Chapter 21

1.3K 121 30
                                    

"No and Yes"

"Wh--"

"Oh ang aga nyo ata?" Natigil ako pagdating ni Kuya Zeev. Hindi naman na sumagot si Pandora at umalis na.

"Nagugutom lang, and you?"

"Nauuhaw. Ano yon? Bakit parang ang seryoso ng usapan nyo kanina?" Pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig. Hindi ako nagsalita na at kumain nalang ulit.

"Echo, I just want to say I'm sorry. Na sinabi ko ag-"

"Okay lang. Alam ko namang sinadya mo yon. Kilala kita Kuya" Ngumiti lang siya at lumapit sakin. Ginulo pa ang buhok ko.

"I just want the best for my little sister. Kung hindi siya nakapunta non, I'll stop my support with your relationship. Thanks to Pandora"

"What happened? Hindi kasi nabanggit ni Ruzena. Alam ko namang chismoso ka so"

"Kilala ni Pandora ang VIP na nawalan kuno. Ready na siyang sabihin sa media ang nangyari nang dumating si Pan. They talked privately and boom. Solved case" Napakunot ang noo ko. May hindi pa siya sinasabi sakin. It's not that easy.

"And then?" Hindi siya agad sumagot.

"Kuya Zeev. Anong relasyon ang meron sila?" Ulit ko.

"Nemesis. Model din ang VIP abroad, and Pan is a sideline Photographer right? Madami silang hindi pagkakaintindihan"

"Go to the point Kuya" Napabuntong hininga lang siya at uminom ulit ng tubig.

"Sabi ng source ko lumuhod siya a-" And that's it. Agad akong pumunta sa kwarto ni Pandora at kumatok ng kumatok.

"Dora open the door!"

"What? Matutul--"

"Pandora Alexander Perez! Open the fu***** door!" Kapag tinawag ko ang buong pangalan niya alam niyang galit ako and I'm fu***** serious!

Ilang saglit pa ay binuksan niya na ang pinto. Sisigawan ko na sana siya pero ng makita ko ang muka niya, yung maganda niyang mga mata. Kumalma ako.

"Why would you do that?"

"Do what?" Confused na tanong niya.

"Sa VIP na nakawan ng alahas"

"Oww. Gosh, hindi talaga matatahimik ang bibig ng babaeng yon. It's nothing"

"Pandora! Kilala kita, mataas ang pride mo bakit luluhod kalang basta para lang iligtas ang reputasyon ng mga Alexander! Galit ka sa kanila diba? Then be mad! Don't. . . Don't do anything for t-them. H-how could you?" Tinakpan ko na agad ang mata ko. Sh**

"It's not for them."

"Then for what!? N-nakakainis ka din talaga. Gano ka katagal lumuhod? Patingin nga ng tuhod mo. May galos ba? Sino yung babaeng yon? Give me her name." lumuhod din ako at tinignan ang tuhod niya. Perfect pa naman. Nakakainis lang. Ugh!

"Sister ng Yohan mo. Baliw kasi talaga mga yon. At tumayo ka nga! It's nothing, pinaluhod ko din kasi yon dati. It's fair" Tumayo agad ako.

"Anong fair! Anong karapatan niyang paluhudin k-"

"Echo. It's okay, I wanted it. Para matapos na. Shh, don't be mad. Baka bumalik sakit mo. And thank you" Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko. Bakit parang ako na itong iyakin. pinunasan ko na ang mata ko.

"I won't do it again."

"Dapat lang. Be selfish, wag mong ipapahamak ang sarili mo para lang sa ibang tao. Do you understand?"

"Ahm"

"Pandora Alexander Per--"

"Yes hahahaha gosh. Ang kulit mo talaga. Kanina kapa umiiyak, maga na mata mo oh." Bigla nalang niyang tinakpan ang dalawang mata ko.

I'm A Secret Where stories live. Discover now