Kabanata 10

31 6 0
                                    

Kabanata 10



Kasalukuyang nakababa na kami ni Binibining Miranda sa kalesa ngayon. Sakto lamang ang aming dating sapagkat pasimula pa lamang ang misa, inalalayan ko si Binibining Midanda sa kaniyang pagbaba at sabay kaming nagtungo sa loob.

Nasa ikatlong hanay kami ng upuan at napansin kong palinga-linga si Binibining Miranda sa loob ng simbahan. Wari'y may hinahanap siya "Binibining Miranda tayo'y maupo na" bulong ko sa kaniya. Napatingin ito sa akin at napatango.

Nagsimula na ang pagbasa at nakapokus ang lahat ng tao. Mga huni ng ibon at kaluskos ng mga dahon lamang ang maririnig. Nang aking sulyapan si Binibining Miranda ay nakapako ang tingin niya sa kaliwang hanay ng mga upuan labis akong nagtataka sa mga ikinikilos niya ngayon.

Napatingin ako sa kaniyang tinitignan at nakita kong nakatingin siya kay Ginoong Samuel. Tahimik lamang siyang nakikinig at nakabaling ang tingin sa harapan.

Napabaling ang tingin ko kay Binibining Miranda at napatingin din siya sa'kin. Napangiti lamang siya at ibinalik ang kaniyang tingin sa harapan. Hindi ko mapipigilan ang namumuong pagtingin niya para kay Ginoong Samuel. Nararapat lamang na suportahan ko siya sa binubulong ng kaniyang damdamin.







"ELIANA, dito ba ay may palikuran?" bulong niya. Katatapos lamang ng misa at aking nasisilayan na mas malaki pa ang porsyentong nakatitig siya kay Ginoong Samuel. Nababalik lamang ang tuon niya sa Pari kapag akin itong sasabihan.

"Mayroon Binibini, samahan na ho kita," sambit ko at kami'y nagtungo sa likod ng kumbento. "Hintayin mo na lamang ako doon sa hardin Eliana," wika niya bago tuluyang pumasok sa loob.

Napatango na lamang ako bago nagtungo sa gilid na hardin ng simbahan at naupo sa upuang kahoy doon. Sumasagi sa aking isipan ang sinambit kanina ni Binibining Miranda.

Kanina pa iyon tumatakbo sa aking isipan, posible kayang totoo ang kaniyang sinasabi? Ngunit kung hindi bakit naman niya iyon sasabihin sa liham? At isa pa kung para sa'kin talaga ang liham na iyon, bakit ako nais bigyan ng liham ni Ginoong Samuel?

"Tila ang iyong mukha ay hindi maipinta," agad akong napatayo dahil sa pamilyar na tinig. Nasa harapan ko ngayon si Ginoong Samuel habang nakatingin ulit sa'kin, puti ang suot niyang damit at kulay krema ang pang-ibaba niya. Maaliwas ang mukha niya at bahagyang nakataas ang ayos ng kaniyang buhok.

Napaiwas ako ng tingin "Maganda umaga ho Ginoo" sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniyang mga mata. Narinig ko ang kaniyang pagtikhim "Magandang umaga rin sa iyo Binibini.." pabalik na bati niya, ngumiti ako at yumukod nang bahagya sa kaniya.

Nanatili akong hindi nakatingin sa kaniya at muling napaupo sa upuan. Nahihiwagaan din ako kung bakit nanatiling nakatayo si Ginoong Samuel sa gilid ko.

Napatikhim ako bago magsalita. "M-may nais ho ba kayong sabihin? Nga pala kasama ko rin po ngayon si Binibining Miranda," saad ko at bahagyang ngumiti sa kaniya.

Sandali siyang napatingin sa'kin bago napaiwas ng tingin at akmang ibubuka niya ang kaniyang labi nang marinig namin ang tinig ni Binibining Miranda.

"Ginoong Samuel?" saad niya dahilan upang mapatayo ako sa upuan at mapatingin din sa kaniya si Ginoong Samuel.

"Ikaw nga, magandang umaga sa iyo Ginoo," saad ni Binibining Miranda habang sumisibol ulit ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi.

Napatango si Ginoong Samuel, "Magandang Umaga rin sa inyo, " tugon niya at bahagyang yumuko. "Ginoong Samuel ikaw ay naparito? Ako ba'y iyong hinahanap?" Tanong muli ni Binibining Midanda at itinaas ang abanikong hawak upang hindi masilayan ang kaniyang mumunting ngiti.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now