Chapter 7: Hangover

67 2 1
                                    

Chapter 7: Hangover

A L E C

Something's wrong. Groggy, I open my eyes to slits. Lifting my lids takes unbelievably hard effort. And my head hurts as hell. My eyes  roamed the room as I hold my head. Gulat ang nangibabaw sa akin nang nilibot ng paningin ko ang buong kwarto.

"What the—Ah! Ang sakit ng ulo ko!" Nagpagulong-gulong ako sa kama at nagpatihaya na lang.

Andito pala ako sa condo ni Gray. At sa kama niya ako natulog, ang kapal ng mukha ko!

Agad na napatingin ako sa night stand katabi ng kama ni Gray. Napansin kong may sticky notes, gamot at tubig na nakapatong do'n. Dahan-dahan kong kinuha 'yong sticky notes at binasa ang nakasulat.

'Drink the medicine, para mawala ang hangover mo.'

I looked puzzled. Wow, he's concern with me.

I immediately swallowed the medicine with water.

Napaisip ako kung bakit 'di man lang ako ginising ni Gray. I just shrugged on my thought.

Tumayo na ako at humarap sa malaking salamin. Napaka-haggard ng mukha ko atsaka T-Shirt ni Gray ang suot ko. Tangina, binihisan niya ako kagabi habang lasing ako?! Hindi ko napigilang sabunutin ang buhok ko.

Actually, wala akong naalala sa mga nangyari kagabi. Wala talaga, as in! Ang naalala ko lang ay nag-inuman lang kami tapos binackstab pa nga namin si Mr. Tee T. Co, dahil sa wakas ay sisimulan nang itayo ang bahay. Ilang canned beer ba ang nainom ko at parang gano'n na lang 'yon?

Lumabas na ako ng kwarto niya at pinuntahan ang sala, agad na nahagilap ng mata ko ang sticky notes na nasa dining table.

'I prepared breakfast for you. Eat it. And lock the door when you leave.'

Feeling ko naririnig ko boses ni Gray sa utak ko. His baritone voice that so appealing.

Kinuha ko na yung pantakip ng ulam. At naglaway ako sa ulam na nasa plato; katawan ni Gray at hotdog niya. Charot.

Hotdog, scrumbbled egg at tocino ang ulam na niluto niya. Kumuha na ako ng plato at kutsara saka ako nagsalin ng kanin at ulam sa plato ko. Saka na ako kumain para magkalaman ang tiyan ko.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at umalis na sa condo niya. May trabaho pa akong aatupagin.

∞∞∞

"Hoy Alec! Saan ka ba galing at ganiyan ang itsura mo?" Bungad na tanong ni Ate Maye sa 'kin ng makapasok ako sa bahay. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa na mag-isa habang nakasuot siya ng formal attire. Pupunta ata siyang agency.

"Ah... Ano... Niyaya ako ng katrabaho ko na mag-inuman sa condo niya tapos ayon," I laughed a little.

"Naku, alam ba yan ng Tatay mo?" Nagpalingo-lingo ako bilang sagot.

She heavily sighed. "Mabuti pa na umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis na. Pupunta kami sa agency ngayon ng Tatay mo dahil may meeting siya sa mga Board of Directors. Kaya magmadali ka na diyan bago pa mapansin ng Tatay mo na ngayon ka lang nakauwi."

"Oh sige, Ate. Pero 'pag nagtanong siya sabihin mo na lang na pumunta ka sa kwarto ko at tulog pa," sabi ko at dali-dali na akong umakyat sa kwarto ko. Hindi na ako naligo kasi mabango naman na ako. Naghilamos lang ako tsaka nag ayos ng buhok, nagsuot lang ako ng semi-formal attire like the usual. At nabili ko lang 'to kay Ate Maye sa murang presyo, well, may sideline si Ate Maye ng pautang na RTW, oh diba? 'Yan ang masipag!

Pagbaba ko sa sala ay sinalubong agad ako ni Milo. Hinagod-hagod ko ang balahibo niya. Wala na rin si Ate Maye sa sofa, umalis na sila ni Tatay.

"Milo, hindi ako nakauwi kagabi kasi lasing ako. Nagpakabait ka ba kay Tatay? Kumain ka na? Dapat lang na kumain ka para gumwapo ka. Okay? Now, roll over," sumunod siya sa utos ko. "Sit, Milo," umupo siya at nilabas pa niya ang dila niya. "Good boy, Milo!" kumuha na ko sa cabinet niya ng treats at binigay ko sa kaniya. At kinain niya ito.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz