Kabanata 19

19 5 0
                                    

Kabanata 19

MALAPIT na magdapit-hapon nang makauwi ako sa Mansyon ng Villaflores. Nagawa pa akong ipahatid ni Binibining Solana kay Marcelo. Matapos ang kaganapan sa tabing-ilog ay hindi ko na nagagawa pang tapunan ng tingin si Ginoong Samuel, nararamdaman ko ang mga palihim nitong titig ngunit isinasawalang bahala ko iyon.

Sa tuwing nais umalis ni Binibining Solana at Marcelo ay nakikiusap ako na kung maaari ay sumama ako sakanila. Hindi ko kayang maiwan ako kasama si Ginoong Samuel, paano ko magagawang makalimot? kung tuluyan pa rin akong binabagabag ng kaniyang presensiya?

"Eliana, sumunod ka sa akin" aya sa akin ni Manang Lita at iniwan nito panandalian ang niluluto nitong almusal. Nagtungo ito sa likod ng mansyon at matiwasay ko itong sinundad. Pagkarating namin sa likod ng mansyon ay ang magandang sikat ng araw at kulay asul na kalangitan ang sumalubong sa amin.

Napatigil ako at napatulala kay Manag Lita nang may inabot itong liham. Napakunot ang noo ko habang nakatingin doon, kulay krema ang papel at may tuyong talutot pa ng rosas ang naroon.

"Ito'y hinatid kani-kanina lamang ni Marcelo" panimula ni Manang Lita. Napasulyap ako sakaniya at hindi pa rin mawala ang pagkunot ng aking noo.

"Ayon sa kaniya ito'y liham ni Ginoong Samuel para saiyo" unti-unting nawala ang pagkunot ng aking noo at napalitan iyon ng pagtataka. Hindi ba naging malinaw para sakaniya ang mga tinuran ko kahapon? Bakit sa tuwing nais kong lumayo ang siya namang paglapit nito?

Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay at tinanggap ang liham, pinasadahan ko ng aking mga daliri ang liham. Patuloy lang akong nakatingin dito at hindi batid kung ano ang aking sasabihin.

"At nais din ni Binibining Solana na dumalo ka sa kaniyang kaarawan, bago magdapit-hapon ay sisimulan na ang pagdiriwang" sambit muli ni Manang Lita. Napaangat ako ng tingin dito at tipid na ngumiti at tumango kay Manang Lita.

"Maraming Salamat po" sambit ko at binigyan ito nang matamis na ngiti.

Ngumiti ito pabalik at hinawakan ang aking balikat. "Aking nakikita na may kakaiba sa iyong mata, hindi ko batid kung ito ba'y kalungkutan o kasiyahan. Kung kasiyahan man ang laman ng iyong mga mata, ito'y marapat sa iyo at kung sakali mang kalungkutan ang bumabalot sa iyo Hija, may mga paraan upang mahanap mo ang iyong kasiyahang nagkukubli kung saan-saan man" nanatili lamang akong nakatingin kay Manang Lita.

Hindi ko masabi sa damdamin ko kung lubusan ba akong masaya sa tuwing kasama ko si Ginoong Samuel, ngunit may parte sa aking puso na magaan ang aking pakiramdam kapag kasama ko siya.

Tumango muli ako kay Manang Lita at ngumiti. Kung hahanapin ko ang aking kasiyahan ay tiyak na mahirap kona itong masusumpungan, sapagkat may mga bagay na hindi ko dapat hadlangan para lamang sa aking ikaliligaya.



TATLONG magkakasunod na katok ang ginawa ko sa pinto ng silid ni Binibining Miranda. Marahil ay mataas na ang sikat ng araw ngunit maaga pa rin ito para sa kaniya. Maya-maya pa ay binuksan na nito ang kaniyang pinto, mapupungay na kaniyang mga mata ang agad kong napansin. Napansin ko rin na namumugto ang kaniyang mga mata.

"Ayos lamang po ba ang kalagayan niyo Binibining Miranda?" nag-aalala kong sambit. Huminga ito nang malalim at niluwagan ang pagbukas ng kaniyang pinto hudyat na ako'y kaniyang inaalok na pumasok.

"Ayos lamang ang aking pakiramdam" tipid nitong sagot at umupo sakaniyang katre. Kahit wala ayos ang kaniyang buhok ay kapansin-pansin pa rin ang kagandahan taglay nito.

Kinuha ko ang palong(comb) sa ibabaw ng kaniyang aparador at dahan-dahang sinuklay ang kaniyang buhok. Nagulat ito sa aking ginawa ngunit hinayaan lamang ako nito. Tahimik lamang siya habang dahan-dahan kong sinusuklay ang kaniyang maalon na buhok.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon