Chapter 2: Welcoming Party

81 8 1
                                    

Chapter 2: Welcoming Party

A L E C

Napansin kong kilig na kilig ang mga kasamahan kong babae—except kay Jona. Parang hindi siya interesado sa bagong Engineer.

Kaya pala nung pagpasok namin ni Kleo kanina ay hindi sila magkamayaw kasi alam nila na may bagong Engineer. Mga babaeng to talaga.

Well, gwapo siya, fit, matangkad at higit sa lahat siya ay... straight. Eww.

"Hoy Alec! Kumakain ka pa ba?" Napakurap ako ng magsalita si Kleo.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tugon ko sa tanong niya.

"Mygad, saang planeta ba napunta ang isip mo at para atang wala ka sa sarili mo?" Tanong niya sakin at sumubo na ng pagkain niya.

Napabuntonghininga lang ako at sumubo na ng pagkain ko. Andito kami ngayon sa canteen ng agency, kasama namin kumakain rito ang  Team Engineer at ibang team. Well of course, di kami sabay kumakain sa kanila kasi iba ang circle nila as well the Architects.

Dual purpose ang agency ni Tatay ko: Engineering  and Architecture Services, basically, kung may gustong magpa renovate ng bahay or magpaggawa infrastractures. Pwedeng-pwede kayo rito. Ang Architect na ang bahala sa design at ang Engineer ang magpapatayo. Kung pwede lang rin ipa renovate ang ugali ng mga kamag-anak mo eh, pwede.

"May iniisip lang," wika ko at sumubo ulit ng pagkain.

"Si Gray ang iniisip mo noh?"

"Hoy! Hindi ah!" Agad kong tugon sa kaniya, napasimangot ako.

"Aysus, deny pa eh. Alam kong crush mo siya. Tsaka, napansin ko rin kanina na nakatitig siya sa'yo or should I say... nagtitigan kayo."

That really caught me off guard. Aside sa kilala na talaga ako netong si Kleo ay may pagka-nosy rin siya eh.

Sighing, we really had an eye contact earlier, and it feels like there are butterflies on my stomach. Oh my, I'm really doomed.

"Speaking of the devil. Andito ang Team Engineer, Alec," dagdag pa ni Kleo sa sinabi niya kaya napatingin ako sa likod ko. Nakita kong papalapit sila sa table na pang maramihan at kaniya-kaniya silang umupo sa mga silya. Kasama nila si Gray. Close na agad sila nang bagong Engineer?

Actually, kami lang ni Kleo ang taga Arki department ang kumakain ngayon, kasi busy yung mga kasamahan namin.

Napansin kami nung isa sa mga Engineer at kumaway siya sa amin ni Kleo. Napansin rin ito ng mga kasamahan niya kaya naging dahilan para lahat ng Engineer ay kumaway sa'min. Kumaway rin naman kami pabalik. At itinuon na namin ang pansin sa pagkain namin.

"Gwapo yung bagong salta na Engineer noh?" Tanong ni Kleo. Heto na naman kami. Pinagmasdan ko lang siya. "He's fit. Halatang suki sa gym. Malaki rin kaya ang—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita.

"Kleo!"

"What?" Halata sa mukha niya na nagtataka siya.

"Tumigil ka na nga diyan."

"Ano? May nasabi ba akong masama? Itatanong ko lang sana kong malaki ang puso niya para ibigin ka niya."

Napairap nalang ako sa sinabi niya. "Siraulo ka talaga."

"Uh-huh? Ikaw ah. Iba yang nasa isip mo eh. Pero malay mo malaki nga." Tinawanan niya lang ako. And as for me, I fake a laugh to him. Ba't ba naging kaibigan ko pa tong baklang 'to? Tinuon ko nalang ang pansin sa pagkain ko.

"Kumain ka nalang diyan. Marami pang pagkain sa tray mo oh. Di yung kung anu-ano iniisip mo, baklang 'to," tinawanan niya lang ulit ako. Sira talaga.

"Oh... someone's coming," napatingin ako kay Kleo at kitang-kita ko na kumikinang ang mga mata niya at namumula pa ang pisngi. Luh, anyare sa taong 'to?

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now