Chapter 14: Sincerity

44 1 1
                                    

Chapter 14: Sincerity

A L E C

"A-Ano?!"

"Oo Kleo, matagal na pala niya akong gusto. Nagulat nga rin ako eh, sabi pa niya na gusto niya raw na makipag-date sa 'kin pero ayaw niya kasi nga naduduwag siya at ayaw niyang may masabing masama sa kaniya ang mga tao sa paligid niya."

"Oh tapos?" umupo na si Kleo sa stool ng island counter habang may hawak na sandok.

"'Yon nga, tapos parang ako pa ang dahilan kung bakit naging bisexual siya. At nang nalaman niya na sa agency ni Tatay ako nagta-trabaho ay nag-out na siya sa pamilya niya at sabi pa niya 'this is my chance to be with you'. Punyeta, hindi ko na alam ang gagawin. Naguguluhan na ako, Kleo!" napahilamos ako gamit ang palad ko.

Tumayo na si Kleo at inatupag na niya ulit ang niluluto niyang ulam. "Alam mo, friend," sabi niya habang hinahalo niya ang ulam. Tinakpan niya ang pan at umupo na ulit sa stool ng island counter.

"Alam mo, pakinggan mo kung ano ba talaga ang sinisigaw ng puso mo. Alam kung gusto mo pa rin si Gray, at alam mo 'yan. Dine-deny mo lang ang katotohanan. He's sorry on what happened, then, why don't you guys start over again, di ba? Pero kahit na pinakinggan mo ang puso mo, 'wag mo rin kalimutan gamitin ang utak mo. Huwag puro puso, utak rin. Gamitin mo silang pareho, pero at the end of the day ikaw at ikaw pa rin ang magde-desisyon para sa kung ano ang ikakabuti para sa 'yo."

"Wow naman, Kleo. Based on experience ba 'yan?" napatawa ako ng mahina.

"Ulol ka." Tumayo na ulit siya at tinignan niya ulit ang niluluto niya. Ni-off na niya ang stove at nilagay na niya sa mangkok ang ulam na chicken adobo. Hinain na niya ito sa countertop.

"Sarap naman niyan Kleo. Amoy pa lang masarap na," komento ko at kumuha na siya ng plato at mga kubyertos.

"Dito ka na maghapunan. Marami pa tayong pag-uusapan, bakla ka."

Kumuha na ako ng plato at kubyertos. "Ay, himala at naisipan mo 'yan. May nangyari ba sa 'yong maganda? Oo nga pala, kumusta na pala kayo ni West?"

"Hindi tungkol sa 'min ang dapat nating pag-usapan, bakla. Don't change the topic."

"Sabi ko nga," sabi ko at nilagyan ko na ng kanin ang plato ko.

"Pagkatapos nating kumain ay mag-inuman tayo, anong gusto mo? Beer or soju?"

"Gusto ko soju, para maiba naman di ba? Puro na lang tayo beer, nakakaumay na."

"Okay sige, damihan mo ng kain para may lakas ka at para may maisuka ka mamaya," tumawa si Kleo sa sinabi niya.

"Siraulo ka."

"Let's celebrate 'cause approved na ang design mo!"

"Yeah, whatever." Wala namang problema sa design na ginawa ko para sa  client ko and tapos na ang lahat-lahat, kulang na lang ay ipatayo na 'yong bahay.

Hindi na nagsalita si Kleo nilantakan na namin ang pagkain. Masarap naman palang magluto si Kleo eh, pero tamad siyang magluto. At sigurado ako na isa rin 'to sa dahilan kung bakit nainlababo si West sa kaniya. Sana all.

"Kleo, palagi ba si West na pumupunta dito sa bahay mo?"

Napatigil sa pag kain si Kleo. "Hmm... minsan lang naman. Why?"

"Wala lang," sabi ko. Napatingin ako sa vase na nasa gilid ng countertop. "Andami namang tulips sa vase mo."

"Bigay lahat 'yan ni West 'pag nagkikita kami. Ang sweet niya di ba?"

"Edi kayo na maganda ang lovelife."

"Parang sira 'to, kumain ka na lang diyan. Dami mong sinasabi."

Hindi na ako nagsalita pa at kumain na.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now