Chapter 6: Architect Martinez

90 4 1
                                    

Chapter 6: Architect Martinez

A L E C

Sunday Morning. I roll myself on the side together with my blanket. Ugh! Gusto nang bumangon ng katawan ko.

Kinuha ko sa side table ang cellphone ko at ni-on ko ito. 10:23 AM na. I stretched my body before I hop off on my bed and went right away on the bathroom. After that, I walk myself downstairs. Of course, I dressed up.

Pagdating ko sa living room ay naabutan ko si Milo na nilalaro niya ang teddy bear niya. Cute.

"Morning, Milo," lumapit ako sa kaniya at hinagod-hagod ko ang ulo niya habang nasa bibig niya yung teddy bear niya. "Nakatulog ka ba ng maayos?" Tumayo na ako para makakain na, nagugutom na ang dragon sa loob ng tiyan ko.

Dali-dali akong nagluto ng ulam. I wonder kung kumain na ba si Tatay, malamang kumain na 'yon at nasa opisina niya dito sa bahay. Mamaya hahatiran ko siya ng snack.

Pagkatapos kong magluto ng ulam ay kumain na ako. Dalawang hotdog at bacon lang ang ulam ko, tapos milk. Busog na si bakla.

Pagkatapos ko kumain ay gumawa ako ng clubhouse sandwich. At tinahak ko na ang daan papunta sa opisina ni Tatay. Napatingin ako sa paanan ko dahil sumusunod pala si Milo.

Kumatok ako ng dalawang beses at binuksan ko na ang pintuan. Naabutan ko si Tatay na busy sa pagtype sa laptop niya. Napansin ko na sa gilid ng laptop niya ay may tasa ng kape.

"'Tay, snack ka muna," sabi ko at nilapag ko sa gilid katabi no'ng kape ang plato na may clubhouse sandwich.

Napatigil sa pagtype si Tatay tinignan niya ako saka siya ngumiti. "Thanks, 'nak."

"'Tay, maggo-grocery ako. Tapos, may kanin pa naman sa rice cooker kasya na 'yon sa 'yo. Sa labas na ako kakain. Gusto ko muna mag-unwind." Gusto ko mag me-time saglit. Stress na stress ako this week. After neto balik na naman ako sa project ko, unting adjustment na lang at matatapos ko na. At ipapakita ko pa kay Gray para mapag-aralan niya ito.

"Sure 'nak," saka siya ngumiti sakin. "Me-time?"

I chuckled before I answer. "Stress na stress na po ang junakis niyo."

"I feel you, pero sige lang. Tapos mo naman na 'yong design mo, di 'ba?"

"Unting adjustment lang naman 'Tay at ok na."

"Buti naman kung gano'n."

I heavily sigh. "Sige 'Tay. Alis na muna ako."

"Sige, salamat pala sa sandwich," he genuinely smiled to me.

"You're welcome, Tatay. Si Milo nasa ilalim ng mesa mo, wag mong kalimutang pakainin ah?"

"Sus, andaming bilin. Alis na!" Napatawa nalang ako sa sinabi niya.

Umalis na ako sa opisina niya at tinungo ko na ang garahe saka ako sumakay sa sasakyan ko, tinungo na ang daan paalis sa subdivision.

∞∞∞

Punong-puno ang cart ko ng groceries dahil hindi ako naglista ng mga bibilhin ko kaya eto. Epekto 'to kanina nang pagiging lutang ko, kaya eto ako ngayon. Sabagay, card naman ni Tatay ang gamit ko—hindi ko pa 'to naibalik sa kaniya—kaya ayos lang. Well, hindi naman siya magagalit as long as iwawaldas ko sa mga mahahalagang bagay.

Nagbayad na ako sa cashier. "Do you have a cash or card, Sir?"

Dinukot ko sa tote bag ko ang wallet ko at kinuha ang card ni Tatay saka ko ito binigay sa cashier, siya na ang nagswipe sa machine at ni-type niya kung magkano ang mababayaran ko. And the bagger did his job.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now