Chapter 10: Love

77 2 1
                                    

Chapter 10: Love

G R A Y

Pag-uwi ko sa condo ay naabutan ko si Dada na nagtitimpla ng kape. Kapag kasi siya lang mag-isa sa bahay ay dito siya sa condo ko tumatambay, busy kasi si Mama sa trabaho niya kaya wala siyang kausap 'pag day-off niya.

Nilapag ko sa countertop ang mga pinamili ko at naupo na sa stool ng island counter.

"What's with the face, 'nak?" tanong ni Dada at umupo siya sa kabilang stool ng island counter.

"Nakausap ko si Alec kanina sa parking area ng supermarket," wika ko at napahilot ako ng sintido.

Sumimsim si Dada ng kape niya bago siya sumagot. "What's the fuss?"

"I'm so fucking frustrated, Da. And the guilt is killing me. But Alec didn't listen to me, I mean I apologized and he didn't accept it," I brushed my fingers on my hair frustratingly.

"'Nak, listen to me. I understand what you feel right now, I've been there. But, the least thing you do is let him be mad at you. For the mean time and after several days or weeks, talk to him. Apologize to him, sincerely. I know it's kinda hard for you. But, please bear with it. May I know why did you say those words to him?" Dada looked at me questioningly.

"I... I... I don't know. It just came out from my mouth."

"Gray, ngayon nasaktan mo ang damdamin ni Alec, kailangan mo talagang bawiin ang mga sinabi mo. Dahil kung hindi sayang rin ang friendship na nabuo niyong dalawa."

"Actually Da, I have a plan. Day off namin bukas, pwede kong gawin itong pinaplano ko. And hopefully magparticipate itong mga kukuntsabuhin ko." I immediately explained to my Dada what I had been planning.

After Dada heard my plan, he's convinced that Alec will talk to me.

"That would be great, 'nak. Pero bukas na agad? Di ba pwedeng ipagpaliban mo nalang bukas?" may pag-aalala sa kaniya. Nag-aalala siya na baka hindi gumana ang plano ko.

"Da, these past few days hindi ako mapakali at hindi ako nakakatulog ng maayos dahil sa guilt. Sana gumana itong plano ko. Anyway, ilalagay ko na sa kitchen cabinet at ref itong mga pinamili ko. Tapos magluluto na ako ng ulam natin, Da. Salamat nga pala sa pera na pinahiram mo," nginitian ko siya.

"Walang ano man, basta bayaran mo ah. At 'wag mo nang ipilit sarili mo na magluto ng ulam. Ako na ang magluluto, at gumawa ka na ng salad diyan."

"Pero—"

"Walang pero-pero. Alam kong marunong kang magluto pero... hindi ka marunong magtimpla."

"Eh, Dada naman eh."

"Hoy Gray, dapat marunong ka magtimpla ng niluluto mo, paano 'pag nag live in kayo ni Alec."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Anong kinalaman nito kay Alec, Da? Marunong naman sigurong magluto si Alec eh. Edi siya na lang magluluto para sa aming dalawa, tutulong lang ako. At hindi pa sure kung diyan nga ang bagsak."

Sumimsim ng kape si Dada bago nagsalita. "Ilagay mo na nga lang sa kitchen cabinet itong mga pinamili mo. Sige na, Gray, baka magdilim pa paningin ko sa 'yo. Pagkatapos kong magluto ng ulam ay uuwi rin ako kasi gabi na, si Mama mo lang doon sa bahay at magtataka 'yon kung ba't ako wala doon."

"Pero bago ka umuwi, Da. Magdala ka ng ulam ah at ipatikim mo kay Mama, tapos sabihin mo na ako ang nagluto.

"Baliw. Alam niya kung paano ako magluto, di mo mabibilog ulo niya."

Napatawa ako sa sinabi ni Dada. Totoo talaga sinabi ni Dada na alam ni Mama kung paano magluto si Dada, ewan ko ba sa dalawang ito. Tumayo na ako at nilagay sa ref 'yong karne at gulay na binili ko kanina at yung iba namang grocery ay nilagay ko sa kitchen cabinet.

Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxBWhere stories live. Discover now