Kabanata 14

28 5 1
                                    

Kabanata 14


MIRANDA

MALAMIG na ang ihip ng hangin at palubog na ang sikat ng araw nagiging kulay kahel na rin ang kalangitan. Nanatili lamang akong nakahiga sa aking katre at nakatitig sa kisame.

Matapos iulat sa'kin ni Rosa ang kaniyang nalalaman kanina ay nanatili na lamang ako sa aking silid. Ramdam ko ang matinding tunggalian ng aking puso't isipan, mga katanungan at haka-haka ang namamayani sa aking isipan.

Makatlong beses na rin na may kumatok sa aking pinto ang bilin ko na lamang ay dalhan ako ng pagkain dito sa aking silid. Hindi ko batid kung anong mukha ang ihaharap ko kay Eliana hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sakaniya at sabihan siyang taksil. Ngunit hindi sapat ang aking pinanghahawakang ebidensiya, tiyak na aking mas pinagkakatiwalaan si Eliana kumpara kay Rosa.

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang bumukas ang pintuan ng aking silid. Sumilip mula roon ang aking ama, napaayos ako ng aking upo at tuluyan siyang pumasok sa aking silid. Marahang hinawakan ng aking ama ang aking noo at leeg.

"Ayos ka lamang ba anak?" Panimula ni ama habang nakaupo sa aking katre. Napatango ako, tumungo na rin kanina sa aking silid si Ina at dinalhan niya ako nang makakain. "Mabuti naman po ang aking lagay Ama" tugon ko at ibinaling ang mata sa nagsasayawang dahon.

"Ang sabi ng iyong ina ay kanina ka pa nanatili sa iyong silid, tinatanong niya kung ano ang iyong dahilan ngunit hindi mo tinutugon ang kaniyang mga tanong" sambit ni Ama habang nakatingin sa akin.

Napansin kong may bahid na ng kulay itim sa ibaba ng kaniyang dalawang mata. Masyadong tutok na ang aking ama sa kaniyang trabaho, hindi  siya magawang tulungan ni Kuya Lazaro sapagkat abala ito sa pag-eensayo.

"A-akoy walang problema ama napagod lamang ako, pinilit kong tinapos ang aking ibinuburda" sambit ko habang inilahad sakaniya ang hindi pa tapos na aking burda. Napatingin rito si ama at ngumiti nang bahagya. "Kung ikaw ay may ibig pa ay iyo lamang idulog sa akin gayun na rin ang iyong mga problema" sambit ni Ama.

Kumpara kay Ina ay mas komportable akong kausap si Ama. Lahat ng aking nais ay ibinibigay ni ama, busog na busog ako sa kaniyang pagmamahal. Napayakap ako sa aking ama at ipinatong ang aking ulo sakaniyang balikat. Naramdaman ko ang marahan niyang paghipo sa aking likuran.

"Lahat ng aking nais ay kaya niyong ibigay ama?" Tanong ko habang nakapatong ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Kung iyon ang iyong ikaliligaya ay akin itong ibibigay" sambit nito na lalong nagpalaki ng aking ngiti.

Natututo akong magbigay at magpaubaya ng mga bagay at hindi ako kailanman humingi ng kapalit. Ngunit sa  sitwasyon na ako'y nasasaktan handa akong humingi ng kapalit. Walang labis walang kulang.

Matapos akong kausapin ni Ama ay sinabihan niya na rin ako na lumabas sa aking silid sapagkat maya maya ay handa na ang hapunan.

"Anak ko mabuti naman ay ikaw ay lumabas na saiyong silid" bati sa'kin ni Ina pagkalabas ko sa aking silid. Agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. "Ina, ayos lamang po ako huwag na po kayong mag-alala sa'kin" sambit ko at  ngumiti upang maibsan ang pangambang nararamdaman ni Ina.

"Mabuti naman kung ganon anak" sambit ni Ina habang hinawi ang aking buhok. "Maaari mo bang tawagin na ang iyong kuya Lazaro sa kaniyang silid, tulad nami'y siya'y nag-aalala rin sa iyo kanina" sambit ni Ina. Napangiti ako kung tutuusin ay minsan lamang magpahayag si Kuya Lazaro ng pangungulila sa'kin. Madalas ay tahimik lamang ito ngunit nararamdaman ko ang pagmamalasakit niya.

"Sabihan mo na rin ang iyong Kuya Lazaro na tayo'y kakain na maya maya" patuloy ni Ina. Napatango ako "Ako'y po'y tutungo na sa kaniyang silid Ina" wika ko at nagpaalam sakaniya.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now