Chapter 4: Project with him

90 5 0
                                    

Chapter 4: Project with him

A L E C

Yung isang araw na day off ay andali lang. Alam mo yun? Sabagay, isang araw lang naman 'yon. 'Yon nga, ang bilis ng panahon. Kulang talaga ang isang araw na pahinga sa mga taong nagta-trabaho. Pero pasalamat na rin ako kasi nakapagpahinga, nakatulog ako ng maayos at nakahinga ng maluwag kahit isang araw lang. Isang araw ka lang walang iisiping trabaho kaya sulitin mo na!

Pero ang ginawa ko buong araw ay natulog lang. Bawing-bawi ko na ang energy ko simula noong umattend ako ng event for my favorite KPop Boy Group. Kaya naman work, work, work ako ngayon.

Pumasok na ako sa loob ng elevator at pinindot ko ang floor kung saan ako patutungo. Himala at ako lang mag-isa sa loob ng elevator. Nang makarating ako sa floor namin ay agad na akong lumabas ng elevator at tinahak ang hallway papunta sa opisina namin.

Nang makapasok ako sa opisina namin ay lahat ng mga Arki ay nakatingin sakin. Woah, what's happening? "May dumi ba sa mukha ko?" Nagtatakang tinuro ko ang mukha ko.

Hindi sila sumagot kaya dumiretso nalang ako sa working station ko. Nilapag ko sa mesa ko ang sling bag ko at umupo na sa swivel chair at nagbasa ng magazine.

"Kuya Alec," napatingin ako sa nagsalita—si Jona. Agad kong nilapag sa mesa ang magazine at napatingin sa kaniya.

"Oh? May maitutulong ba ako?"

"Kuya... ano kasi... Pinag-uusapan ka nila dahil sa paghatid mo raw kay Kuya Gray noong Saturday," halata ang pag-alala sa boses niya.

I chuckled and I let out an reassuring smile. "Ayon lang ba? Akala ko kung anong pinag-uusapan nila."

"Eh? Usap-usapan kayong dalawa sa dalawang Team, lalong-lalo na sa Team Engineer."

"Actually, walang kaso sa' kin 'yon. Wala naman kaming ginawang masama. As the matter of fact, hinatid ko lang siya sa condo niya, wala naman kaming ginawang kababalaghan. Siyempre, katrabaho natin siya eh at may malasakit ako sa tao. So, what's the fuss?" I sighed folding my arms across my chest.

"Anong nangyayari dito, Alec?" Napatingin ako sa kanan ni Jona. Si Kleo pala na kakadating lang.

"Usap-usapan raw kasi 'yong paghatid ko kay Gray," napakamot nalang ako ng ulo.

"Ay, jusmeyo marimar. Parang yun lang? Jusko! Mga tao talaga parang timang, noh? Grabe maka issue, halatang walang magawa sa buhay!" Sobrang lakas ng boses ni Kleo ng sinabi niya 'yon.

Napahilot ako ng sintido ko. Eto talagang si Kleo walang kinatatakutan at walang inaatrasan. Masama ang ugali niya sa masama rin ang turing sa kaniya. Pasalamat na rin ako na may kaibigan ako ni Kleo na maldito.

"Kuya Kleo, kalmahan mo lang," mahinang natawa si Jona sa mga sinabi ni Kleo.

"Hayaan niyo na lang 'yang mga sabi-sabi na 'yan, Kleo at Jona. Lilipas din 'to. Trust me," kalmado kong sabi sa dalawa. Nagkatinginan pa ang dalawa bago umupo sa swivel chair si Kleo.

Kung papatulan mo kasi ang mga sabi-sabi. It's either maaapektuhan ang trabaho mo or makakahanap ka pa ng gulo. Kaya as long as alam mo sa sarili mo ang katotohanan, then, hayaan mo sila. Huwag mo na lang patulan ang mga makikitid ang utak. They're not relevant in your life.

"Balik ka na sa working station mo, Jona-bels. Tapusin mo na lang 'yong project mo para wala ka nang po-problemahin," ani Kleo at ngumiti naman ni Jona saka siya bumalik sa working station niya.

Now, Kleo faced me. "Spill the tea, my friend." Matulis na nakatingin si Kleo sakin, gustong-gusto niya talagang malaman ang mga nangyari noong nakaraan.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now