Kabanata 21

17 5 0
                                    

Kabanata 21

MAGDAMAG kong pinagnilayan ang bawat mga katagang sinambit sa akin ni Ginoong Samuel, malinaw ang kaniyang hangarin patungkol sa kaniyang nararamdaman. Kahit hanggang ngayon ay patuloy dumadaloy ang bawat salitang kaniyang binitawan.

Napatingin ako sa dalawang liham na nasa ibabaw ng  lamesa ang sinag na nanggagaling sa lampara ang nagsisilbing liwanag upang aking makita ko nang lubusan ang bawat detalye ng liham. Kanina ko pa
ito pinagmamasdan nagdadalawang-isip ako kung ito ba'y aking babasahin tulad ng kaniyang mga sinabi.

May parte sa aking damdamin na tiyak na masasagot nito ang mga agam-agam na namumuo sa aking isipan. Subalit may parte rin sa aking damdamin na baka mauwi muli ako sa pasakit at pagtatangis.

Huminga ako nang malalim. Sa panahon ngayon kailangan kong pagkatiwalaan ang sinasabi ni Ginoong Samuel, bakas ang sensiridad sa kaniyang mga mata habang inaamin niya ang kaniyang damdamin sa akin.

Kinuha ko ang unang liham at pikit matang binuksan ito, kahit kumakabog nang malakas ang aking dibdib ay iwinaksi ko muna ito kahit panandalian lamang. Pagbukas ko ng kaniyang liham ay bumungad sa akin ang kaniyang pantay-pantay na sulat kamay, may lukso sa aking damdamin at bigyang lumigaya nang makita roon ang aking pangalan.

Eliana,

Hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama nang ihandog mo sa akin ang isang liham na nanggaling mismo sa iyong mga hugis kandila na daliri. Nabasa ko ang iyong liham at lumigaya ang aking puso sa tuwing tinutukoy mo ang aking ngalan. Subalit sa kabila nang aking nadaramang ligaya ang siya namang pamumuo ng aking pangamba nang makita kitang nag-iisa. Nais kong ikaw ay kausapin at nang maiparating ko saiyo na hindi ka nag-iisa. Ngunit wari'y parang tinutusok ang aking damdamin nang makita ko ang mata mong nababalot ng pagtatangis at lumbay.

Naalala ko ang mga panahong ito, nais kong  ibigay kay Ginoong Samuel ang aking liham ngunit ako'y natigilan at tuluyang nilamon ng lumbay ang aking puso nang masaksihan ko ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Nais kong sabihin na natutuwa ang aking puso sa tuwing ikaw ay aking nasisilayan, ang mga nangungusap at mapupungay mong mata ang siyang nagdidikta kung gaano ka marilag. Hinihiling ko isang araw sa mga bituin na sana'y dalhin ako saiyong mga panaginip, sapagkat kahit man ako ay manatili saiyong hangarin ay ito ay aking hindi ikababahala.

Mga butuin sa kalangkitan nawa'y hindi ako tuluyang layuan ng aking sinsintang ubod ng kariktan.

Samuel.

Halos hindi tumigil ang paglakas ng kabog ng aking dibdib, hindi ko mawari kung ano ang aking dapat maramdaman. Matagal ko nang inalis sa aking isipan na ako'y hindi nais ni Ginoong Samuel. Ngunit bakit ganito ang aking nararamdaman?

Nararapat ba akong maging masaya dahil may namumuong pagtingin sa'kin si Ginoong Samuel? Ngunit paano si Binibining Miranda? tiyak na siya'y maghihinagpis, mamumuo sa kaniyang damdamin ang kirot. Inaalala ko pa lamang ang mga mangyayari tiyak na lubusang luluha ito.

Tiniklop ko ang liham ni Ginoong Samuel at idinukdok ang aking mukha sa lamesa. Hindi ko alam kung ano ang aking dapat gawin. Naiipit ako sa sitwasyon, hindi ako maaaring magustuhan ni Ginoong Samuel paano ang kahihinatnan ni Binibining Miranda? At isa pang aking inaalala ay ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib ako'y magmumukang isang kerida para sa kanila.

Hindi ito maaari.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakadukdok sa lamesa. Kahit pinipilit kong iwaksi ang mga agam-agam sa aking isipan ay hindi ko magawa. Ang daming mga tanong na nais kong masagot.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now