Kabanata 4

36 7 0
                                    

Kabanata 4

"DITO ang sinasabi kong bilihan ng masarap na kakanin." saad ko at napangiti kay Binibining Solana.

Napatango siya. "Maraming Salamat Binibining Eliana sa pagturo sa'min ng pamilihang ito." wika niya  habang pinagmamasdan ang mga iba't ibang kakanin na nakahelera sa harapan.

"Walang anuman Binibini, hindi na rin ako magtatagal maiiwan ko na kayo rito." paalam ko dahil baka hinahanap na rin ako ni Manang Lita.

Napabaling ng tingin sa'kin si Binibining Solana. "Manatili ka muna rito nang panandalian Binibining Solana, sabayan mo kaming kumain ng kakanin." wika niya.

Napailing ako at napangiti. "Hindi na kailangan Binibini, maraming salamat." pagtanggi ko habang nakangiti sa kaniya.
Akmang aangal pa siya nang nagsimula na akong tumalikod, sandaling nagtama ang tingin namin ni Ginoong Samuel ngunit napayuko lamang ako at napangiti nang tipid bago ako umalis.

Tila nakakaligtaan ko na hindi dapat ako ganoong kalapit sa kanilang magkakapatid, dahil may pakpak ang balita maaaring magawan ito ng iba't ibang mga istorya.

Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang mapatigil ako dahil sa baritonong tinig na pagmamay-ari ni Ginoong Samuel.

"Binibining Eliana sandali lamang." saad niya. Napakagat ako sa aking labi at napahinga nang malalim bago lumingon sa kaniya. Kailangan ko na lang din na magpaalam sa kaniya dahil hindi magandang maraming makasaksi sa'min dito sa pamilihan.

"P-paumanhin Ginoong Samuel subalit—"

"Nawa'y tanggapin mo ito Binibining Eliana bilang pagpapasalamat sa iyo." wika niya at inilahad sa harapan ko isang supot ng kakanin. Sandali akong napatitig doon at napatingin sa kaniya. Nakangiti ito nang tipid habang nakatingin sa'kin. Sa sandaling ito ay tila may kung anong kakaibang pumintig sa dibdib ko at hindi ko matukoy ang bagay na iyon.

Dahan-dahan akong napailing at pilit na ngumiti. "Paumanhin Ginoo, subalit hindi ko po iyan matatanggap." wika ko bago nagpaalam sa kaniya.

Malalaking hakbang ang ginawa ko upang tuluyan akong makaalis. Sa tagpong iyon ay nasilayan ko na agad ang mga maiinit nilang mga mata habang nakatingin sa'kin.

Kailangang ipangako ko sa aking sarili na kailangang dumistansiya ako higit na kay Ginoong Samuel.


"ANG tahimik mo Eliana, pasensiya na at napagod ka sa'ting pamamalengke."

Napatingin ako kay Manang Lita nang magsalita siya. Kasalukuyan na naming binabaybay ngayong pauwi patungo sa mansion ng Villaflores.

Napailing ako. "Hindi ho Manang Lita, ayos lamang po ako." sagot ko at ngumiti nang tipid. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang isipin ang ginawa kanina ni Ginoong Samuel sa pamilihan, maaari silang mapahamak o di kaya'y maging laman ng usapan dahil sa kaniyang ginawa.

"Si Ginoong Samuel at Binibining Solana ba ang kasama mo kanina Eliana?" tanong muli ni Manang Lita dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

Napangiti siya at napatingin sa'kin. "Huwag mo nang subukang magdahilan Eliana, may hinala ako na sila nga iyon. Ang laki na ng kanilang pinagbago lalo na si Ginoong Samuel." wika niya bago binalik ang tingin sa harapan.

"Kilala niyo ho ba sila Manang Lita?" taka kong tanong. Napatingin siya sa'kin at napatango. "Dati akong naninilbihan sa kanilang mansion, halos ilang taon din akong nanatili sa kanila." napatango-tango ako at ngumiti nang tipid.

"Naging personal na tagapangalaga ako  sa kanilang dalawa. Limang taong gulang noon si Samuel at tatlong taong gulang pa lamang noon si Solana." patuloy niya.

Napatango muli ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko rin malaman kung ano ang iaakto ko dahil sa kaniyang mga sinabi.

