Kabanata 32

29 5 3
                                    

Kabanata 32

"ELIANA ikaw ay gumising at tayo'y kakain na" malambing na saad sa akin ni Manang Lita at marahang tinatapik ang aking pisngi. Bumungad ang matamis na ngiti nito sa akin. Dahan-dahan akong bumangon at ngumiti sa kaniya "Magandaang umaga ho" bati ko. "Magandang umaga rin tumayo kana riyan at tayo'y kakain na" wika muli nito.

Ito na ang aking hudyat ng panibagong umaga ko dito sa Bulakan at sana'y patuloy na maging matiwasay ang pananatili ko rito. Malalim na ang gabi nang makarating ako sa Bulakan nagpapasalamat ako kay Manang Lita dahil nagawa nito akong hintayin sa daungan kahit pa inabot na ito ng kurpyo.

May kalakihan ang bahay na tinutuluyan ni Manang Lita, maaayos at maaliwas ang loob ng kaniyang bahay. Ayon kay Manang Lita, na ang silid na aking tinulugan ay dating imbakan ng mga gamit. Ngunit nang malaman nito na ako'y mamalagi sa kaniyang piling ay agad nito itong nilinis.

"Maupo kana Eliana, pagsaluhan natin ang daing na bangus na binili ko sa bayan kahapon" saad nito at naunang umupo at sinalinan ng kanin ang aking plato. Napangiti ako, nakikita ko ang galak sa mukha ni Manang Lita nang ako'y kaniyang masilayan.

Nagpapasalamat ako dahil hindi nito nagawang tanungin ang aking rason kung bakit ko napiling mamalagi sa kaniya. Mag-isa lamang ito sa kaniyang tahanan, labinlimang taon nang yumao ang kaniyang asawa at hindi sila nabiyaaan ng supling. Si Manang Linda na kaniyang kapatid ay matagal nang residente sa San Ignacio dahil doon ito nanirahan simula nang ikasal sila ng kaniyang asawa.

"Siya nga pala Eliana, kanina lamang ay nakatanggap muli ako ng liham kay Ginoong  Lazaro kinumusta niya ang iyong kalagayan" saad nito habang kumakain. Napangiti ako, hindi ko malilimutan ang dapit hapon na hindi ako nagawang lisanin ni Kuya  Lazaro.

Nagawa ako nito akong handugan ng salapi na maaaring makatulong sa amin ni Manang Lita. Sinaad din nito na kung may pagkakataon ay ako ay magpadala ng liham sa kaniya. "Mamaya ho'y tutugunin ko ang kaniyang liham" saad ko at sinimulan na ang pagkain. "Sana'y maging maayos ang pamamalagi mo rito sa Bulakan, pinahayag na sa akin ni Ginoong Lazaro ang nangyari saiyo....at hirap akong paniwalaang ang mga bagay na iyon" napatigil ito at tumitig sa aking mga mata

"Hindi ko iwasang magtampo sa aking sadili dahil sa kaw ay aking naiwanan sa mga panahong ikaw ay nahihirapan" sinseridad na wika nito habang nakatingin sa aking mga mata.

Napangiti ako "Ayos lamang ho iyon Manang Lita, narito po ako upang tuluyan ko nang kalimutan ang nangyari sa akin, handa na ho akong ibaon sa limot ang lahat" saad ko at ngumiti nang matamis sa kaniya. Hinawakan nito ang aking kamay at pinisil nang marahan.

NAGING masagana at maayos ang aking naging unang araw rito sa Bulakan. Isinasama ako ni Manang Lita sa pamilihan at kung minsa'y tinuturan ako nitong magburda. Tuwing huwebes hanggang sabado ay namamasukan ito bilang tagaluto sa mga opisyal dito sa sa Bulakan. Kapag may malaking handaan ay palaging pinapaunlak si Manang Lita upang magluto dahil sa kinagigiliwan nila ang mga putaheng niluluto ni Manang Lita.

Pumasok ngayon sa trabaho si Manang Lita kaya't ako lamang ang naiwan. Nakatanggap muli ako ng liham kay Kuya Lazaro ngunit pinagpasiyahan ko na mamaya ko na lamang ito babasahin. Lumabas ako sa loob ng bahay upang linisin at lagyan ng pananim ang bakuran ni Manang Lita.

"Maganda Umaga nariyan ho ba si--" napatigil ito sa pagsasalita nang lumingon ako sa kaniya. Matangkad at kayumanggi ang balat nito, matangos din ang kaniyang ilong at makakapal ang kaniyang kilay. Ngumiti ito nang matamis dahilan upang lumabas ang kaniyang maliit na biloy.

"Magandang araw Binibini" bati nito habang yumuko ng kaunti. Napangiti ako ng bahagya at tumango sa kaniya. "Magandang araw rin ano ho ang inyong sadya?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Iniwas nito ang kaniyang tingin at ngumiti. "Ah.  Ako'y hihingi lamang nang pahintulot kay Manang Lita kung maaaring ako'y makahingi ng dahon ng malunggay" saad nito habang hindi nakatingin sa akin.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now