Chapter 19: Confrontation

44 1 2
                                    

Chapter 19: Confrontation

A L E C

"Anong sinabi mo, Alec?!" pasigaw na tugon ni Tita nang matapos ko sabihin sa kanila ni Tito ang mga  nangyari kagabi.

"Ano ba ang mayroon sa apelyido namin, 'nak?" mahinahon na tanong ni Tito.

"Hindi ko rin po alam kung ano po ba talaga ang dahilan niya, nagtataka nga rin po ako eh," sagot ko kay Tito.

After ng trabaho namin sa agency ay dumiretso agad kami ni Gray dito sa condo niya, ni-text ni Gray ang parents niya sa condo niya mag-dinner. At gusto ko rin sila makausap patungkol nga sa nangyari sa 'min ni Tatay.

"Nakakapagtataka nga po, may ginawa ba kayo sa Tatay ni Alec, Da?" tanong ni Gray sa Dada niya pero ang Dada niya malalim ang iniisip.

Mahinang tinapik ni Tita si Tito kaya napabalik siya sa kasalukuyan. "May tinatanong sa 'yo ang anak mo."

"H-Huh? A-Ano 'yon, 'nak?"

Gray repeated his question. "May ginawa po ba kayong masama sa Tatay ni Alec?"

"Ba't mo naman natanong 'yan?"

"Ewan, Ignacio ka po eh. Baka kasi magkagalit ang pamilya niyo noon at pamilya ni Alec."

Natawa na lang si Tito sa sinabi ng anak niya. "Imposible 'yan, Gray. Kahit gano'n ang Lolo mo ay hindi naman gano'n kasama ang ugali niya para mang-away ng ibang pamilya."

"Di natin alam, Da."

Hindi na sumagot si Tito at ininom na niya lang wine niya.

"Kumusta naman na ang Tatay mo at ikaw, Alec?" may pag-aalala sa mga salita ni Tita.

"Ayos lang naman po ako, ewan ko na lang sa Tatay ko na 'yon. First time talaga 'to na may inayawan siya na boyfriend ko," marami na akong naipakilala sa kaniya na naging boyfriend ko pero ayos lang naman sa kaniya, pero ngayon ay hindi ko inakala na gano'n na lang siya nagreact.

"Alam mo, 'nak Alec. Ayaw naming manghimasok sa away niyo ng Tatay mo at lalong-lalo na sa relasyon niyong dalawa ni Gray. Malalaki na kayo at alam niyo na ang tama sa mali. Kung ano man ang magiging desisyon niyong dalawa sa relasyon niyo ay susuportahan namin kayo. At andito rin kami kung gusto niyo pareho ng makakausap," isang matamis na ngiti agad ang sumilay sa mga labi ni Tita.

"Opo Tita, naiintindihan ko po," sagot ko naman.

"Good. So, alis na kami mga anak ah. Malalim na ang gabi at may trabaho pa kami bukas kaya matulog na kayo, okay?" ani Tita Ayra kaya naman ay tumayo na sila ni Tito para hagkan nila kaming pareho ni Gray. Pagkatapos ay umalis na silang dalawa at kami na lang ni Gray ang naiwan dito sa sala.

"Can I stay for the night? I don't want to go home and see my father at this moment."

"Sure, it would be great though. I can have my midnight snack on my bed," he let out an mischievous smile to me.

"Wow, pagkain pala ang tingin mo sa 'kin?"

Tumawa si Gray ng nakakaloko. "Well... I love it when your on my bed naked—"

"Shut up, Gray. Andami mo pang gagawin tulad ng paghugas ng pinggan at 'yong project mo."

"Mamaya na mga 'yan, ikaw muna ang uunahin ko," walang anu-ano ay kiniliti niya ang tagiliran ko dahilan para marahas akong napahiga sa sofa habang tumatawa dahil sa kiliti.

"Gray! Tama na!" suway ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako tinigilan. "Ok! I'll b-be your d-dessert!" tinigilan na niya ang pagkiliti sa 'kin at kitang-kita ko ang ngiti niyang may masamang binabalak.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें