Kabanata 16

19 5 0
                                    

Kabanata 16

NAKAPAGPALIT na ako ng aking damit, kulay itim na saya at kulay puting baro ang aking suot, itinali ko na rin ang mahaba kong buhok. Kasalukuyan akong nakaupo sa kusina at nakatingin sa kawalan ang haligi na nanahimik ay wari'y nabibingi sa aking hindi mapakaling isipan.

Buhat nang kaninang matagal na pagtititigan namin ni Ginoong Samuel ay hindi na muli nito ako pinasadahan ng tingin. Ganoon rin ang nangyayari kay Binibining Solana, ang mga mata ni Solana ay may bahid nang pagtatanong. Ako'y mistulang tumpulan ng mga agam-agam sapagkat pakiramdam ko'y unti-unti nang nawawala sa akin ang lahat.

Naging matamlay ang naging pagpasok ko sa aking silid. Ang liham na nakalagay sa aking saya ay malabo nang aking maibigay ang pakiramdam ko'y maikukumpara ako sa isang rosas. Isang rosas na nasa putikan.

"Eliana, kailangan nating mag-usap" tinig ni Manang Lita habang kagagaling nito sa hapag-kainan. Kasalukuyan pa lamang kumakain ngayon ang Villaflores at Delos Santoas, naririnig ko ang bawat kalinsing ng kubyertos na sumasagi sa bawat platong magarbo.

Napatango ako at sinundad siya malapit sa pintuan sa kusina. "Saan ka ba talaga nanggaling kanina bakit nababalot ng putik ang iyong saya?" Sambit nito. Kitang-kita ko ang pag-aalalang namumuo sa mga mata ni Manang Lita. Kahit wala mang parehas na bakas ng dugong dumadaloy sa aming dalawa ngunit ang puso nami'y malapit sa isa't isa na maituturing kong kapamilya.

"Ako ho'y nagtungo sa taniman Manang Lita. Dumaan lamang po ako sa maputik na daan kaya ho nababalot ng putik ang aking saya" tugon ko habang nakikiusap ang aking mga mata na ako'y nagsasabi nang katotohanan. Ang mga mata niya'y puno nang pangamba, hindi ko ito magawang maiwaksi sa aking isipan dahil likas na kay Manang Lita ang ganoong ekspresiyon.

"Ikaw ba'y inutusan na kumuha ng rosas?" Tanong nito habang hinahawi ang aking buhok. Napatango ako bilang tugon sakaniya. "O siya, ako'y nag-alala lamang saiyo dahil sa iyong postura kanina. Kahit sinong makakita saiyo ay labis na mag-aalala sa iyong kalagayan" patuloy nito at bahagyang ngumiti.

Kay Manang Lita ko lamang nararamdaman ang pagmamahal ng isang Ina simula nang mawala ang aking tunay na Ina. Kahit minsan ay hindi ko naramdaman na parang may kulang sapagkat nawawari ko na ang presensiya niya ang pumupuno sa aking kakulangan.

"Maraming Salamat Manang Lita, at pasensiya na rin po kung hindi ako nakapagpaalam sainyo" paghingi ko ng tawad habang nakangiti sa kaniya. Tinapik nito ang aking pisngi at marahan na tinapik muli ang aking balikat. "Ayos lamang iyon Eliana, andito lamang ako" huling sambit ni Manang Lita bago tuluyan itong tumungo sa hapag-kainan. Napangiti ako sa kawalan at naupo muli sa upuan.

Tulad nang aking ginagawa kanina ay muli na namang napako ang aking tingin sa pader. Hindi ko batid kung bakit hindi ko magawang kalimutan ang nangyari. Isang simpleng hindi pagbalik lamang ng tingin iyon ngunit tila ba buong pagkatao ko ang naapektuhan. Tunay bang mas masakit masaktan kung ikaw lamang ang may pagtingin sa taong iyong napupusuan?

"Eliana, baka nais mong ikaw ay tumulong!" Napatigil ako sa aking malalim na pag-iisip nang marinig ko ang mariin na sambit ni Rosa. Napatingin ako rito at nakapako ang tingin nito sa akin, bahagyang nakataas din ang kaniyang kilay at hawak-hawak nito ang mga ilang kubyertos. Napatingin ako sakaniyang ulo, nakasuot pa rin sakaniya ang panali ng buhok na ibinigay sa akin ni Binibining Solana.

"Maaari bang ibalik mo muna ang panali ng buhok na iyong suot" mariin kong sambit. Tila ba umaapoy ang aking pagkatao simula nang makita ko si Rosa. Sariwa pa rin sa akin ang mga nagawa niyang masasakit na salita hindi lang sa akin kundi pati kina Ama't Ina.

Napangiti ito "At saan ka nangunguha nang lakas ng loob upang sabihin mo sa akin ang katagang iyan?" Giit nito habang mariin ang titig sa aking mata. Ang kaninang may kaliwanagan na postura ng kaniyang mukha ay napalitan nang poot at galit.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now