Chapter 5: Meeting

67 5 1
                                    

Chapter 5: Meeting

A L E C

Abot langit ang inis ko ngayon. Isa siya sa mga nagbibigay ng stress sa buhay ko at ang laki ng tanong ko; bakit naisipan ni Tatay na imbitahan si Kleo na dito sa bahay siya mag dinner? In the end, ako ang pulutan ng usapan nilang tatlo-andito rin si Ate Maye ang Assistant ni Tatay. Napaka-unsual na inimbitahan ni Tatay si Kleo, sanay na kami na bigla-bigla nalang siyang susulpot dito sa bahay.

"Hoy, tama na nga 'yan. Baka umiyak pa si Alec," ani Ate Maye. Si Ate Maye ang Assistant ni Tatay sa agency as well as dito sa subdivision. Sa kaniya unang sumasalang ang gustong mag-inquire ng bahay. Mabait naman si Ate and she's hardworking.

Nagtawanan lang ang dalawa-si Tatay at Kleo. Pinag-usapan na naman nila ang mga embarrasing moments ko.

"Pero seryoso, Tito Wade. Crush ni Alec yung bagong Engineer ng agency mo. At Topnotcher siya ah. Bagay sila ni Alec, puro matatalino."

"Nabalitaan ko nga, matalino 'yong batang 'yon. At di ko pa nakita ang batang 'yon sa agency. Pero Alec, huwag masyadong magpadala sa bugso ng damdamin baka mangyari na naman ang kinatatakutan mo," naging seryoso ang mukha ni Tatay. He's concerned about my love life kahit noon pa man.

"You know, Tito. My instincts says that this guy is umm... closeted gay, but! I don't really think he's gay or maybe he's bi or... pansexual." Parang ewan pinagsasabi netong baklang 'to. Kaya nga ayoko na andito siya minsan eh, nalalason niya utak ni Tatay.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko habang nakikinig ako sa walang kwentang usapan nila. Kanina pa talaga ako naiirita sa mga pinag-uusapan nila. Kung pwede lang isubsob ko sa mangkok na may adobo ang mukha ni Kleo eh.

"Ano ka ba, Kleo. Wag mo nang pag-usapan 'yong tao. Di naman natin alam kong ano ba talaga ang gender identity niya. Unless, sabihin niya sa inyo mismo," sabat naman ni Ate Maye.

"May punto si Maye. Hayaan mo nalang 'yong tao, Kleo," komento rin naman ni Tatay.

"Malay natin di 'ba, Alec?" napatingin ako kay Kleo sa tabi ko, may nakakalokong ngiti sa labi niya.

"Ewan ko sa 'yo. Hindi ako gaydar. Kumain ka na nga lang diyan, andami mong alam," masungit kong sabi. Kaya bumuhakhak nalang ng tawa si Tatay at Kleo habang si Ate Maye ay napahilot na lang ng sintido niya.

"Dalian niyo na lang kumain, para mahugasan ko na ang pinagkainan niyo," wika ni Ate Maye.

"Ate, huwag na. Si Kleo na lang ang maghuhugas ng pinggan," sabi ko kaya napahinto sa pag kain si Kleo.

"Oh? Ba't ako?"

"Ayos lang, Alec. Good mood ako ngayon kasi day off ko eh," sabi naman ni Ate Maye.

Natawa lang si Tatay. "Hayaan mo na lang Ate Maye mo, Alec," tumingin si Tatay sakin at ibinaling niya naman ang tingin kay Ate Maye. "May report ka pa na di mo naipasa sakin, Maye."

"Yes, Sir. By Friday morning, Sir matatapos ko na 'yon. Dadalhin ko ba dito sa office mo, Sir? Or doon sa agency?"

Napaisip saglit si Tatay. "Puno ang schedule ko that day, Maye. May pupuntahan akong meetings... Ah! Just email me those reports, ayos ba 'yon?"

"Okay, Sir. Noted," ngumiti naman si Ate Maye.

Napaka-considerate talaga ni Tatay sa mga empleyado niya. Hindi niya minamadali ang mga reports and everything. Binibigyan niya ng tamang panahon ang paggawa ng reports ng mga empleyado niya. Strikto naman siya, pero ewan ko ba sa kaniya. Kaya nga siguro maraming gustong mag-invest sa agency niya eh kasi maayos ang pamamalakad niya.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon