Kabanata 25

21 5 0
                                    

Kabanata 25

MALAKI  ang aking ngiti sa labi nang makabalik kami sa Mansyon ng Villaflores. Lubusang nagdidiwa ang puso ko dahil sa naidudulot ni Samuel. Ang mga kataga niya ang nagsisilbing aking pundasyon ng kaligayahan.

Kung ang aking kaligayahan lamang ang aking inaasam ay palagi ko ring pipiliin si Samuel.

Napahinto ako sa pag-aayos ng aking katre nang makarinig ako ng katok. Agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang katauhan ni Manang Lita.

"Manang Lita gabi na po bakit hindi pa po kayo nagpapahinga?" panimula ko sa kaniya at mas niluwagan ang pagbukas ng pinto upang siya'y tuluyang makapasok. "Hindi pa naman gaanong malalim ang gabi Eliana, may nais lamang akong itanong saiyo" saad nito. Napangiti ako at binigyan pahintulot ito na maupo sa aking katre.

Ipinatong ko ang lampara sa lamesa upang mas lalong mabigyang liwanag ang loob ng aking silid. Naupo ako sa aking katre at tinabihan si Manang Lita. "Ano ho ba ang bagay na iyon?" tanong ko.

Napahinga ito nang malalim bago tumugon. "Ikaw ba'y nagtungo kanina sa puntod ng iyong ama't ina?" Tanong nito. Dahan-dahan akong napailing, halos tatlong araw na ang nakalipas nang muli akong dumalaw sa puntod nila Inay at Itay.

"Ako'y nagtungo kanina sa puntod ng iyong ama't ina, at may mga sariwang  bulaklak ng rosas ang nakalagay roon. Kung titignan ang mga rosas ay muka itong sariwa pa lamang" halos hindi ko magawang maikurap ang aking mata dahil sa mga sinasambit ni Manang Lita.

"Baka po may dumalaw rito na dating kaibigan ni Inay o ng Itay" positibo kong wika. Napahinga ito nang malalim at tinitigan ako sa aking mga mata. "Ni minsan ba may nabanggit saiyo ang iyong mga magulang na iyong mga kapatid?" Tanong muli nito.

Hindi ko mapigilan ang kilabutan sa mga tinatanong ni Manang Lita. Lumalakas na rin ang kabog ng aking dibdib. "W-wala ho silang nababanggit sa akin" ang katotohana'y unti-unti na namang namumuo ang mga agam-agam sa aking isipan.

Halos ilang taon na ang nakalipas at ngayon na lamang muli naungkat ang tungkol sa aking mga magulang. Kahit kailan man ay hindi ako nagtanim ng hinala sa kanila dahil batid kong wala silang nililihim sa akin.

Naramdaman ko ang buntong hininga ni Manang Lita at may inabot itong isang kapirasong papel at ito'y lukot-lukot. Kinuha ko iyon sa kaniya at hinala ko na napunit ang mga kalahating parte ng sulat na iyon.

"Aking napansin iyan kanina sa ibabaw ng puntod ng iyong Ina. Oo, kami'y dating naging matalik na kaibigan ng iyong Ina ngunit hindi ko batid ang mga lihim nito" wika nito.

Habang patuloy sa pagsasalaysay si Manang Lita ay nakatuon lamang ang tingin ko sa isang papel.  Hindi ko pa man din nababasa kung ano ang nakalagay rito ngunit halos lumuwa na ang aking dibdib dahil sa kaba.

Ilang sandali'y dahan-dahan kong binuklat ang nakalukot na papel, namumuo ang kaba na nasa aking dibdib may pumipintig sa aking damdamin na ibig nitong malaman ko kung ano man ang misteryong bumabalot dito.

Halos mabitawan ko ang kapirasong papel nang mabasa ito.

'ako na ang bahala sa ating anak'

Naramdaman ko ang paghawak ni Manang Lita sa aking balikat. Nanginginig ang aking mga kamay at nagtataka ang aking mga matang nakatitig kay Manang Lita.

Ano ang ibig sabihin nito?

Nanunubig ang aking mga mata habang patuloy na nakatingin kay Manang Lita. Naramdaman ko na lamang na hinagkan ako nito at hinyaan ko na dumaloy ang luhang kanina pa nais bumagsak.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now