasta. Ano yan Uling flavor? Hahahahaha"

"Shut up. Kasalanan mo to eh! Ugh wala tayong kakainin" Natigil ako sa pagtawa ng makita siyang mag pout. Aww sad si Dora.

"Kain nalang tayo sa labas" Suggestion ko.

"It's midnight"

"And so? 3am nga nag jo jogging kapa eh. Come on, may bancheto na malapit" Nag isip pa muna siya saglit tapos ngumiti din.

"Fine, magbibihis lang ak-"

"No need, you're still beautiful. Let's go" Casual na pagkakasabi ko. Naglakad na ako pero siya asa kusina padin.

"What?"

"Do you compliments all women like that?" Huh?

"Nevermind, let's go" Sumunod nadin siya sakin.

"Just my woman" I whispered

"What? Hindi ko narinig"

"Nothing" I said smiling.

Naglakad lang din kami papuntang Bancheto. Streetfoods lang halos ang tinda pero may mga pasta and other foods padin naman. Tapos medyo madaming tao, yung karamihan ay umiinom.

"Just sit here, ako na ang bibili. What do you want?" Tanong ko.

"No ako na, ikaw ang mau-"

"Pandora it's your birthday, hayaan mong asikasuhin kita"

"Pfft really? Sa tamad mong yan?" Ang sama talaga ng image ko sa kanya eh noh. Masipag naman ako noh, syempre para sa mga importante lang sakin hahahaha

"Yeah, sa tamad kong ito handa akong pagsilbihan ka habang buhay. So just sit back, relax and watch me •.~" I said with a wink.

Nahinto siya bigla sa pagtawa. At natahimik bigla. Bumili nalang ako ng makakain namin. Hmm pusit, small crabs and shrimps, pasta, BBQ, French Fries tapos may nakita akong paburito niyang damo- I mean vegetable salad.

Medyo natagalan ata ako ah. Ang dami ko kasing inasikaso pa. Pagbalik ko ay naabutan ko siya sa katabi naming table at nakikikain na. Hala siya! Nakiki third wheel pa sa mag jowa.

"Hoy Dora, wag kang mamburaot dyan"

"Is that her?" Tanong ng isang lalaki.

"Not bad" Sabi naman ng isang babae.

"Yup, thank you again sa foods" Bumalik na siya sa lamesa namin.

"Kilala mo?" Tanong ko.

"Not really, pero kilala nila ako. Ang tagal mo kasi, binili mo na ata lahat ng tinda dito, so nakipag kwentuhan nalang muna ako" Sus, baka nakikain.

"Oh ito kumain kana madam." Excited naman siyang kumain. Inuna na mga seafoods. Samantalang ako nakatingin lang sa kanya.

"B-bych the w-way, bhalita k-ko mag pro. .p-propose na si Kuya Zeev next wee-" Lunukin mo nga muna yan. Pinunasan ko nadin ang mga mugmog niya sa labi.

"He's been planning that proposal for 5 years. Hindi ko lang alam kung matutuloy na. Buti at nahihintay padin siya ni Ate Sidney"

"Yeah, if you really love someone. Maybe you can wait a thousand years more" Is she talking about herself and her love? Tsk na badtrip ata ako onti.

I'm A Secret Where stories live. Discover now