Chapter 13

1.4K 112 28
                                    

"My Loves" Tawag ko sa babaeng nakahiga sa lap ko. Nandito kami sa office ko at nag de date. Pinaglalaruan ko lang itong buhok niya, ang lambot kasi.

"Hmm What?"

"Malapit na tayong mag One year" Ayokong basagin ang moment namin pero kasi kailangan na naming pag usapan to.

"Yeah, anong gusto mong gift? Saan tayo? Hmm balik tayo sa Palawan you want?" Napatayo siya bigla at excited na yumakap sakin. Hindi ko alam kung iniiwasan niya oh talagang nakalimutan na niya ang usapan namin before.

One year. Just one year.

"Ikaw, san mo ba gusto?" But I don't want to ruin what we have right now.

"Palawan then. Miss ko nadin ang mga bata don. And yeah, you said doon padin nakatira ang best friend mo right? With her wife?" Ah si Kirsi.

"They're not married yet but yeah. Nagustuhan kasi ni Haven don so until now hindi padin sila umaalis hahahahaha"

"Para silang nasa honeymoon, for a year already. Sweet" Seryosong sabi niya.

"Gusto mo din? Pwede naman. Oh tara?" At tatayo na sana ako pero pinisil niya lang tagliran ko.

"Crazy. I can't do that" Of course. Nalungkot na naman ako.

"Not yet. So for now, one week vacation?" At sa ilang salita niya lang biglang lumiwanag ulit ang mood ko. Yet ang sarap pala sa tenga.

"I'll handle it! I love you My loves! Mall naman tayo oh. Sawa na ako sa office ko oh kaya sa office mo" naka pout na sabi ko. Lagi kasing indoor nalang. Eh mahilig ako sa outdoor activities.

"I'm sorry. Alam mo naman nangyari last time. Nahuli tayong nanonood ng kaibigan ni Mommy. Buti nga at hindi binigyang malisya kahit magka holding hands tayo" Ugh! Kainis kasi eh, muntikan ko pa siyang halikan non kata na trauma ata ang Baby ko.

"Mag mask naman tayo eh. Please?"

"Echo"

"Who's Echo? My name is Baby" Nagtatampo kuno na sabi ko. Tumawa naman siya at pinisil ang dalawang pisngi ko.

"Hahahaha fine. Baby? My Loves? Pwede bang mag order kana? Gutom na po ako" With that ay binuhat ko na siya.

"Hindi pwedeng nagugutom ang My loves ko! So anong gusto mong kainin? Chocolate? Pizza? Rice? Burger oh ako?" Binulong ko nalang yung word na ako kaya nakatikim tuloy ng pingot pfft.

At dahil mayaman ako at gusto kong gawing bahay ang office. May sarili akong kwarto at kusina dito hahahaha

Dinala ko siya sa kusina at pinaupo sa counter.

"At dahil hindi ako marunong magluto. Noodles lang tayo"

"Hahahahaha yan lang talaga alam mong lutuin noh? Pano ka nakaka survive sa bahay mo?"

"Well before nagpapadala si Mom then dumating si Pandora at nagkaron na ako ng tagaluto. And now na wala na ulit siya, kila Mom na ulit ako kumakain" Cup noodles lang pala talaga ang meron ako dito. Kaya naman nag init lang ako ng tubig.

"4 months din kayong nagsama ni Pan right?" Tumango lang ako at tumahimik na siya. Waiiiitttt

"You're jealous Pfft hahahah My loves sa dami dami ng pagseselosan talagang kay Dora pa" yumakap ako sa bewang niya at siya naman sa leeg ko.

"I'm not. Okay fine, nakakaselos lang na nakasama ka niya sa bahay. Everyday, paggising tapos pagtulog" Cute. Pinagdikit ko ang noo namin.

"We can also do that. When we get married" I whispered.

I'm A Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon