Chapter 9: Remorse

73 3 1
                                    

Chapter 9: Remorse

G R A Y

Saturday na at nakakapagtaka na isang linggo nang hindi pumapasok si Alec sa trabaho. Hinahanap siya ng mga kasamahan ko at pati na rin kay Mr. Tee T. Co. Bumibisita ako paminsan-minsan sa site para kumustahin ang paggawa ng construction workers. Noong Wednesday lang pumunta ako doon at andoon rin Mr. Co, napansin niyang hindi ko kasama si Alec at ang sagot ko lang ay nagkasakit si Alec.

I even tried calling his phone number but he didn't even answer my calls and even my texts.

Isang linggo ko na rin kinukulit si Kleo na matalik na kaibigan ni Alec na pakisabi na sagutin ang tawag ko. Pero ang sinasabi lang niya ay: "Busy sa ibang bagay si Alec," o "Ayaw ka niya raw kausapin."

Wala akong napala sa pangungulit ko kay Kleo. Inaamin ko naman na nagkasala ako sa kaniya at ang gusto ko lang ay hihingi ako ng paumanhin sa nasabi kong makakasakit na mga salitang binitawan ko.

Kanina ko pa hinihintay si Kleo dito sa lobby na lalabas galing sa opisina nila. Kukulitin ko na naman siya, pero ngayon kasama ko si West. Alam kong may something sa dalawang 'to eh. Sinadya ko talagang isama si West kasi gusto kong kausapin niya rin mismo si Kleo. Alam ni West kung gaano ako nagsisisi sa nagawa ko kay Alec.

"Hindi ako makakasiguro na makakausap ko si Kleo para sabihin niya rin kay Alec. Matigas ang ulo no'n eh. At sabi pa niya na gusto niyang protektahan ang kaibigan niya, Gray," ani West na kumakain ng sandwich sa kabilang sofa dito sa lobby.

Napabuntonghininga ako at sumandal na lang sa sofa. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang, pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa mga sandaling ito.

Naghintay pa kaming dalawa ni West na bumaba si Kleo.

Napatangin sa likod niya si West at sinubo ang natitirang sandwich. "Andito na si Kleo, Gray!" Agad siyang umayos ng upo at ngumunguya pa.

Nilapag ni Kleo ang bag niya at tumabi siya kay West. "Ba't mo ako hinahanap—" hindi natapos ang sasabihin ni Kleo nang dumapo ang tingin niya sa kinauupuan ko.

"Seriously, West?" seryoso ang mukha niya na tumingin kay West. Si West ay ngumunguya pa rin ng sandwich niya.

"Kleo, please. Makinig ka muna sa sasabihin ko. Pareho nating kaibigan si Alec—"

"Di ko inexpect na pinagkakaisahan niyo ako!" Masama pa rin ang tingin ni Kleo kay West. Napalunok si West sa sinabi ni Kleo. Ngayon, tumingin sa 'kin si Kleo.

"Alam mo, punong-puno na talaga ako sa 'yo, Gray Ignacio. Alam kong alam mo ang dahilan. Pero please lang. Tigil-tigilan mo na ako kasi naiirita na talaga ako sa'yo!"

"Gusto ko lang naman sanang humingi ng paumanhin kay Alec, Kleo." Mahinahon kong wika sa kaniya.

Napahilot siya sa sintido niya. "My godness, Gray! Kung gusto mong humingi ng paumanhin sa kaniya edi kausapin mo siya sa personal or puntahan mo siya sa kanila. Please lang, gamitin mo rin naman utak mo, mag-effort ka naman, hindi 'yong hanggang phone call ka lang. Gwapo ka nga, tanga lang!" Pagkatapos sabihin ni Kleo ang lahat ng iyon ay umalis na siya sa lobby na bitbit ang bag niya.

"Pre, may punto naman si Kleo. Sana naman may nakuha kang idea sa mga sinabi niya," agad rin naman na sumunod si West kay Kleo.

May punto talaga si Kleo. Duwag akong makita si Alec. Pero ang tanong ngayon ay saan ako magsisimula? I bit my lower lip, feeling anxious.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at isinukbit ko na sa balikat ko ang sling bag ko atsaka ako pumunta sa parking lot. Hinanap ko kaagad ang sasakyan ko at sumakay na sa driver's seat at nimaniobra ko ang sasakyan paalis ng parking lot.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now