Kabanata 23

21 5 0
                                    

Kabanata 23

"MAAARI mo bang ulitin muli ang iyong sinambit kanina aking sinta?" pangungulit nito sa akin habang walang tigil na inaalog ang aking braso.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa parke habang pinagmamasdan ang paisa-isang  kalesang dumaraan. Napatingin ako kay Samuel at bahagyang nakaharap na ito sa'kin habang nakasilay ang isang ngiti.

Ngayon ko lamang na pansin na kakaiba ang postura nito kapag ito'y masaya. Nagulat ako nang inilapit nito ang kaniyang kamay sa aking noo at hinimas niya iyon gamit ang kaniyang hinlalaki.

"May insektong dumapo sa iyong noo" wika nito at inalis na ang kaniyang hinlalaki. "Bakit iyong nais na mapakinggan muli ang aking sinambit kanina?" tanong ko habang nanatiling nakatingin sakaniya.

Ngumiti ito bago tumugon. "Dahil nais ko itong marinig muli. Tila isang musika iyon sa aking pandinig" tugon nito at lumapit sa akin. At hinawakan ang aking kamay at kasabay non ang paglapat ng aming mga palad.

"Bakit hilig mong hawakan ang aking kamay?" tanong ko  habang nakatingin sa aming mga kamay. Tumikhim ito "Dahil sa tuwing hawak ko ang iyong kama'y pakiramdam ko'y napupuna nito ang aking kaligayahan" tugon nito.

Napatingin ako sakaniya at hindi inabala ang aking sarili na tumugon sa kaniyang sinambit. Pinagmasdan ko ang mukha nito na tila ba anong oras ay mawawala ito, hindi ko mapigilang aminin sa sarili ko na hulog na hulog ako sa lalaking nasa aking harapan ngayon.

Napataas ang aking kilay nang tumingin din ito sa akin at inilapit nang bahagya ang kaniyang mukha sa akin. Napalayo ako agad at hinampas ng bahagya ang kaniyang braso.

"Hindi ko ibig kung ano ang iyong balak gawin" tugon ko at ibinaling ang tingin sa harapan. Narinig ko ang munti nitong tawa at iniharap ang tingin sa harapan. "Ano ba ang balak kong gawin?" tanong nito habang malapad ang kaniyang ngiti.

"Hindi ko batid, ngunit sa tingin ko'y..." Naramdaman ko ang pagtitig nito sa akin at ang pagkunot ng kaniyang noo dahil sa binitin ko ito sa aking dapat sabihin. "Ano sa tingin mo?" tanong nito at hinawakan muli ang aking kamay.

Napabuntong hininga ako. "Sa tinging ko'y ako'y balak mong halikan?" saad ko at hindi mawari kung saan idadako ang aking tingin. Napangiti ito nang malaki at isinandal nito ang kaniyang likod sa upuang kahoy at iniakbay ang kaniyang kamay sa sandalan ng upuan.


"Maaari ba?"


Nanlaki ang aking mata at tinignan ito ng isang pagtatakang mukha. Lumaki ang ngiti nito at walang salitang tumayo at kinuha ang mga natirang prutas. "Tayo nang humayo aking Sinta, at baka ikaw ay hinihintay na ni Manang Lita" saad nito.

Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo at sinabayan siya sa kaniyang paglalakad. Habang nilalakbay namin ang daan patungo sa pamilihan ay hindi mawala ang ngiti ni Samuel sa kaniyang labi. Hinihiling ko na lamang na walang makakita sa kaniya na ganito ang kaniyang postura dahil baka bigyan itong titulo na nasisiraan ng bait.

Huminto kami sa gilid ng pamilihan, ang lugar na iyon ay ang tambakan ng mga gulay at prutas. Walang gaanong tao ang nanatili dito dahil sa ito'y isang tagong lugar. Hindi na ako magtataka kung bakit dito ako dinala ni Samuel dahil sa batid niya ang lugar na ito.

Huminto ito sa aking harapan at ibinababa ang prutas at inumin na kaniyang binili kanina. "Si Manang Lita ay  wala pa rito. Hintayin na lamang natin siya" saad nito. Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.

Iginaya niya ang kaniyang kamay at pinaupo ako sa isang upuang kahoy habang siya'y nanatiling nakatayo lamang. "Kaya aking mahal si Manang Lita" tugon nito, napasingkit naman ang aking mata dahil sa kaniyang sinambit. Ngumiti ito "Dahil sadya nitong tinatagalan ang pamimili upang  ikaw ay aking makasama nang matagal" saad nito, napaiwas ako ng tingin ngunit hindi mapawi ang mga ngiti sa aking labi.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now