Chapter 3: Dead Drunk

92 7 1
                                    

Chapter 3: Dead Drunk

A L E C

Enjoy na enjoy pa rin sila sa pag-inom. Habang ako nasa gilid lang, nasa mukha ko ang palad ko habang nakapatong ang siko sa mesa. I sighed. Pati si Kleo enjoy na enjoy pa rin. Yung dalawang Team Manager ay kanina pa natumba sa kalasingan.

Napatingin ako sa wrist watch ko, it's already 12:10 PM. Di ba sila aware sa oras? Grabe talaga. Iba talaga 'pag kasama mo lasinggero, walang pakielam sa oras. Yung iba naming kasamahang babae ay nauna nang umuwi kasi lasing na. Kanina ko pa talaga gustong umuwi eh, ayaw pa akong pauwiin ni Kleo.

Napakamot ako ng ulo ko. "Kleo, gusto ko na umuwi. Gabing-gabi na oh." Ipinakita ko sa kaniya ang oras.

Nagulat siya. "Oh sige. Ubusin ko lang 'to," saka niya inubos ang laman ng baso niya at nang maubos niya ang laman ay agad siyang tumayo at naunang umalis.

"Guys, mauna na kaming uuwi ah. Malalim na ang gabi eh," wika ko sa mga kasamahan ko at sumang-ayon naman sila.

Dali-dali akong sumunod kay Kleo. "Hindi ka pa ba lasing, Kleo? Andami mo kayang nainom," seryoso kong tanong sa kaibigan ko. Tumango lang siya bilang sagot.

Nang makalabas kami sa loob ng bar ay naabutan namin sina West at Gray. Ang braso ni Gray nasa balikat ni West.

"Oh? Akala ko ba, mahirap siyang itumba sa inuman? Eh, anong nangyari?" Sarkastikong tanong ko kay West nang makalapit kami sa kinaroroonan ng dalawa.

"Nagsuka nga ito kanina eh," sagot ni West. "Alec, ikaw na kaya maghatid sa kaniya. Medyo malayo pa kasi ang pupuntahan ko eh," dagdag pa niya.

"Dis-oras ng gabi may pupuntahan ka?" Nakakapagtataka naman.

Hindi sumagot si West sa tanong ni Kleo pero nakatitig lang siya kay Kleo. May something talaga sa dalawang to eh. Mga pakshet na 'to.

I heavily sighed. "S-Sige, West. Ipasok mo na siya sa passenger's seat. Ihahatid ko nalang ang hayop na 'yan sa bahay nila." Ayan kasi, palasing-lasing tapos yung kaibigan pa ang mapiperwisyo.

"Grabe ka naman sa kaibigan ko, Alec. Bago pa lang siya sa team namin tapos ginaganiyan mo na." Nag-alalang wika ni West. Napatawa nalang ako sa sinabi niya.

"Ang OA mo, West. Ipasok mo nalang kaya siya sa passenger's seat para mahatid na yan ni Alec."  Pagtanggol ni Kleo sakin. Kaya agad na ring ipinasok ni West si Gray sa passenger's seat at isinirado na niya ito. Buti nalang at malapit lang ang sasakyan ko sa kinaroroonan naming apat.

"Saan ba ang bahay ng hayop na 'yan?" Tanong ko kay West. Nang maipasok niya si Gray sa sasakyan.

"Sa condo unit daw siya nakatira sa pagkakatanda ko" nag-isip siya saglit. "... sa Pleasure Place."

"Teka, paano mo nalaman na dun nga siya nakatira?" Tanong naman ni Kleo. He raises his eyebrows questioningly.

"Eh magkatabi kaya kami kanina sa loob, tapos sabi niya di niya dinala ang sasakyan niya tsaka, gusto niya rawng ihatid ko siya. Kaya nagtanong ako kung saan siya nakatira," sagot ni West kay Kleo.

"Oh, chill lang. Wag ka namang umiyak. Nagtanong lang naman ako eh."

West just smirk at him.

"Pleasure Place. Ah! Madadaanan ko lang yan papuntang Arcoíris Subdivision eh." Ngayon ko lang naalala na sikat ang Condo na yan. Marami rin ang nakatira diyan kasi nga maganda ang interior design ng unit at sabi pa nila... affordable raw. Eh kung tutuusin mas affordable ang Arcoíris Subdivision eh. Kaya kung naghahanap kayo ng bahay na matitirhan abot-kaya sa bulsa at masayang neighborhood. Huwag na kayong mag-atubiling mag-inquire sa Arcoíris Subdivision.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now