Chapter 11: Rose

62 2 1
                                    

Chapter 11: Rose

A L E C

Nag-text ako kay Kleo kanina na pumunta dito sa bahay dahil may kailangan siyang ipaliwanag sa akin. Hindi pwede na ipagpabukas ko pa 'to kasi nanggagalaiti talaga ako sa galit kanina. At alam na ni Kleo kung ano ang pag-uusapan namin.

Habang naghihintay sa dumating si Kleo ay nag-scroll-scroll lang ako sa Twitter gamit ang laptop ko. Nakiki-update sa kung ano na nangyayari sa Treasure.

Napakamot ako ng ulo dahil nababagot na ako kakahintay kay Kleo, pagdating talaga ng baklang 'yon bubugbugin ko talaga siya.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng biglang may kumatok dito, bumukas ang pintuan at niluwa nito ang taong kanina ko pa hinihintay. May bitbit pa siyang plato.

"Hi friend, kain tayo," sabi niya nang makapasok siya sa kwarto ko at umupo sa kama ko.

Nilapag ko sa gilid ko ang laptop ko. "Sige lang, friend," sagot ko naman sa kaniya atsaka ako umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Ba't mo pala ako pinapunta dito?" he asked questioningly, he then slurp his spaghetti.

Naging seryoso ang mukha ko. "So, kinuntsaba pala kayong dalawa ni West sa kumag na 'yun."

Agad na napatingin sa akin si Kleo, nilunok niya muna ang kinakain niya bago sumagot. "Alam mo friend, pumayag lang naman kaming dalawa ni West dahil concern lang kaming dalawa sa inyo ni Gray. Deserve naman ni Gray na patawarin mo siya-"

"Desisyon ka, girl?"

"Ay, potangina ka pala eh!" Inirapan niya agad ako.

"Ito naman 'di mabiro," pagbawi ko sa sinabi ko at inagaw ko sa kaniya ang tinidor saka ako tumikim sa spaghetti na dala ni Kleo.

"Alam kong abot langit ang galit mo sa kaniya, kaya nga gustong-gusto ka niyang kausapin. At nahiya na rin 'yon sakin kasi lagi na niya akong kinukulit na kausapin kita. At nagkausap naman na kayo kanina. Now, tell me what happened to you guys earlier today."

Umayos ulit ako ng upo. "He confessed his feelings to me after being forgiven, but I didn't accept it."

"Sabi na eh! Tama talaga hinala ko."

"A-Anong ibig m-mo sabihin?" Nagtaka ako sa sinabi ni Kleo. Bakit? Anong meron?

"Wala... I mean, ibig kong sabihin gusto ka rin niya at halata na matagal na. Now, sabihin mo sa akin kung gusto mo pa rin siya hanggang ngayon."

I glanced at him questioningly. "Really, Kleo? Matagal na niya akong gusto? Pfft. Siraulo."

Napakamot ng ulo si Kleo at nilapag niya sa night stand ang plato na may spaghetti. "Friend, magco-confess kaya 'yong tao sa iyo 'pag di ka rin niya gusto? Siraulo ka, think logically, bitch!"

"Aba malay ko sa kaniya. Problema na niya 'yan. Huwag niya akong idamay." Pinagkrus ko ang braso ko at tinaasan ko si Kleo ng kilay.

"Pero... sagutin mo muna ang tanong ko; gusto mo pa rin ba siya regardless of the damage he has caused you?"

I gave him a stern look. "Fuck off."

"You'll answer it by yes or no. What's the fuss?"

"I don't know, Kleo. Okay? Ayoko munang magpaka stress sa kaniya."

"Sabi mo nga. Pero, papasok ka na ba bukas? Hinahanap ka na ng mga kasamahan natin at lalo na ng mga Team Engineer."

Napabuntonghininga ako at kinuha ko sa gilid ko ang laptop ko pinatong ko ito sa kandungan ko. "Oo, papasok na ako simula bukas. Nakapagpahinga naman na ako ng sapat." Ni-on ko na ang laptop ko at nag log in ulit sa Twitter.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now