Chapter 20: Blissful climax

103 3 1
                                    

Chapter 20: Blissful climax

A L E C

Ilang araw na ang nagdaan at naging maayos na kami ni Tatay, pinilit namin na magkaayos. Balik na kami sa dati pero paminsan-minsan ay sa condo pa rin ni Gray ako nagdi-dinner. Minsan din sa labas kami kumakain 'pag ayaw magluto ni Gray o di kaya'y sa bahay namin kami kumakain.

Hindi kami nagpatinag ni Gray sa mga nangyari netong mga nakaraan. Kung nagpatinag kami, ewan ko na lang talaga; mas magiging komplikado ang sitwasyon namin. Gayunpaman ay may isang balita ako na ikinasaya ko talaga; nang sabihin sa 'kin ni Tatay na ayos na sa kaniya na si Gray ang boyfriend ko basta raw ay hindi niya ako sasaktan o paiiyakin. Hindi pa talaga nagkausap sina Tatay at Gray sa mga nangyari, pero 'pag nasa agency ay civil lang ang dalawa. Ewan ko kung ano ang nakain niya ba't naging gano'n si Tatay. Kahit gano'n ay pinagpatuloy pa rin talaga namin ang nasimulan namin.

"Ang lalim ata ng iniisip mo," napabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang palad ni Gray na dumampi sa balikat ko. His soft palm and its warmth are soothing.

I faced him and replied. "Nothing, I just want to have some dessert after this dinner. What about you, Da?"

Gray's father smiled to me and replied, "I would like to have some ice cream, and I know there's a ice cream on the fridge."

Napansin kong sinamaan ni Gray ng tingin ang Dada niya na nasa kabilang upuan. "Dada, akin 'yon. Bumili ka na lang ng iyo or pumunta ka na lang sa café ko ngayon. Magsasara na ang mga 'yon maya-maya."

Ngayon ako naman ang sumama ang tingin sa kaniya. "Ba't ba ayaw mo makipag share sa Dada mo? Magkaka-brain freeze ka talaga niyan 'pag di ka magsi-share."

"Isa ka pa eh, pinagtutulungan niyo akong dalawa eh. Magpa-ampon ka na lang kaya kay Dada, lagi kayong nagkakasundo eh," napasimangot siya ng dahil sa sinabi ko. Palagi na lang kasi namin siyang pinagkakaisahan ni Dada kaya lagi siyang napipikon sa 'min. "Simula no'ng halos dito ka na nagdi-dinner sa condo ko ay naging close na kayo ni Dada ah."

"Syempre, ganiyan talaga 'pag cute, di ba Da?" gamit ang hawak kong kutsara ay tinuro ko siya na para bang humihingi ng pagsang-ayon.

"Ah... eh... oo naman 'nak!" tawanan ang agad na umalingawngaw sa island counter.

Isang naiinis na titig lang ang natanggap namin ni Dada mula kay Gray, napikon na naman siya dahil sa 'min. Mukhang masusundan pa talaga ang ganitong asaran 'pag bumisita ulit si Dada dito sa condo ni Gray.

"Tapusin na natin 'tong kinakain natin, kanina pa tayo nagdadaldalan eh. Hindi na raw pala pupunta si Mama mo dito Gray kasi marami pa raw siyang aasikasuhin, muntik ko na makalimutang sabihin sa 'yo," ani Dada at sumubo ba ng pagkain.

"Ayos lang Da, pakisabi kay Mama na 'wag masyadong magpa-pagod sa trabaho," isang matamis na ngiti lang ang sinagot ni Dada.

Walang kaalam-alam si Mama Ayra sa mga nangyari no'ng mga nakaraan, mas pinili namin na manahimik na lang para hindi na lumaki pa ang away na namamagitan sa mga Tatay namin. Ayaw rin ni Dada na makielam pa si Mama Ayra sa away sa kadahilanang kaya naman daw asikasuhin ni Dada ang mga nangyayari.

At para hindi ako maging one-sided o biased ay tinanong ko rin si Dada sa lahat ng mga nangyari noong una ay nagdadalawang-isip siya pero, buong puso niya rin na silaysay ang mga detalye, mula sa pinaka umpisa hanggang sa dulo ng kwento. Tinimbang ko ang storya ni Tatay at storya ni Dada; naiintindihan ko silang dalawa ni Tatay. Mukhang gagana talaga ang plano ko, sigurado ako.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Dada na mauna na raw siyang uuwi kasi may mga gagawin pa siya. Sumang-ayon naman kaming dalawa ni Gray dahil kanina pa namin gustong pauwiin si Dada para makapag-usap kaming dalawa sa plano namin.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon