Chapter 12: Care

50 2 1
                                    

Chapter 12: Care

A L E C

Lunch break. Sabay kaming kumain ng Team Arki, tahimik lang akong kumakain habang sina Jona at Kleo ay nakikipagdaldalan sa iba naming katrabaho. Ayokong makipagdaldalan sa mga plastic na katrabaho.

Sa kabilang table ay andoon ang Team Engineer. Halata sa kanina na ang saya-saya nilang kumakain. Napatingin ako sa kinauupuan ni West sa di kalayuan ng table namin, itong si West may atraso pa 'to sa 'kin eh. He smiled to me and I smiled back, syempre plastic lang. Tinuro niya ang katabi niya gamit ang hinlalaki niya, dumapo ang tingin ko sa katabi niya.

He mouthed. "Hi."

Tinignan ko lang si Gray na walang emosyon at hindi ako umimik. Itinuon ko na ang pansin ko sa kinakain ko. Pinagkakaisahan talaga ako ng mga baliw na 'to.

Nang matapos akong kumain ay binalik ko na ang tray sa kusina at dumiretso na sa restroom. Naghugas agad ako ng kamay at inayos ko ang buhok ko, nang okay na ako ay hahakbang na sana ako paalis sa sink, bago pa ako makahakbang paalis sa sink ay laking gulat ko nang makita kong kakapasok rin ni Gray, at papalapit siya sa pwesto ko.

"H-Hi, Alec."

I faked a smile and replied. "Hello."

"Can I talk to you for a sec?"

"I'm sorry, I'm in—"

Hinawakan niya ang kanang braso ko. "Please, Alec. May sasabihin lang akong importante sa 'yo."

"Busy ako, Gray. Kung gusto mong kausapin ako ay mamaya na lang," sagot ko. Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay humakbang  na ako paalis sa restroom. Totoo naman na busy ako. Kakabalik ko lang at may nagpaggawa na ng design sa 'kin.

"Oh, okay. Rooftop after nang trabaho mo," pahabol na wika niya. Hindi ko alam kung ano pa ang pag-uusapan naming dalawa. Kung ang pag-uusapan namin ay 'yong tungkol sa bulaklak at 'yong corny niyang banat, syempre magpapasalamat ako kasi na appreciate ko ang effort niya sa banat niya at 'yong bulaklak.

Pagdating ko sa lobby ng agency ay naabutan ko sina Kleo at West na nag-uusap sa sofa. Ano na naman kaya ang pinag-uusapan ng dalawang 'to? O baka bina-backstab nila ako?

Umupo ako sa kabilang sofa na kaharap lang ng inuupuan nila at napatigil sila sa pag-uusap ng mapansin nila ako.

"Andiyan ka pala, Alec," ani West at umayos ng upo.

"Oo, andito ka nga rin eh. Anyway, ano ba pinag-uusapan niyo at parang napakaseryoso niyong dalawa?"

"Wala naman. Ano lang... tungkol sa project ni Gray. Yeah, tungkol nga doon," sambit ni Kleo na parang kinakabahan pa.

I glared to the both of them. "Hindi ako kombinsido. Pinag-uusapan niyo talaga ako eh."

"Hindi ah. Hindi ka nagkakamali," ani West. "Joke lang, Sir Alec."

"'Yong totoo..."

"Hindi nga sabi, ang tigas ng ulo neto," ani Kleo at napasimangot pa siya dahil sa pangungulit ko.

I sighed as I fold my arms across my chest.

"Alec, kumusta ka na pala. Isang linggo ka ring nawala at nagtaka 'yong ibang Engineer kung ba't ka raw wala. Nawala ng parang bula ang anak ng CEO ng agency," he chuckled a bit.

Napabuntonghininga ako bago sumagot. Naalala ko na naman ang nangyari noong nakaraan. "Ayos naman na ako, nakapagpahinga na ako ng maayos. And here I am... I'm back to work."

"Sinabi sa 'kin ni Kleo na napatawad mo na siya at ni-reject mo siya."

"Yeah, at sinabi rin sa 'yo ni Kleo na babalik na ako at sinabi mo rin kay Gray. Ano to, chain message lang?"

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now