Kabanata 22

23 5 0
                                    

Kabanata  22



HINDI alintana ang nagbabadyang pagbaba ng araw hudyat na maya-maya ng kaunti'y sisibol na ang dilim. Nanatili kaming nakaupo ni Ginoong Samuel sa nakalatag na kumot at nakatingin sa tahimik na ilog.

Katatapos lamang namin kumain, halos hindi ko napansin na may dala itong mga prutas at sariwang inumin para sa amin. Kahit bakas pa rin ang lungkot sa aking mga mata  ay ako'y kaniyang pinilit na kumain at iisantabi muna ang lumbay.

"Salamat dahil iyong pinaglaanan ng oras na basahin ang aking mga liham" panimula nito habang ang tingin ay nasa harapan. "Ako'y nanabik na malaman ang sinasabi mong kasagutan" sambit ko at ngumiti sa kaniya.

"Ang lahat ng nakasaad sa aking liham ay pawang katotohanan Eliana" wika nito at tumingin sa akin.

Napatango-tango ako "Kung gayo'y totoo ang iyong tinuran na ako'y tinuturing mong mahiwagang yawe?" nakangiting sambit ko. Tumawa ito ng kaunti at lumapit sa aking tabi. Kinuha nito ang aking kanang kamay at inilapat doon ang kaniyang palad.

"Ikaw lamang at walang iba" bulong nito. Bahagyang tumaas ang aking mga balahibo dahil sa gulat at init ng kaniyang hininga na dumadampi sa aking leeg. Napalayo ako ng kaunti sa kaniya at binitawan ang kaniyang kamay, gumuhit ng pagtataka ang kaniyang mukha.

"Ginoong Samuel....may sinambit sa akin kanina si Binibining Miranda" panimula ko, tumingin ito sa akin at walang bakas ng kaba sa kaniyang mga mata. Hindi ko nais na siya'y pagdudahan ngunit nais ko lang makasiguro.

"Nabanggit nito na kayo'y magkikita sa kumbento at  Plaza de Mayor" patuloy ko, kumunot ang noo nito at umuwang nang bahagya ang kaniyang labi. "Wala akong natatandaan na siya'y aking niyaya" sambit nito na nagpalaki ng aking pagtataka.

"Wala akong sapat na rason upang siya'y aking yayain sa kumbento" patuloy nito, tinitignan  nito nang mabuti ang aking mga mata. "Ako'y walang pagtingin sa kaniya  Eliana, hindi ko kayang palitan ang iyong ngalan dito sa aking puso" kalmado at puno-puno ng panata ang kaniyang tinig na binibitawan.

Sa kaniyang mga mata'y nababasa ko na walang halong biro ang bawat katagang kaniyang binibitawan. Umiwas ako ng tingin.

"Pasensiya na Ginoong Samuel, hindi ko kayang magduda saiyo ngunit... Nakita ko kayo ni Binibining Miranda na nagtungo sa isang silid....at bakit siya'y iyong hinahanap... na nais mong makausap?" wika ko.

Ngumiti ito. "Ikaw ba'y naninibugbo Eliana?"

Umiling ako "Hindi, ako'y hindi nanunubugho!" tanggi ko at iniling-iling ang aking ulo.

Ngumiti muli ito nang napakalaki. "Ikaw ay huwag nang manibugho Eliana" wika nito. Lumapit muli ito sa akin, bahagyang nakaharap na ito sa akin ngunit ako'y nanatili na nakatingin sa harapan.

"Siya'y aking hinanap noon dahil balak na siya'y kausapin ng aking ina, at ang iyong nasaksihan na kasama ko siya sa aking silid..." Hinto nito, napatingin ako sa kaniya at halos magdikit na ang aming mga ilong dahil sa lapit namin sa isa't  isa. Ibinaling ko muli ang aking tingin sa ilog.

"Ano ang inyong ginagawa sa silid?" Napakagat ako sa aking labi dahil may halong  pagtatampo at paninibugho na ang aking tinig. Ang hirap aminin na ako'y naninibugho sa kanilang dalawa ni Binibining Miranda. Wala akong sapat na lakas ng loob upang akin itong aminin ng harapan sa kaniya.

Napabaling ako ng tingin sa kaniya ng bigla itong tumawa nang marahan.

"Ano ang dahilan ng iyong munting pagtawa Ginoong Samuel?" depensa ko at tinitigan siya nang mariin sa kaniyang mata. "Ikaw nga ay naninibugho sa amin hindi ba?" pabiro nitong tinig.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now