Chapter 8: Conflict

79 3 1
                                    

Chapter 8: Conflict

A L E C

The weather is so nice today. Good vibes ako ngayon, kasi wala lang, feel ko lang. Ayokong ma-bad vibes kasi baka masapak ko 'tong kliyente namin na si Mr. Tee T. Co.

Actually, napapaisip talaga ako kung totoong pangalan ba niya talaga 'yon o hindi. It's really funny yet discouraging.

"Sir, totoong mo ba talagang pangalan ang Tee T. Co?" nagpigil kaagad ako ng tawa. Please, wag kang matawa! Baka mapahiya mo ang kliyente mo.

Oo, napaka sudden ng tanong ko pero ilang araw rin talaga akong nag-ipon ng lakas ng loob para tanungin siya.

Biglang napatigil sa pagsalita si Gray at napatingin siya sakin habang hawak-hawak niya ang drafting paper, at napatingin rin sa gawi ko si Mr. Tee T. Co.

He really looked puzzled.

Naging seryoso ang mukha niya. "May problema ka ba sa pangalan ko, Mr. Martinez?" seryosong tanong niya sa akin.

Oh my... Na offend ko ata siya. Eh kasi naman di 'ba?

"Uh... No, I mean, none. I'm just curious," I let out a fake laugh. 'Yong tanong ko sinagot rin ng tanong.

"Good," sagot niya at sinenyasan niya si Gray na magsalita ulit. They were talking about the house that is currently building by the construction workers. Ni-revise ni Gray ng unti ang floor plan na gawa ko at eto sila ngayon.

Andito kami ngayon sa construction site. Napakalawak ng lote na nabili ni Mr. Co. Nag-usap na raw sila sa isang Geodetic na safe daw na pagtayuan ng subdivision ang lupa.

Unti-unti na nilang nasimulan ang bahay na ang nag design ay yours truly. Napaka-busy ng mga construction workers; naghahalo ng grabas at cemento, may nagbubungkal rin ng lupa.

Grabe, sobrang init ng araw at nakaya nila ang trabaho na 'to. Proud na proud ako sa kanila.

Napansin ko na nirolyo ni Gray ang drafting paper at nagsalita si Mr. Tee T. Co. "You know, ang ganda ng design mo, Mr. Martinez. At ikaw rin Mr. Ignacio nakakasiguro ako na maayos at matibay ang bahay na itatayo dahil sa materyales na gamit. To sum up, ang ganda ng collaboration ninyong dalawa," Gray and I smiled sweetly to our client.

"Mr. Alec, maganda naman talaga ang unang design mo. Sadyang hindi gano'n ang expectation ko na outcome and sinadya ko talagang sabihin na na-disappoint ako kasi, gusto kong i-revise mo 'yon at para mas pagandahin mo pa lalo ang design na gawa mo. And yet, hindi mo nga ako binigo," dagdag pa na sabi ni Mr. Co.

"Ayos na sana 'yong compliment mo eh. Pero yung iba mo pang sinabi... tsk. tsk. Alam mo bang ilang gabi akong walang tulog dahil diyan kasi masyado ka kasing atat makita 'yong design eh. Tapos sinabi mo lang na na-disappoint ka at ni-revise ko pa 'yong pinaghirapan ko, though, konti lang ang na revise. Hindi ako galit, pero parang do'n na rin papunta 'to," I let out my sweetest smile to our client.

He giggled. "Well, sorry about that, Mr. Alec. And as you can see, the construction workers are busy building it to real life. I know it's all worth it naman."

"Yeah, it's all worth it. And I can't wait to see the outcome," sabi ko at napatingin ako kay Gray at nag-iwas agad siya ng tingin.

"Maiba ako Mr. Gray and Mr. Alec," I can sense he's curious into something. He crossed his arms around his chest questioningly. "Are you guys... you know...? In a relationship."

That... really caught me off guard. I didn't expect his damn question! Napatingin ako kay Gray at gano'n rin siya sa 'kin. Agad kaming nagbawian ng tingin. I know, he didn't expect that question as well.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon