Kabanata 31

29 5 2
                                    

Kabanata  31

UNTI-UNTI kong iminulat ang aking mata, napapikit ako ng dalawang beses dahil sa silaw na bumati sa akin. Nilibot ko ang aking paningin, maaaliwalas ang paligid at puno ng prutas at inumin ang lamesa na aking katabi. Dahan-dahan akong bumangon habang hawak-hawak ang aking ulo.

Maya-maya pa'y narinig ko ang pagbukas ng pinto at halos mangilid ang aking luha nang bumungad sa akin si Ginoong Lazaro. Gulat itong napatingin sa akin at mabilisan akong pinuntahan.

"Kumusta ang iyong pakiramdam, mayroon bang masakit saiyo?" Nag-aalalang tanong nito, hinawakan nito ang aking ulo at marahan itong tinapik. "Saan ka nagtungo? Halos buong araw kaming nangangamba sa iyo Eliana, hindi nagawang matulog ni ama nang mahimbing kaiisip saiyo?" saad nito habang nakatingin sa akin.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya at  hindi ko na napigilan pa ang pangingilid ng aking luha. Lumapit ito sa akin at inalo ang aking ulo upang isubsob ito sa kaniyang dibdib. "Anong nangyari Eliana? Iyong ipagtapat sa akin ang totoong nangyari. Hindi ako naniniwala sa mga katagang sinambit ni Miranda na ikaw ay nakipagtanan kay Marcelo"

Napahiwalay ako sa kaniyang dibdib at takang tumingin sa kaniya. Nabalot ng paghihinala ang aking puso. "Ako'y hindi nakipagtanan" saad ko habang lumuluha ang aking mga mata. "Hindi ako nakipagtanan..Kuya Lazaro.." saad ko habang mas lalong lumalakas ang aking hagulgol.

Hindi ko makapaniwala na tinataksilan ako ni Binibining Miranda nang ganito. "Huminahon ka Eliana, batid kong hindi mo iyon magagawa. Sa ngayon kailangan kong malaman kung ano ang nangyari saiyo at kung bakit ka napadpad dito sa Cavite?" napahinto ako at napatingin muli sa kaniya. Narito ako sa Cavite?

"Nang mga panahong sinusuyod namin ang San Ignacio ay hindi ka namin masumpungan. Kanina lamang ay may nakapagsabi sa akin na may isang binibining natagpuan ang mga madre sa kagubatan. Ang mga bawat detalye na kanilang sinambit ay nahahawig saiyo. Kaya't agad akong nagpasiya na magtungo dito sa Cavite. At dito sa kumentong ito kita nasumpungan"  wika nito habang nanatiling nakatingin sa akin.

Naglalaro sa aking isipan ang mga panata nito sa akin na siya'y dadamay sa akin. Pupunan nito ang kaniyang mga responsibilidad na matagal nitong ipinagkait sa akin. Ilang sandali pa'y bumugso muli ang walang humpay kong luha.

Lumuluha ako dahil si Ginoong Lazaro lamang ang siyang naglaan ng oras para ako'y hanapin. Siya at si Marcelo lamang ang nagpahayag ng kanilang damdamin na ako'y mahalaga para sa kanila. Pilit kong isinasagi sa aking isipan kung nagawa nga rin bang nangulila at nangamba sa akin si Samuel.

Sa tingin ko'y wala nang karapatan ito para mangamba sa akin dahil wala na kaming ugnayan sa isa't-isa.

Napatingin muli ako kay Ginoong Lazaro nang hawakan nito ang aking kamay. "Ayos lamang ba saiyo kung ilahad mo kung ano ang nangyari saiyo Eliana?...huwag kang mangamba ako'y iyong mapagkakatiwalaan Eliana...kailangan nilang panagutan kung ano man ang ginawa nila saiyo" sinseridad na saad nito habang mariin nakatitig sa aking mga mata.

Pumatak muli ang aking luha habang sinasariwa ang mapait na aking dinanas. "N-nagising na l-lamang ako n-nasa isang madilim na akong silid....ramdam ko sa kanilang mga titig na a-ako'y nais nilang p-paslangin" saad ko habang patuloy ang pagpatak ng aking luha.

"S-si Mang S-senyo ang may kagagawan nito sa akin. S-sinambit nito na ako magiging kabayaran sa ginawang kapaslangan ni Itay.." nanatili lamang nakatingin sa akin si Ginoong Lazaro habang mariing pinipisil ang aking kamay upang maibsan ang aking takot.

"T-tinangka a-akong pagsamantalahan" namamaos ang aking boses habang patuloy akong nagsasalaysay. Naramdaman ko ang pagigting ng panga ni Ginoong Lazaro at paghigpit nito ng hawak sa aking kamay. "Takot na takot ako...ang aking sarili lamang ang aking aasahan" walang humpay ang pagtulo ng aking luha at mas lalong lumalakas ang aking paghikbi.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now