Chapter 19

1.3K 109 12
                                    

Echo's POV

"No. But I do think that one day, you'll wake up and leave me."

"No. But I do think that one day, you'll wake up and leave me."

"No. But I do think that one d--"

"NO!"

(°ロ°) !

Oh fu** it's a dream. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Ruzena kagabi. And now. . . .where is she?

Dito na kasi siya natulog, wala na siya sa tabi ko. Hays, baka umalis na naman ng hindi nagpapa alam.

Lumabas nalang ako ng kwarto.

"Hahahaha she's still a child. Pag pasensyahan mo na ang batang yon. And look oh, kung gaano siya kalikot noon" Teka

"Oo nga po, may katigasan din ang ulo. But she's super cute naman" She's still here? Nakikipag usap siya Kay Mom at Dad.

"She's lazy. Hindi ko nalang alam kung kanino nagmana" Sabi ni Dad habang nagbabasa ng diaryo. Sayo po Dad, ikaw lang naman ang tamad din dito.

"Ahm . . . Breakfast?" Lumapit ako agad kay Ruzena at hinalikan siya sa pisngi.

"Why are you still here?" Bulong ko.

"You don't like?"

"I love it. I'm just happy, thank you"

"Echo. Hindi kana nahiya Kay Ruzena. Mag ayos ka nga muna anak. May french toast sa kusina"

"What's wrong with me? I'm still pretty naman diba Baby ko?" Parang hindi lang nagsuklay eh. Tapos naka pajama at shirt lang kasi ako. Hindi pa partner.

"Yeah, pero mag hilamos ka muna. Pfft don't worry I still love you" Sabi niya at inalis na ata ang muta ko hahahaha at least tanggap niya me.

"I'll be right back. Wag ka munang aalis ha! Ihahatid kita sa work mo" Sabi ko at bumalik na ulit sa kwarto para mag ayos. Pansin ko kasing ready na siya umalis. 9am nadin pala kasi.

Paglabas ng kwarto ay nag uusap usap padin sila, ang saya lang na close na agad siya sa family ko. Hindi talaga mahirap pakisamahan itong si My loves eh.

At dahil mukang happy pa sila ay sumaglit muna ako sa kusina para hanapin ang french toast kuno.

Hmm pwede na. Naglagay ako tatlong piraso sa maliit na plato at nakisali sa kanila.

"Mom! Ang oily ng french toast mo. Sunog pa tas ang tigas" Reklamo ko.

"Kumain kana lang dyang bata ka. Pinili na kasi ng Kuya mo. Yan nalang natira" Tsk. Sabi na nga ba.

"Pero iba padin luto ni Dora" Bulong ko at kumain nalang ulit. Pero napansin kong natahimik sila.

"W-what?"

"May balita kana ba kung asan ang batang yon?" Biglang tanong ni Dad. Oh gosh, secret pa pala dapat.

"Ahm. . .w-wala pa? Tsk ewan ko ba na--"

"Echo, alam mong alam na alam namin kapag nagsisinungaling ka" Napatakip agad ako ng tenga. Gumalaw na naman ata. Tinignan ko si Ruzena na curious din ata sa sasabihin ko.

"S-she's back. Sabi niya bibisita siya mamaya. Makiki--"

"Bakit ngayon mo lang sinabi! Teka at mag go groceries ulit ako ng lulutuin!"

"Teka at aayusin ko ang kwarto niya, Echo tawagan mo nga si Zeev na sunduin ako para makabili kami ng bagong kama"

Ayun. . . Bigla nalang silang nagtayuan at hindi na mapakali. Lumapit ako kay Ruzena na mukang nagulat ata.

I'm A Secret Where stories live. Discover now