Chapter 32

1.7K 129 22
                                    

"Ask me again if you want to marry me"

At tuluyan na akong napa nganga. Lumapit siya sakin kaya napa atras ako.

"Think about it." She whispered.

Hindi padin ako naka react nang maglakad na siya paalis.

"Echo" tawag niya nang nasa pinto na.

"H-ha?" Nautal pa ako.

"I'm kidding pfft hahahahahaha itsura mo Echo Bag hahahaha as if type kita" Ha!?

"Ang kapal ng muka mo! Hindi din kita type! Umalis kana nga" Inis na sabi ko at patawa tawa lang siyang umalis.

Fu** what was that?

Napahawak ako sa puso ko. Dora, lagot ka sakin. Makakabawi din ako.

Tatlong oras ata akong nag shower. Hindi kasi ako mapakali. Kainis, buti nalang at malamig ang tubig. Kailangan kong maalis ang mga nakita at narinig ko kanina.

Paglabas ng shower room ay kita kong tulog pa si Dora. Hays, naiinis talaga ako pag nasusugatan siya. Di manlang alaagan ng maayos ang sarili. Ako nalang ang nanggamot sa sugat niya. Nagka gasgas sa braso at tuhod. Tas yung noo niya may konting bukol din.

Buti nalang at mahimbing ang tulog kaya kahit lagyan ko ng alcohol eh hindi niya ramdam.

4 months. Believe it or not sobrang naging close talaga kami ng mga panahong iyon. Masaya siya kasama. Ni minsan hindi ako na bored sa kanya.

Maalalahanin, maasikaso, mabait, minsan may topak pero cute padin.

When I asked her to live with me again. It's true, I wanted to see her more. To be with her more. Dahil pag kasama ko siya, nakakalimutan ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat lahat, it's just us.

Wrong move I guess.

Kinumutan ko nalang siya bago lumabas.

Mamaya ko siya pag ti tripan bwahahaha

Two

Annoying

Months

Later

Arghhh dalawang buwan na akong naiinis dito kay Dora! Ang sabi ko babawian ko siya pero bakit wala padin ako magawa?

Ang lakas na kasi niya mang asar. Lagi akong walang masabi. Argh!

"Pandora! Pirmahan mo na yung contracts!" Oo. Yung contracts padin na company niya yung mag ma manage ng mga foods sa luxury cruise namin.

"Kanta ka muna" -_- At ito nga, ang tagal niya. Nandito ako sa bago niyang office.

"Argh. Be professional nga, ang pabebe mo p-"

"Yes hello? Hmm yeah, okay sure. Later 6pm yup, thanks. See you later" Ayan nga at may kausap pa sa phone. At anong later.

"San lakad mo mamaya?" Tanong ko. Ngumiti lang siya sakin.

"May date ako. Wag ka sumam-"

"What date?! The who again? Sasama ako!" Sila Kirsi kasi lagi siyang nirereto kung kani kanino. Naiinis na ako, sinabi ng hayaan lang si Dora eh.

"Echo dinaig mo pa Tatay. Pano ako magkaka love life kung harang ka ng harang. I'll sign the contract, akin na" Kukunin na niya sana pero nilayo ko.

"Later, saan muna yung Date?"

"Are you serious?"

"Kelan pa kita hindi sineryoso? Anong name, ipapa investigate ko" Nilabas ko agad ang phone para tawagan ang private investigator na kilala ko. Narinig ko lang siyang tumawa ng mahina.

I'm A Secret Donde viven las historias. Descúbrelo ahora