Kabanata 26

20 6 0
                                    

Kabanata 26

DINALA kami ng ihip ng hangin sa tabing ilog. Kasalukuyang nakaupo kami ngayon sa damuhan habang kapwa nakamasid sa ilog. Kulay asul ang kalangitan at matalim na ang sikat ng araw. Tahimik ang mga punong kahoy at tila ba walang kahit isang ibon ang malayang namamayagpag sa himpapawid.

Napapalingon sa akin si Samuel sa tuwing naririnig nito ang aking mga hikbi. Hindi ko nais na makita nito akong nasasaktan ng lubusan ngunit hindi ko magawang mapigilan ang emosyon ng aking damdamin lalo na kapag ako ay nasasaktan.

"Batid kong hindi pa rin humihilom ang mga salitang binitawan ng aking ama sa iyo Eliana...Patawarin mo ako" napalingon ako sa kaniya nang magsalita ito, puno ng pagsusumamo ang kaniyang tinig.

"Kung alam ko lamang na kalapastanganan ang gagawin ng aking ama ay hindi na dapat kita pinilit pa na dumalo sa aming tahanan" patuloy nito. Tumingin ito sa akin at mapait na ngiti ang iginawad nito.

"Wala kang kasalanan Samuel at sana'y huwag mo ring sisihin ang iyong sarili.... Hindi natin batid ang magiging takbo ng ating kapalaran kaya't sana hanggang maaari ay ito na lamang ay ating labanan" saad ko at hinawakan ang kaniyang kamay. Lumapit ito sa akin  at ipinagdikit muli ang aming mga palad.

"Mahal kita Eliana hindi ko nais na ikaw ay bitawan nang napakadali dahil lang sa hindi pabor sa iyo ang aking ama"

"Sapat na sa akin na narito ka sa aking tabi at nararamdaman ko ang iyong pagmamahal. Hindi na natin kailangan pa ng pahintulot ng aking ama kundi ang ating puso na lamang ang magdidikta" tuloy-tuloy na sambit nito. Nanatiling nakapako ang aking mata sa kaniya, batid kong may malaking balakid na humahadlang sa amin ngayon ni Samuel.

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga mata nito tila ba napapawi na rin ang mga agam-agam ko. Batid kong handang ipaglaban ni Samuel ang aming pagmamahalan sapagkat nagawa nitong suwayin ang kaniyang ama.

Ngunit habang mas tumatagal ay napapaisip ako kung hanggang kailan ba ako kayang ipaglaban ni Samuel. Hindi ko nais na isipin ng iba na nakadepende lamang ako sa kaniya, hindi ko rin nais na makarinig ng mga salitang tiyak na ikaluluha ng aking damdamin.

Bago pa lamang ang aming pag-iibigan at hindi ko batid kung baka bukas o sa mga susunod na araw ay mangungulila at makukulong na naman ako sa kalungkutan.

"Samuel" bulong ko, agad naman itong napatingin sa akin at ipinako ang kaniyang tingin sa akin. "Sa tingin mo ba nararapat pa nating ipagpatuloy ang ating relasyon...dahil pakiramdam ko'y napakaraming balakid na humahadlang sa atin. Hindi ako pabor para saiyong ama hin---"

"Huwag mo na lamang isipin kung ano ang iisipin ng iba. Hindi ba't sinabi ko na saiyo noon pa man na Mahal kita at handa kitang ipaglaban" wika nito.

Napailing ako "Ngunit aminin man natin o hindi Samuel, marami ang tutol sa ating pagmamahalan"

"Kahit marami mang tutol sa ating pagmamahalan, ikaw pa rin ay aking ipaglalaban"

Sa mga sandaling iyon naramdaman ko muli ang kalmadong pintig ng aking puso. Nanatiling nakapako ang mata namin sa isa't isa, ramdam ko ang panata nito na tiyak na aking dadalhin sa habang buhay. Malayo na ang aming nasimulan, kahit ang relasyon namin ay bago pa lamang, ngayon pa ba namin iisipin na hindi kami ang para sa isa't isa?

Sa loob-loob ko ay  inaamin ko na hindi ako kumbinsido sapagkat alam ko na gagawa at gagawa ng paraan ang kaniyang ama upang paglayuin kami isa't isa. At iyon ang aking ikinakatakot.

Hindi ko pa kaya kung sakaling mawala muli si Samuel, noong una'y ayos lamang sa akin na ako'y mag-isa ngunit ngayo'y ang hirap na muling bumangon kapag nasanay kana na may kasama.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now