"Ano po ang nangyari at bakit kayo po ngayon ay sa Villaflores na naninilbihan?" tanong ko kahit na batid kong medyo sensitibo ang tanong ko.

Napabuntong hininga siya bago tumugon at nginitan ako nang mapait. "Mahabang kwento Eliana, ngunit ang mahalaga ay mabuti na ako at matagal na panahon na rin iyon kaya't ibinaon ko na iyon sa hukay." tugon niya at ngumiti nang tipid sa'kin.

Hinaplos nito ang buhok na nagkalat sa aking mukha. "Batid kong matalik kayong magkaibigan ni Binibining Solana kung kaya't masaya ako na malapit ang loob niyo sa isa't isa. Di bihira din ang ganitong klaseng ugnayan na mayroon tayo sa pagitan ng mga nakatataas at nasa laylayan." paliwanag niya.

"Bakit niyo ho binabanggit sa'kin ang mga bagay na iyan Manang Lita?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Napangiti siya at hinawakan ang aking kamay. Simula nang mawala sina inay at itay ay siya ang nagsilbing magulang ko, kung kaya't isa na rin siya sa mga pinapapahalagahan ko.

"Dahil humahanga ako sa iyo, nagagawa mong baliin ang pinaniniwalaan ng isang tao. Pinapakita mo na ang mga nasa laylayan ay maaari pa ring magkaraoon nang magandang ugnayan sa mga nakatataas, hindi dahil sa salapi kundi sa pagmamahal."




"MABUTI naman at dumating ka na. Hinahanap ka ni Donya Flora."

Napangiti ako nang tipid nang salubungin ako ni Rosa habang hawak-hawak niya ang ilang gulay na lulutuin.

"Salamat." tugon ko at napangiti sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglabas ng mga gulay.

"Nga pala pagkatapos mong kausapin ka ni Donya Flora bumalik ka kaagad dito sapagkat maraming nakabinbin na trabaho." halos pabalang niyang saad habang hindi nakatingin sa'kin.

Napatango na lamang ako at napangiti bago umalis at nagtungo sa silid ni  Donya Flora. Napahinga ako bago ako kumatok ng isang beses bago ito binuksan.

Sumilip ako sa loob at nadatnan si Donya Flora na nagbabasa ng dyaryo. Tumikhim ako at niluwagan ng kaunti ang pinto, napatingin siya sa akin at ibinaba ang hawak nitong dyaryo.

"Ikaw ay pumasok" sambit niya. Napatango ako bago tuluyang pumasok sa kanilang silid. Tumayo siya sa kanilang katre at may kinuha na liham sa kanilang aparador.

"Maaari bang ikaw ay magtungo sa tahanan ng Delos Santos Eliana?" pakiusap niya, napatingin ako sa kaniya at bahagyang napakagat sa aking labi. Napalunok ako at dahan-dahang napatango "Opo maaari po Donya Flora.."  tugon ko.

Napangiti ito at iniabot sa akin ang liham. "Iyan ay iabot mo kay Donya Esmeralda" tugon niya at tumungo sa isang lamesa kung saan nakapatong ang isang plorera na may laman na mga rosas.

"At ito'y pakibigay rin sa kaniya, sapagkat ibig nito ang mga rosas" tugon nito at nakangiti habang nakatingin sa mga rosas. 

Napatango at napangiti ako. "Maka-aasa po kayo na ang iyong handog ay makararating kay Donya Esmeralda.." tugon ko. Napangiti muli sita. "Maraming Salamat ikaw ay maaari nang humayo Eliana nasabihan ko na si Antonio na ihatid ka." saad niya at binigyan ako nang matamis na ngiti.

Pagkalabas ko sa kanilang silid ay agad na nagsalubong ang landas namin ni Binibining Miranda habang patungo ito sa kaniyang silid. Agad siyang ngumiti at napatingin sa'kin.

"Magandang araw Binibining Miranda." bati ko. Ngumiti siya pabalik. "Magandang araw rin, Para kanino ang mga rosas na iyan?" tanong niya.

"Pinabibigay po ito ng inyong ina kay Donya Esmeralda." tugon ko, napatango siyang muli bago napagngiti.

"Sige ho, Binibining Miranda mauuna na ako—"

"Hintayin mo ako Eliana sasama ako."



Nabibigla,
Eliana

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora