Kabanata 27

16 5 0
                                    

Kabanata 27

DAHIL sa hindi ako makatulog nang mahimbing ay pinagdedisyunan ko na lamang na bumangon at magtungo sa kusina. Madilim pa rin ang kalangitan at wala pang bakas ng liwanag na paparating. Naupo ako maliit na lamesa sa kusina at ipinatong ang aking kamay sa lamesa.

Hindi ako nagkakamali!, tinig ni Rosa ang aking narinig sa silid ni Manang Lita. Malaki ang paghihinala ko na may kinalaman doon si Rosa. Ngunit ano ang nag-uudyok sa kaniya upang gawin niya ito sa kaniyang kadugo? Isa niyang tiya si Manang Lita ngunit kung umasta ito ay parang wala itong utang na loob kay Manang Lita.

Kailangan kong makausap nang masinsinan si  Rosa kailangan liwanagin ang mga bagay na kailangan masagot.

PASIKAT na ang araw nang magising si Manang Linda, katatapos ko lamang magluto ng kanin at halos nalinisan ko na rin ang kalahating bahagi ng mansyon. Nagulat ito kung bakit napakaaga kong gumising, tinugon ko na lamang ito na ako'y hindi makatulog.

Kanina pa ako patingin-tingin kay Manang Linda, nais kong tanungin sa kaniya kung may nalalaman ba ito sa mga ginagawa ng kaniyang anak. At nararapat ko rin bang iulat sa kaniya ang aking nasaksihan, ngunit malaki ang hinala ko na hindi niya ito paniniwalaan.

Ilang sandali pa ay napatigil ako sa pagpupunas ng mga pigurin nang makita kong lumabas sa kaniyang silid si Rosa. Halatang puyat ang mga mata nito, nang makita ko ito ay agad na namuo ang sama ng aking loob. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ang bagay na iyon sa kaniyang tiya.

Tumungo ako sa kusina at nadatnan na nagwawalis sa likod si Manang Linda, habang si Rosa'y papungas-pungas ang mga matang kumukuha ng maligamgam na tubig.

Napahinga ako nang malalim, batid kong hindi magandang gawain ang magbintang ng walang konkretong katibayan, ngunit siguradong-sigurado ako na tinig niya ang aking narinig sa silid ni Manang Lita.

"Magandang umaga Rosa, ikaw ba'y nakatulog nang mahimbing kagabi?" Nakataas ang kilay nitong humarap sa akin habang hawak-hawak ang tasang naglalaman ng maligamgam na tubig. "Ano ba ang iyong mga tinuturan Eliana? kung maaari'y lumayo ka sa aking harapan" mataray na sambit nito. Tinitigan ko ito sa kaniyang mga mata. "Tila ba taliwas ang iyong sinasabi sa postura ng iyong mga mata" kalmado kong sambit.

Taka itong napatingin sa akin "Ano ang ibig mong sabihin?" sa tinig nito ay mababakas na naguguluhan ito sa kung ano ang aking sinasabi. "Alam kong nababatid mo na walang ibang tutulong sa atin kundi ang ating sariling kadugo hindi ba?... At bilang isang kapamilya
nito ay nararapat lamang na kabutihan din ang isukli mo rito" sambit ko habang pinipigilan ang aking kaba.

Mas lalong kumunot ang noo nito at nababalot ng pagtataka ang kaniyang mukha "Ano ba ang iyong mga sinasambit Eliana? di hamak na walang katuturan kung ano ang iyong sinasabi" saad nito.

Napatango-tango ako at ngumiti ng tipid sa kaniya. "Kung gayo'y ikaw na lamang ay aking dederetsyuhin" saad ko at at mas tinitigan ito sa kaniyang mga mata. "Ako'y may nasilayang siwang ng liwanag sa isang silid, at noong ako'y lumapit ay narinig ko ang kaluskos at ang impit na tadyak ng paa sa lapag, wari'y may mga bagay itong hinahanap ngunit hindi masumpungan"

"Hindi ba't tinuturing natin na pamilya ang ating kadugo dahil sila ang tutulong sa iyo sa mga panahong ikaw ay nalulugmok. Subalit sa pagkakataon ngayon nararapat pa rin bang tulungan ang iyong kadugo kahit na inilaglag kana nito sa isang bitag" bawat salitang sinasambit ko ay sinisigurado ko na maririnig iyon ni Rosa.

Hindi ko mapaigilan ang bugso ng aking damdamin dahil hindi makatarungan ang kaniyang ginagawa. Bakit pa niya kailangang idamay si  Manang Lita nang ganito.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now