Chapter 17: Dinner

29 2 1
                                    

Chapter 17: Dinner

A L E C

Imbes na magpapahinga ako ngayon kasi wala naman na akong trabaho na aatupagin, eto ang mga kasamahan ko; sa akin nila pinapa-revise ang mga gawa nila kasi raw hindi nagustuhan ng kliyente nila.

Pagdating ko kanina dito sa opisina namin ay sinalubong agad ako ni Jona at dalawa pang Arki. At dahil nasobrahan ako ng kabaitan, edi tinulungan ko na lang sila.

"Alam mo, Jona. Maayos naman na ang sa 'yo eh. Kung dito mo ilalagay ang CR at 'yong kitchen, much better." Pinoint-out ko lahat ng pwede ko i-point-out sa gawa ni Jona.

"Pasensya ka na talaga Kuya Alec, palagi na lang kasi akong napupunta sa mga maarteng kliyente eh."

Napatingin ako sa kaniya. "Alam mo, ayos lang 'yan. As long as di mo siya mapagsasalitaan ng masama," tumawa ako sa sinabi ko.

"Sus, sanay ka na kasi eh."

Ngumiti lang ako sa kaniya tsaka ko binigay ang drafting paper niya. "Ayusin mo 'yang plates mo ah, tapos ipakita mo ulit sa 'kin."

"Ok po, Kuya."

Bumalik na sa working table niya si Jona. Huminga ako ng malalim tsaka ako nagpakawala ng matamis na ngiti.

"Sir Alec, patulong rin ako."

"Ako rin, Sir."

Sabay pa talaga sila. Napatingin ako sa dalawang tao na nasa harap ng working table ko.

"Eddy and Joon, right?"

Pareho silang tumango. "Same ba rin kayo ng reason kay Jona?"

Tumango ulit ang dalawa. Ang cute naman ng dalawang 'to. "Ok. Akin na drafting paper niyong dalawa para—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko kaya napatingin ako kung saan 'to galing. Nagsalubong agad ang kilay ko dahil nakita ko si Kleo na kakapasok lang sa opisina. Dali-dali siyang lumapit sa working station niya at naupo na.

"May utang ka sa 'king tsaa." Wika niya nang makaupo siya.

Napatingin ako sa kaniya at sa dalawang Architect sa harap ko. "Guys, pwede mamaya niyo na lang ibigay sa 'kin ang drafting paper niyo? 'Wag kayo mag-alala, tutulungan ko kayo," ngumiti ako sa kanila para kombinsihin ang dalawa.

Tumango-tango lang rin sila at ilang saglit pa ay bumalik na sa working station nila. Uunahin ko lang 'tong kaibigan ko.

"Ano 'yon, friend? Nagpapatulong sa 'yo?"

Nabaling agad ang atensyon ko kay Kleo. "Salamat at dumating ka, Kleo. Alam mo kanina pagdating ko sa opisina ay sinalubong agad nila ako kasi magpapatulong sila."

"Bakit hindi sila magpatulong sa Team Manager natin?"

"'Yon na nga eh, gusto ko mag-relax kasi wala akong ginagawa ngayon. Ayaw ata nila magpatulong sa Team Manager baka kasi pagalitan sila. Edi wow."

Napatawa si Kleo sa sinabi ko. "Maiba tayo, Alec. Anong ginawa niyo ni Gray no'ng nagpunta ka sa condo niya?"

Isa-isang bumalik sa utak ko ang mga nangyari sa condo ni Gray. Kakain raw ng ramen pero iba ang kinain ko, basta hindi ramen 'yon. Tapos nakilala ko ng wala sa oras ang Mama ni Gray, akala ko ay masungit siya pero hindi naman pala at ramdam na ramdam ko na tanggap niya si Gray. Ayokong sabihin ang mga nangyari sa gabing 'yon baka ano ang isipin ni Kleo at ipagsabi pa niya kay West.

"A-Ano... wala naman. N-Nagdinner lang kami tapos 'yong lang. Wala nang iba."

Halata sa mukha ni Kleo na hindi siya kombinsido sa mga sinabi ko sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now