Chapter 18: Argue

36 1 1
                                    

Chapter 18: Argue

A L E C

"Nag-enjoy ka ba sa hapunan kasama si Tatay?" tanong ko kaagad kay Gray nang medyo makalapit na kami sa kotse niya.

Isang ngiti agad ang sumilay sa mga labi niya. "Oo naman, noong una ay sobra ang kaba ko pero kalaunan ay nawala rin naman, naging komportable na ako sa Tatay mo at gano'n rin siya sa 'kin."

"Di ba? Sabi ko sa 'yo na mabait siya eh."

"Ibang-iba ang awra niya 'pag nasa agency siya, 'yong awra na punong-puno ng awtoridad pero dito sa bahay niyo ay ibang tao ang siya," komento pa niya.

"Malayo sa sinabi sa 'yo nina Kleo at West," pinagkrus ko ang braso ko.

"Kaya nga eh, bushet talaga ang dalawang 'yon," napatawa siya sa sinabi niya. "Siya sige, mauna na ako," dagdag pa niya.

"Sige, mag ingat ka sa pagmamaneho ah. Umuwi ka kaagad sa condo mo, 'wag ka na kung saan-saan pupunta!"

"Yes Sir," he then kissed my cheek. "Goodnight, Architect Alec."

Alam kung namumula na ngayon ang mukha ko dahil sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko. Ramdam na ramdan ko na umiinit ang mukha ko sa mga sandaling ito.

"Goodnight, Engineer Gray," without his permission, I stole a kiss from his lips.

"Hey, that's unfair. I only kissed your cheek and yet you kissed my lips," pagprotesta niya kaya nginitian ko lang siya.

"Sus, parang 'yon lang? Umuwi ka na at anong oras na, mapahinga ka na."

"Yes Sir," he then enveloped me with his warm embrace. I love this feeling, the warmth that I felt right now. I can literally feel his love through his embrace. We stayed in that position about a minute before he spoke up. "I love you, Alec. Please, be with me... forever."

Pakiramdam ko ay lumubog ang puso ko sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya dahil sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Puso na siya lang ang sinisigaw, minamahal at mamahalin.

"Mahal din kita, Gray. Kasama mo ako habang buhay," mula sa puso kong tugon kaya naging dahilan ito para humigpit ang yakap niya sa 'kin. Mahal na mahal ko talaga ang taong 'to. Wala na akong nakikitang iba pa na para sa 'kin kundi siya lang.

Kumalas na ako mula sa pagkakayakap niya sa 'kin, hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Oh? Ba't ka umiiyak?"

Nagtataka man ay hinaplos ko ang mukha ko at naramdaman ko na tumulo nga ang mga luha ko. "Hindi ko alam, siguro masaya lang ako," wika ko at napatawa na lang.

Pinahiran niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. "Sigurado ka ba na ayos ka lang?"

Tumango-tango lang ako bilang sagot. "'Wag ka mag-alala. Umuwi ka na kasi," pagbibiro ko.

"Okay, sige na alis na ako, text lang ako 'pag nakauwi na ako." Kinaway niya ang kamay niya bago pa siya pumasok sa driver's seat ng sasakyan, binuhay na niya ang makina ng sasakyan niya at pinaharurot ito paalis sa kinaroroonan ko.

Agad na akong bumalik sa loob ng bahay. Pagpasok ko ay naabutan ko si Tatay na nasa sala na nakaupo sa couch kasama si Milo. Seryoso ang mukha niya ngayon at halata rin sa kaniya na galit siya.

"Ayos ka lang po ba 'Tay?" bungad na tanong ko sa kaniya.

"Mabait na bata si Gray, magalang at sigurado ako na may pinagmanahan ang ugali niya. At isa pa, may itsura ang batang 'yon." Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo. "Hiwalayan mo na ngayon din ang taong 'yon!"

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now