Chapter 13: Kiss

56 1 1
                                    

Chapter 13: Kiss

A L E C

"Nasarapan ka ba sa steak mo, 'nak?" tanong ni Tatay sa 'kin ng makalabas kami sa restaurant na kinainan namin. Sa isang sikat na restaurant kami nagdinner ni Tatay since matagal naman na kaming hindi kumain sa labas. At syempre, siya ang nagbayad. Gusto ko sana na ako na magbayad pero, mapillit si Tatay eh.

"Oo naman po, matagal na rin kasi akong hindi nakakain ng steak eh," binuksan ko na ang passenger seat at pumasok na. Gano'n rin si Tatay sa shotgun seat. We both fastened our seatbelt.

"Dessert, gusto mo?" tanong ni Tatay.

I gave him a stern look. "Really, 'Tay? Hindi ka pa nabusog sa kinain mong dessert?"

He chuckled. "I was just askin', kiddo. Bili na lang tayo ng ice cream sa isang shop na malapit sa subdivision. May kakabukas na shop do'n eh, I wanna try their ice cream."

"Tatay naman eh."

Ngayon ay tumawa na siya. "What?"

"Busog pa ako 'Tay, ano ka ba?"

"May sinabi ba akong bibilhan kita ng ice cream?"

Napakamot ako ng batok. "Sabi mo bibili tayo—ay, nevermind. Ayokong makipagtalo sa 'yo."

Ang ginawa lang ng Tatay ko ay tawanan ako. Parang sira rin kasi 'to minsan eh, minsan naman ay napaka-seryoso sa buhay. Ano na kaya ang pumasok sa isip ng Tatay ko at naging baliw 'to ngayon.

Binuhay ko na ang makina at nimaniobra ko na ito paalis sa parking area ng restaurant na kinainan namin ni Tatay.

Habang nagmamaneho ako ay busy rin sa pagku-kwento itong katabi ko. Kinuwento niya ang mga nangyari sa kaniya ngayong araw, naging busy siya kasi kaliwa't-kanan ang mga meetings niya. Puro trabaho lang naman ang kuwento niya. At ang tanging ginawa ko lang ay tango lang. Wala naman akong kailangang sabihin eh.

Nang makarating kami sa ice cream shop na malapit sa subdvision ay bumaba na si Tatay sa sasakyan ko at bumili nga siya ng ice cream.

Habang hinihintay ko si Tatay ay napatingin ako sa cellphone ko gilid ko dahil bigla itong nag-ring. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta agad sa message icon, ni-click ko ang message namin ni Kleo.

'Alec, where are you?'

May nangyari ba kay Kleo? Ba't niya ako hinahanap?

'I'm on my way home,' I replied. I immediately put down my phone.

I saw my father having his way towards my car, he has a plastic with galloon inside it, I guess?

He opened the shotgun door and hop in. He put the plastic at the backseat of my car. "They have a promo 'cause they're on their first week of service. I bought three galoons of ice cream,"  he then chuckled.

"Kakainin mo lahat ng 'yon ngayon?"

"Hindi ah. I'll have it when I have free time, I want to relax or I'm working at home."

Hindi na ako umimik pa at nimaniobra ko na ang sasakyan ko papunta sa gate ng subdivision. Hindi si Uncle Soju ang nakatoka ngayon bilang guard, kukumustahin ko sana siya. Matagal ko na siyang hindi nakikita.

Mabilis lang naman kaming nakarating sa bahay namin kaya ginarahe ko na agad ang sasakyan ko. Lumabas na kaming pareho ni Tatay sa sasakyan at nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Ni-on ko ang switch pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto ko at nahiga na.

Pagod na pagod ako ngayong araw na 'to. Parang walang kwenta 'yong leave ko ng isang linggo. Nakapagpahinga na ako ng isang linggo kaya dapat productive ako, naging productive naman ako pero naubos lahat ng energy ko sa trabaho.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now