Chapter 42

971 75 29
                                    

"Echo! Wala kabang balak gumising dyan?!" Halos sirain ko na itong pinto nya. Isang oras ko na siyang ginigising para kumain. Ma le late na ako sa school.

"Ugh Dora! Hapon pa klase ko bakit kaba sigaw ng sig- ouch!" Kinuha ko ang tenga niya at naglakad papunta sa Dining area. Bahala siyang mag aaray dyan.

"Kain" Sabi ko at nilapag sa kanya ang plato

"Sunog" sabi nya.

"Adobo yan" Sabi ko ulit kaya napatingin siya sakin.

"Bakit itim na itim? Uling ba hinalo mo dito?"

"Reklamo ka ng reklamo eh. 10am na kaya mag umagahan kana dyan. May pasok ako ng 1pm" Naka kunot noong sabi ko. Ngumiti lang naman siya at sumubo na.

Inantay ko ang feedbacks niya.

"Lasang kawali" Tsk. Failed na naman ba. Bakit iba panglasa ko kanina?

"Ito itlog" nilapag ko nalang ang pritong itlog sa harap nya.

"Pfft I can finish it don't worry. Nag iimprove ka naman na." Medyo napangiti ako sa sinabi nya. Really?

"T-thank you" nasabi ko bigla. One week na kaming housemate. And I'm trying to cook. Gusto kong matuto sa lahat. Wala nadin akong magagawa dahil mas tamad pa sa tamad itong kasama ko.

"Why are you trying so hard? Take a break Dora. Laki laki na ng eyebags mo" Sabi niya habang kumakain padin. Lumayo ako at nagsimula ng maghugas ng mga pinggan.

"I just want to" I said.

"For what?"

"For me. Pfft what do you think of me? Mabubuhay para sa iba? Hindi ko hinahayaang diktahan ng iba ang buhay ko. I'll take my revenge yeah, but I also want to live the life I want" Ano sila sinuswerte? Na sa kanila lang iikot ang mundo ko? I'm a Perez, Hindi ko dudumihan ang apilyido ng Father ko.

"Don't push yourself too hard. If kailangan mo ng tulong. Nandito ako" She's sincere. Alam ko naman yon. So. . .

"Then matutulog muna ko. Ikaw maghugas ng pinggan at maglaba. Ang tamad tamad mo!" Mabilis na sabi ko at dumiretso na sa kwarto.

"Yah! Wait I mean hindi sa gawaing bahay! Dora!"

"Stop calling me Dora!" Sigaw ko pabalik. Kulit kulit kainis.

Pfft she's cute. Kahit tamad sya at walang alam sa gawaing bahay. She's trying, kahit na lasang sabon padin minsan yung mga plato pag siya ang nag huhugas. Tapos yung mga damit amoy kulob at may dumi pa yung iba -_-

Ginawa lang akong katulong dito. Pfft but that's okay.

She's making me happy.

"Dora! Saan ba nilalagay mga tirang kanin at ulam! Yuck! Omaygash my uod! Ugh Pandora Help! Yung tubig ayaw ma close!" Pfft Moron.

Pumikit na muna ako para makatulog. Bahala siya dyan.

After Class ay nag work na ako as a dishwasher. Pfft ganda kong taga hugas ng pinggan. Laking pasalamat ko nalang at tinanggap ako at hindi nila nalaman na peke ang mga IDs na binigay ko. Peke lahat. I just need a job really.

And tinuturuan akong magluto ng may ari. She's nice. All of them here, nakita nila lahat ng efforts ko, ina acknowledged nila yung kakayahan ko. It's simple yeah, anong magagawa ko kung masaya na ako kapag may pumupuri sa pag huhugas ko ng mga plato. That's why I love here. They accepted me.

Speaking of, need ko pala mag reports sa Boss.

"So Ate Sidney how's Dora?" Napahinto ako sa pag pasok sa Office ng Boss.

I'm A Secret Where stories live. Discover now