Chapter 15: Psyched up

50 1 1
                                    

Chapter 15: Psyched up

A L E C

Grabe hindi ako makahinga, pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko parang may nakadagan sa katawan ko.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, napatitig lang ako sa ceiling. Napaisip ako kung nasaan ba ako, hindi 'to ang kwarto ko. Ay, nasa bahay pala ako ni Kleo.

Habang nakatitig pa rin sa ceiling ay nakarinig ako ng parang umungol. Agad na nagsalubong ang kilay ko, napatingin ako sa gilid ko. Dahil sa sobrang gulat ko ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko.

Agad na kumalas sa pagkakayakap sa 'kin ang lalaki, halata rin sa mukha niya na nagulat siya sa pagsigaw ko.

"G-Gray!?"

"Grabe ka makasigaw, Alec."

"Ba't ka a-andito?"

Napakamot siya ng ulo. "Dalawa lang ang kwarto sa bahay na 'to at ayoko naman na sa sala ako matulog noh, ang daming lamok."

Napansin ko na bumaba ang tingin niya, tumingin rin ako sa kung saan siya nakatingin. Dali-dali kong tinakpan ng kumot ang katawan ko. "B-Ba't ako n-nakahubad? W-Wala k-ka naman sigurong ginawang m-masama sa 'kin di ba?"

Nagpakawala siya ng buntonghininga bago nagsalita. "Lasing na lasing ka kagabi at pinagpapawisan ka kaya—"

"Shit!" Anong ginawa ko kagabi?! Ba't wala akong maalala?!

"May naalala ka ba sa mga pinaggagawa mo kagabi?"

"B-Bakit? A-Ano ba mga p-pinaggagawa ko?"

Umayos ng upo si Gray at sumilay sa mukha niya ang isang ngiting nakakaloko. "Tinawagan mo ako kagabi at pinagmumura mo ako sa telepono, napagtanto naming dalawa ni West na pumunta rito para malaman kung ba't mo ako pinagmumura. Pagdating namin dito ay lasing ka pala, kaya I'll let it slide for your sake."

"S-Seryoso ka ba sa mga p-pinagsasabi mo?"

"Why don't we ask Kleo and West—"

"Oo na, naniniwala na ako!" Bushet, nakakahiya 'yong ginawa ko, pero dala lang rin naman 'yon ng alak eh. "Pasensya ka na ah."

"It's ok, deserve ko naman 'yon in the first place."

"Kahit na uy."

"Ayos lang nga 'yon, alam kung nakainom ka kaya 'wag ka mag-alala hindi ako galit sa 'yo," a sweet smile flashed on his lips.

Ang tagal ko nang hindi nakita ang maganda niyang ngiti, ngiti na bagay na bagay sa kaniya. One of the traits that I admire.

"'Wag mo naman akong tignan ng ganiyan baka matunaw ako, magbihis ka na," sabi niya at umalis na sa kama, kinuha niya sa couch ang long sleeve polo niya tsaka niya ito hinagis sa 'kin. He's wearing a white shirt.

"Ipapasuot mo sa 'kin 'tong polo mo?"

Hinarap niya ako habang nakapamaywang pa. "Alangan naman 'yong damit mo, basang-basa 'yon kagabi. Suotin mo muna 'yang polo ko, wala naman tayong pasok ngayon eh."

"Pero..."

"Wala nang pero-pero, suotin mo na 'yan."

Hindi na ako nagsalita pa a sinunod ko na lang ang sinabi niya. Sinout ko ang long sleeve polo niya habang nasa harapan ko siya, nakangiti pa ang kumag habang pinagmamasdan niya ako.

"Bagay pala talaga sa 'yo ang light color eh, ang ganda mo tignan," komento niya ng matapos kong i-butones ang polo, walang emosyon akong tumingin sa kaniya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito mula sa labas at tumambad sa 'min ni Gray sina Kleo at West na may ngiti sa kanilang labi.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now