Chapter 1: Mr. Engineer

189 9 1
                                    

Chapter 1: Mr. Engineer

A L E C

Unti-unti kong iminulat aking mga mata. Umaga na naman, panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Kitang-kita ko ang sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko. Napakamot nalang ako ng ulo.

Gusto ko pa talagang matulog kasi pagod na pagod ako. Pagod ako sa kaka-cheer dahil sa saya kasi may ginanap na KPOP Masterz dito sa Pilipinas. Magpapahuli pa ba ako? Siyempre, hindi!

Di ko pinalagpas na umattend kasi sa wakas ay makikita ko na ang pinakapaboritong KPOP Boy Group na TREASURE. Well, of course. VIP Standing ang ticket na binili ko, kaya naman medyo malapit ako sa stage at kitang-kita ko talaga kung gaano sila ka gwapo. Sayang lang talaga kasi hindi kompleto ang miyembro nila, naka hiatus kasi ang dalawang member nila. Pero di naging hadlang iyon para hindi mag cheer sa performance nila.

So much for that, bumangon na ako para maligo na dahil may trabaho pa ako. Sabon doon, sabon dito. Scrub diyan, scrub doon. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.

Agad kong tinungo ang kitchen area para magluto na nang pang-agahan. Nagsaing na ako sa rice cooker, binuksan ko ang fridge at kumuha ako ng dalawang itlog at bacon naman sa freezer nito.

Habang busy ako sa pagluluto ng sunny side up egg ay nagulat ako. May biglang tumahol sa likod ko. Kaya agad akong napatingin sa kinaroroonan niya.

"Good morning, Milo. Wait ka lang ah, tatapusin ko lang to." Tumahol ulit siya. "Oo, alam kong gutom ka na kaya sit ka lang diyan." Agad rin naman siyang umupo. Pinagpatuloy ko na ang pagluto ng ulam.

Nang matapos ako sa pagluto ay nilapag ko na ang plato na pinaglagyan ng ulam sa dining table. Dali-dali akong kumuha ng dog food sa cabinet ni Milo. At lumapit ako sa kainan niya at sinalinan ko ito ng dog food.

Milo is a golden retriever. He's now two years old. Lagi ko siyang iniispoil kapag nandito lang ako sa bahay. Pero 'pag wala ako, si Tatay naman ang kasama niya rito. Puppy pa lang siya nung inadopt namin siya, tsaka ang cute pa niya noon. Tapos ngayon ang laki na niya at siyempre cute pa rin. Siyempre, pinalaki ko ng maayos eh.

Hinagod-hagod ko ang likod niya habang kumakain siya.

"Morning, 'nak... Morning, Milo,"  napatingin ako sa nagsalita... si Tatay pala. Halatang kakagising lang niya dahil ang gulo-gulo pa ng buhok niya.

"Morning 'Tay. Kain na," agad akong tumayo at umupo na sa silya para sabayan kumain ang Tatay ko.

Sinalinan ko ng kanin at ulam ang plato niya. "Kumusta ang event kagabi?" panimulang tanong niya.

Pakiramdam ko kumikislap ngayon ang mga mata ko. "Sobrang nag enjoy po talaga ako. First time kong makita ang favorite KPOP Idol ko eh. Tapos... basta wala talaga akong masabi." Kilig na kilig kong tugon sa tanong niya. "Tsaka, nakabili rin ang ng mga merchandise, grabe. Nakaka satisfy ng kaluluwa." Natawa nalang ako sa sinabi ko.

He chuckled. "Punong-puno na ng merch ang kwarto mo, Alec." Narinig naming tumahol si Milo. "Oh, nag-agree si Milo sakin."

"Hayaan mo na ako, 'Tay," nagsalin na rin ako ng kanin at ulam sa plato ko. "Atleast, yung pinambili ko ng merch eh, pinaghirapan ko talaga. I mean, sariling pera ko naman."

"Sabagay. Support naman ako diyan, as long as hindi mo napapabayaan ang trabaho mo. At huwag kang masyadong ma addict diyan sa KPOP, nakakasama 'yan." Sumubo na siya ng pagkain.

"Hindi naman nakakasama ang KPOP eh." Narinig na naman namin si Milo na tumahol. "Agree rin si Milo sakin, 'Tay." Pareho nalang kaming natawa.

"Balimbing talaga 'yang si Milo eh." Sabi ni Tatay at napansin kong bigla nalang umalis si Milo na hindi man lang naubos ang pagkain niya.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBDove le storie prendono vita. Scoprilo ora